Simula

1.6K 18 1
                                    

A/N: This is the short AU on twitter. Nilipat ko lang dito :))

Natalia

"Please Jayden, I want to reach my dream. At alam kong alam mo 'yon" nagmamakaawa kong saad sa kanya

"No, walang aalis. Buntis ka Natalia" matigas na saad niya

Yes, I'm one month pregnant. Pero gusto ko talagang tuparin ang pangarap ko bilang isang model sa ibang bansa. Bata palang ako ay pangarap ko na talaga 'yon. Pumayag ang agency na pinag-applyan ko na kahit buntis ako. Pwede nila akong maging model

"Please... Pwede naman kayong sumama at doon tayo tumira" hinawakan ko ang kamay niya

"Alam mong hindi pwede Natalia, nandito ang trabaho ko. At alam mo naman na wala tayong sapat na pera papunta doon. Kaya walang aalis"

Natahimik ako sa sinabi niya, hindi siya tanggap ng parents ko dahil laki sa hirap si Jayden. Hinusgahan siya ng mga magulang ko na ikinagalit ko ng todo. At dahil nadin sa sobra na akong nasasakal sa poder nila. Sumama ako kay Jayden at sikreto kaming nag pakasal. He's a good husband, ginagawa niya ang lahat para mabuhay niya ako

"Para din naman sa pamilya natin ang ginagawa ko Jay. Ayoko ng nakikitang nag uulam nalang palagi ng tubig at asin ang dalawang anak natin. Nahihirapan na 'ko" hindi ko na napigilang maiyak

Mahirap ang naging buhay namin simula nang napunta kami sa squatter. Walang mahanap na magandang trabaho ang asawa ko dahil hanggang high school lang ang natapos niya. Kaya hanggang construction worker lang ang kaya niya

At gusto ko lang naman tumulong. I missed my model industry

"Nagsisisi kana ba? Nagsisisi kana ba na naging asawa mo ako't hindi kita nabigyan ng magandang buhay?" Nakita ko ang pagtulo ng luha niya

Humihikbi kong hinaplos ang magkabilaan niyang pisngi

"Hindi, hinding hindi ako nagsisi. Mahal na mahal kita Love, gusto ko lang naman makatulong" umiiyak kong sabi

"Maghahanap ako ng magandang trabaho. Wag kalang aalis" sambit niya

"I'm sorry..."

I'm so sorry, ginagawa ko 'to para sa atin

"Tangina. Mas pipiliin mo ang lintik na pangarap mo kaysa sa amin ng mga anak mo?" Ramdam ko ang pagpigil niya ng galit

"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak natin" paliwanag ko

"Hindi, ginagawa mo 'to para sa sarili mo. Hindi mona kailangan na pumunta sa ibang bansa dahil mabibigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga anak natin ng hindi naghihiwalay"

"I'm sorry Jay pero 'yun na ang magiging desisyon ko" patuloy pa din sa pag hagos ang luha ko

Malamig niya akong tinignan at tumango-tango

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Pero sa oras na umalis ka ay wala kanang babalikan. 'Yan ang gusto mo diba?"

Mas lalo akong napaiyak sa narinig. Bakit ba hindi niya ako kayang intindihin?

"Jay, wag naman ganon. Wag naman kayong lumayo" nagmamakaawa kong sabi habang hawak ang kamay niya

Pero kinalas niya lang ang kamay niya at iniwan akong umiiyak

Napaka selfish niya...

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon