11

694 10 0
                                    

"Love, pansinin mo na'ko." pagsusuyo ko sa kanya at niyakap siya. Nakahiga na kami ngayon

"Don't hug me, hindi tayo bati." inirapan ako nito

"Love, sorry na." mas pinalambing ko ang boses ko at niyakap ulit siya.

"Doon kana sa chiks mo."

"Nagbibiro lang naman ako eh, heto may proweba ako." kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa kanya.

Tinanggap niya naman 'yon at kinalikot ang cellphone ko

"Ikaw Anthony Jayden, kapag nalaman kong may babae ka. Maaga mong makakasama si San Pedro."

Tumawa lang naman ako at naglalambing siyang niyakap.

"Opo." malambing kong sabi at hinalikan siya sa labi

"Mama! Papa!" Bulabog ni Tasha at Tali sa amin

Wrong timing naman ang dalawang bibwit na 'to.

Padabog akong bumaba nang kama at pinagbuksan sila.

"Anong kailangan?" Tinaasan ko sila ng kilay

"Can we sleep here papa?" Tanong ni Tali

"Hindi anak, may sariling kwarto naman kayo."

"There's a monster in my room." ngumuso siya

"Hindi totoo ang mga monster anak. Tashang, hatid mo na si Tali sa kwarto niya."

"Hindi, dito kami matutulog." matigas nito

Nako naman, paano kami makakapag bebe time nito?

"Love, bakit hindi mo papasukin ang mga bata?" Dinig kong sabi ni Talia

"Mama!"

Napasimangot ako nang tumakbo papasok ang dalawa at sumampa sa kama.

Bukas talaga ila-lock ko na ang dalawang bibwit na 'to sa mga kwarto nila. Charot

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Dito kami matutulog ma." pumwesto ang dalawa sa gitna

Wala na akong nagawa kundi ang humiga sa tabi ni Tali. Bali nasa gitna namin sila

"Sleep na kayo." sabi ni Talia at kinumutan na ang dalawa

"Goodnight mama, papa." humalik sila pareho sa amin at pumikit na

"Goodnight love." nakangiting sabi ng misis ko't dumukwang siya para halikan ako sa labi

"Goodnight." ngumiti ako pabalik at niyakap silang tatlo

Pero bago pa ako makapikit ay tumunog ang cellphone ko.

Unknown

I know something that you don't know.

To: Unknown

Sino ka? Paano mo nalaman ang number ko?

Unknown

Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako.

To: Unknown

Anong nalalaman mo na hindi ko alam?

Unknown

I will give you a clue, tungkol to sa asawa mo.

To: Unknown

Anong tungkol sa asawa ko?Pwede ba kung nang t-trip ka lang wag mona akong guluhin

Unknown

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon