15

299 10 12
                                    

"Oh, ano meron diyan?" Mataray na tanong ni Erin pagkalapag niya ng bag niya sa lamesa.


Inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang kain ko sa turon na hawak ko.


"Attitude ka rin, ah! Itong isang 'to nagmumukmok kasi hindi raw sila ni Cole tuloy sa date nila," sagot ni Myrene.


Tinaasan naman ako ng kilay ni Erin at tumabi na rin sa akin. "Bakit daw?" Chismosa 'to.


Tinatamad ako sumagot at wala ako sa mood kaya pinakita ko na lang message niya sa akin. Kahapon pa 'to actually. Medyo nagtatampo ako pero naiintindihan ko naman.


From: Kyzer ko(le) <3

love

something came up today. is it okay if we have our date some other day? :(

i'm sorry, baby. bawi ako promise :(


"Something came up? Ba't hindi niya sabihin kung ano? Nako ang sus ah!"


Agad kong sinamaan ang tingin ko kay Erin. "'Wag ka nga ganiyan! May tiwala ako kay Cole! Recently may problema 'yan sa pamilya, ayun ata 'yun!" Pag dipensa ko.


It's true, never ko pag-iisapan na masama si Kyzer. I trust him and I know he won't do things that he knows I won't like and would hurt me.


"Ito naman! Biro lang, e. Malapit na rin anniversary niyo, diba? Next month ba?" Tumango lang ako.


Honestly for these past few weeks, we've all been busy. I don't want to be the nagger type of girlfriend. As much as possible, I want to be the understanding type, kasi palaging ganoon si Kyzer sa akin. Bukod sa may prinoproblema siya sa pamilya niya, busy rin siya sa school. Ang hirap ng course niya, 'no! Tapos grabe pa university namin sa pagbibigay ng workload, walang awat!


Anyway, may ibang plano naman ako ngayong araw. Pupunta ako sa bahay ni Red ngayon dahil makikihiram ako ng kitchen nila. Pumayag naman daw si tita sabi niya. 


I'm gonna practice my cooking today. Ewan ko ba, bigla ko naisip na mag-experiment din ng mga recipe. Hindi naman ako ganoon kagaling magluto, but I'm learning. Para saan pa ang pag-aral ko magluto kung hindi ko iprapractice. I like it, anyway. This is something I know I enjoy doing.


Siguro noong una, nagluluto lang ako para makatulong kay nila mama sa bahay. Pero ang ending naman, gusto ko na rin.



"Ito, El. Okay ba 'to?" Nag-grocery muna kami ni Red ngayon bago pumunta sa bahay niya. Ito 'yong isa pang gusto ko! Ewan ko ano nakain ni Red ngayon at nag-volunteer siya na sagot na niya bayarin sa ingredients ko. Napahalakhak ako sa tuwa nang isipin.


Tapos na kami kaya pupunta na kami sa bahay niya. Syempre binati ko muna sila tita doon at mukhang off niya ngayon. Si tito naman nasa trabaho. Red's mom was an architect while his dad was an engineer. Bagay nga sila! Tapos bonus pa na si Red gusto rin mag-engineer.


"Patikim ako ng luto mo mamaya, anak ha?" Malambing na ngumiti si tita sa akin.


"Sige po!"


Today I'm trying three dishes. I'll be making Lemon Butter Chicken, Beef Salpicao and Aglio Olio pasta. Sa pasta ako kinakabahan kasi I haven't tried making this yet. Unlike other pastas na gagawan mong makapal na sauce, dito sa pasta na 'to, mainly olive oil ang gagamitin mo. I don't know if I can pull it off na kahit mukhang simple lang gawin, ma-eemphasize ko ba 'yung flavor. Ang aim ngayon is ayoko siyang gawin na parang plain lang. I want there to be an exciting highlight.


Map of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon