Chapter Eighteen

3 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"HMPH" iyon ang hindi mapigilang pagpilipit ni Mira sa tiyan niya habang nakakulong siya sa kwarto

Maingay sa tawanan at hagikgikan ang mga nasa labas. Mukhang nagdiriwang nga ang mga ito kahit na wala siya. Hindi ba niya alam ngunit tumatagos ang amoy ng barbeque sa kanyang kwarto na naging dahilan naman para lalo siyang magutom. Bakit ba niya kasi sinabing busog siya? Kung dati nga hindi siya nabubusog sa term na "pag-ibig" kahit pa in love na in love siya, ano pa kaya ngayong laslas puso ang estado niya? Edi mas lalong nagkukumahog na makakain ang mga bulate niya.

Narinig niya ang pagkatok ni Ury na tila ba pinapakiramdam kung gising siya at dahil hindi siya sumasagot sa mga pagtawag nito ay tumigil na rin ang kaibigan. Tiis ganda tuloy siya kahit na kumukulo ang sikmura niya.

Nang magmulat siya ay tahimik na ang paligid. Tiningnan rin niya ang orasan at napag-alamanan na ala-una na pala ng madaling araw, kung ganoon ay nakatulog nga siyang kumukulo ang sikmura. Sa pagbangon niya ay naramdaman na rin niya pangangailangan ng kanyang tiyan na may mailagay, kung kaya't dahan-dahan ay bumangon siya at lumabas ng kwarto. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang hindi ganoon kadilim ang kanyang lalakarin, madali rin naman siyang nakababa at nakatungo sa kusina. Masaya na siyang may nakadaupang palad niyang biscuit sa ref nito, ganun din ang mga bottled water na kinuhanan naman niya ng isa para mainom. Nang makaraos ay satisfied na rin siyang tumayo pabalik ng kwarto ngunit paakyat pa lamang siya ng hagdan ay saktong nakasalubong naman niya ito pababa.

Mas malapit na ang distansya nila ni Yiro kaysa sa naging pagkikita nila kanina, amoy na rin niya ang natural na amoy nitong tumatak na sa ilong niya ngunit hindi dapat siya magpatalo. Bago pa may maging interaksyon sa pagitan nila ay mas mabuti ng umiwas siya rito. Iniiwas na lamang niya ang tingin rito bago sinubukang dumaan sa kabilang gilid na siyang hinarangan rin nito, sa ikalawang pagkakataon ay bumalik siya sa kabilang side ngunit naharangan din nito. Sa huli ay hindi na lamang niya maiwasang ibalik rito ang tingin at seryosong binalingan ang binata.

"Dito ka dumaan, dito ako sa kabila" saad niyang ikinagalaw muli niya ngunit hindi ikinatinag nito

"Akala ko ba ayaw mo na akong makita? Bakit nandito ka?" nagawa ng pagtatanong nitong ikinailing naman niya

"Hindi ako nandito para sa iyo Yiro, nandito ako para kay Aira at Hino" wika naman niyang hindi pa rin ito binabalingan ng tingin

"Pumunta ka pa rin kahit alam mong may tsansa na magkita tayo?" pagtatanong muli nitong kaysa sagutin ay nagawa na niyang ikilagpas sa binata

"Iisa lang ang mundong ginagalawan natin Mira, kahit ilang beses tayong mag-iwasan magkikita at magkikita tayo but in this case, you made a way for us to see each other" wika naman nitong ikinatigil niya paglalakad at hinarap ito

"I know I hurted you when I said na ayoko ng maging close tayo, It was all my fault to begin with that I fell inlove with you pero Yiro, ayoko ng idamay pa ang ibang tao ng dahil dito. Isa pa, you're used to this. You're used to girls confessing to you. Bakit hindi mo nalang gawin ang madalas mong ginagawa? Just ignore me like the way you used to do with them" wika pa niyang tinabayan ang sarili

Humarap ito sa direksyon niya at dahan-dahang umakyat at hinarap siya. Sa seryosong tingin nito ay lalo siyang napakapit ng mariin sa damit at kusa na rin ibinaba ang tingin.

"Look at me" saad nitong ikinailing naman niya

"You have to look at me" wika pa muli nitong kahit nanginginig siya ay dahan-dahan niyang ikinaangat ng tingin sa direksyon nito

Wrong move. They are so close. Nararamdaman na niya ang bawat paghinga nito at kahit na seryoso ang mga mata nito sa kanya ay tila may hindi siya maintindihan sa bawat titig nito. She backed off a bit pero sumunod pa rin ito sa kanya.

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon