20

344 9 21
                                    

"Huy, pahawak nga ng isaw at hotdog ko!" Halos hatakin na ni Erin ang braso ni Myrene para patigilin maglakad. Ang dami niyang dala ngayon at mukhang susubukan niyang ilagay lahat ng 'yon sa bag niya kaya pinapahawak niya 'yung pagkain niya. Dismissed na kami kaya pumunta kami sa ihawan para kumain.


"Ang bagal naman!" Pabirong pagreklamo ni Myrene kaya sinamaan siya ng tingin ni Erin.


Natawa lang ako sa dalawang nag-aaway nanaman. Hawak ko ang dalawang stick ng hotdog sa kaliwang kamay ko at dalawang stick ng barbeque sa kanan. Habang naghihintay, may narinig akong pamilyar na boses mula sa hindi gaanong kalayong direksyon sa amin.


"Si Kei 'yun, ah?" Rinig kong sabi ni Myrene sa tabi ko.


Ayun nga 'yung kaibigan ko na suot pa ang uniform niyang puting polo at itim na pantalon at dala dala rin ang bag niya. Mukha siyang galit na galit, ano kaya nangyari?


"Saglit lang, ha? Lapitan ko lang." Nagpaalam muna ako sa kanila.


Habang naglalakad ako papalapit kay Kei, nakita ko na ng mabuti kung ano ang nangyayari. May pamilyar na babae na sumusunod sa kanyang likod. Noong tatawagan ko na sana si Kei, nabigla ako nang marinig ko ang pagtaas ng boses niya na may halong galit.


"Bakit ba ang kulit mo? I told you I don't have time for this. Leave me alone." Nakita ko ang gulat at sakit na dumaan sa mukha ng babae. Tumingin ako sa paligid at napansin kong may mga tao na nasa kanila na ang atensyon.


"S-Sorry—" Narinig ko ang maliit na boses ng babae.


Nagmadali na akong lumapit sa kanila na may dalang dismaya sa aking kaibigan.


"El," I made sure my tone was stern and loud enough for him to hear. When he turned to face me, he looked so shocked. Sinilip ko 'yung babaeng kausap niya kanina at nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Nakakaawa siya. There's no valid reason for you to shout at someone like that, especially in public.


I then faced Kei in disappointment.


"El..." He looked sorry this time. I'm sure by now he knows his mistake, pero hindi dapat sa akin siya magpaliwanag o humingi ng tawad.


Inignora ko siya noong akmang tatawagin niya ulit ako at saka ako naglakad na pabalik kay nila Erin. They were watching us the whole time too.


"Ano nangyari?"


"'Yung tiktoker 'yun, diba?"


Nagsimula na silang magtanong sa akin dahil sa kuryosidad, pero hindi ko sila sinagot. I don't know the girl personally and what's going on between them, but remembering how embarrassed the girl looked, I felt sorry. I saw myself in her place that's why I felt so disappointed in Kei.





"I'm not sure.. I do see her often pero si Rence ata mas nakakaalam ng kwento. Only he could force stories out of him." I told Kyzer about what I witnessed awhile ago. I asked him about what he knows about the girl too pero mukhang wala rin siyang masyadong alam.


We're at his pad again, studying. Nakakatawa parang dito na talaga ako nakatira. Mama, sorry po... Pero si Myrene din naman madalas na kay Kian! Pero sa dorm ako matutulog ngayon. Nandito lang ako para sabay kami mag-aral ni Kyzer.


Lumayo muna ako saglit kasi may meeting kami ng groupmates ko, para hindi ko siya maabala sa ginagawa niya.


Pagkatapos ng meeting namin, bumalik na ako sa living room at kita kong abala siya sa phone niya. Saglit siyang napasulyap sa akin at saka tumuloy sa pag-type. Pagkatapos noon, tinabi na niya phone niya at kinausap ako.


Map of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon