30

390 8 6
                                    

"Nurse! Help, please!" Naluluhang sigaw ko pagpasok na pagpasok ko sa pinakamalapit na ospital sa amin. I was pulling my niece with me in a hurry. Sinundo ko siya sa school dahil umalis ang mga magulang niya papuntang ibang bansa para sa trabaho at wala rin silang katulong ngayon. Nagvolunteer talaga ako dahil gusto ko siyang makasama ngayon. She'll be sleeping over at our house.

Grade 8 na siya at half day sila ngayon sa school dahil may event 'yung teachers nila. Kaya naman sabi ko gumala muna kami sa mall at pagkatapos namin kumain nagulat na lang ako noong sabi niya nangangati siya tapos saka na ako natakot noong nahihirapan na siyang huminga.


A nurse assisted us as they heard my call. Ni hindi ko alam ano yung mga pinagsasabi ko dahil sa sobrang panic. May dumating na para dalhin si Lianna sa emergency room pero sabi ko susunod akong mabilis dahil naiwan ko 'yung bag ko sa kotse, kailangan ko pa man din sabihan sila mama sa nangyari. Nagmadali na ako para makasama kaagad si Lianna, nasa second floor pa naman daw 'yun.


I even missed a step while running to the stairs, didn't bother riding an elevator because I thought it would take more time. Ignoring the convulsing pain, I still continued running to the ER. Noong nakita ko na si Lianna na naka higa sa kama, agad akong nakaramdam ng awa. My heart felt heavy. I don't understand what happened.


I watched as the nurse was checking her vitals dahil hinihintay pa ata 'yung doctor.


Bakit ang tagal! Naiines na ako. Awang awa ako sa inaanak ko.


"Nurse, status?"


Nanlamig ako sa kinakatayuan nang may marinig na pamilyar na boses. The nurse spoke to the man while I only approached Lianna, holding her hand, rubbing the pad of my thumb on the back of her palm.


"Are you Miss Lianna Tuason's guardian?" Ako na 'yung kinakausap pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya.


"Opo.." Nanginginig ako!


"Do you mind telling me what she did before going here? Or maybe something she ate?" Nagkasalubong ang kilay ko. Ano ba ginawa namin kanina? Nag-timezone kami, shopping, tapos kumain. Gusto raw niya ng siomai at hakaw tapos—


"Fuck," walang malay kong mura at napaangat ang tingin sa kanya. Mukhang nagulat siya noong malinaw na niyang kita ang mukha ko pero binalewala ko 'yun. "We ate at a Chinese restaurant..." Madali kong hinila palabas ang phone ko sa bag at saka nag-search and my guess was right. "She ordered a chicken dish. May peanut oil pala 'yun!"


"So I'm assuming she's allergic?" Tumango ako.


"Anong mangyayari? Will she be okay? Nahihirapan din daw siya huminga. Nawala sa isip ko 'yung allergy niya at hindi ko rin dala gamot niya." I kept blabbering in worry but I snapped out of it when he held both my shoulders. Napatitig ako sa kanya. May mga inutos muna siya sa nurse na hindi ko maintindihan saka muling humarap sa akin.


"She'll be okay. For now, I need you to calm down. I'll update you, okay?" His eyes stared into mine and it surprisingly made me feel calmer while he also rubbed his thumb on my shoulder. Nagulat rin ako noong inangat niya isang kamay sa pisngi ko para punasan ang konting luha doon.


"Why don't you step out first and grab a drink? Ako bahala kay Lianna, promise. I'll take care of her." And I trusted his words and followed his advice. I left after having her injection which was for her allergies. They said she still has to stay for observation.


Tinawagan ko na rin sila mama para sabihin 'yung nangyari and I texted her parents too. Pumunta ako sa malapit na canteen at para bumili ng tubig.


Map of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon