1

847 13 0
                                    

three years later...

Natalia

"Miss Natalia. Totoo ba na may dalawang kapatid pa ang anak mong si Natalie?"

Fuck. Kaya ayaw kong lumalabas ng walang bodyguards e, panigurado ay dudumugin kami ng mga reporters.

"Mama, why they're chasing us?" My two years old daughter asked inocently habang buhat ko

"Don't mind them baby, we need to get out of here" saad ko at binilisan ang paglalakad

Nang ipagtapat ko sa social media na may kapatid pa si Natalie ay parang zombies na ginulo kami ng mga reporters. 'Cause I don't have a choice... Kahit ayaw kong ipaalam sa mga tao ay pinaalam ko dahil that's my only way para mahanap sila. Baka sakali na mapanood o mabasa nila sa social media na hinahanap ko sila. Silang tatlo na iniwan ko noon...

Alam kong marami akong pagkukulang sa kanila. And now I'm here, kukunin ko sila ulit at babawi. Sana ay maintindihan nila kung bakit ko ginawa 'yon. I just do that because I don't want them to suffer, ang ba-bata pa nila noon para danasin ang hirap.

My husband Anthony is not rich, nagpakasal kami ng palihim noon dahil hindi siya tanggap ng parents ko.

"Talia, bakit naman hindi ka nagsama ng mga bodyguards mo? Alam mo naman na mainit ang balita tungkol sa'yo." my manager said pagkadating namin ng bahay

"Hindi ko alam na may mga reporters doon. Atyaka naka pang disguise na nga kami" depensa ko

"May update na sa mga anak mo at sa asawa mo."

Bigla akong nakaramdam ng saya sa narinig

"Really? W-where? Saan daw sila nakatira ngayon?" Sunod-sunod na tanong ko

"Sa isang squatter"

Parang pinukpok ng martilyo ang puso ko sa nalaman.

I'm sorry...

"Mama?"

Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ng anak ko. Lumakad siya papalapit sa'kin habang yakap-yakap ang teddy bear niya. Kinukusot pa ang mata

"We're going to your papa and siblings" nakangiti kong sabi at hinalikan ang noo niya

"Really? Can we go now?" Lumiwanag ang mata niya

"Yes baby. Let's wash and change our clothes muna" malambing kong sabi

After a minutes ay natapos na kami. Nandito na kami ngayon sa sasakyan, tinignan ko sa rear view mirror ang anak ko na nasa back seat. Nakasunod ang mga bodyguards sa amin kaya may mag-aalalay kung sakaling pagka-guluhan kami

"Mama, this is for my papa and siblings?" Tanong niya at tinuro ang maraming regalo

"Yes anak" sagot ko

Ang mga regalong 'yon ay inipon ko para sa kanila. Binibilhan ko sila ng regalo bawat may okasyon na nagaganap

Pagkadating namin sa lugar ay agad kaming nagsuot ng face mask, salamin, at cup ni Tali. Buti nalang at hindi kami masyadong nakilala. 'Yun ngalang ay todo sunod sila ng tingin sa'min.

Mukhang mayaman, baka naligaw ang mga 'to

Hindi, papunta sa bahay nila Jayjay

Dinig kong bulungan nila habang papalapit kami sa bahay nila Jayden.

Bumuntong hininga muna ako bago kumatok sa kahoy na pinto. Kinakabahan ako na baka hindi kami pagbuksan

"Sino po sila-"

"Jaydon anak" hindi ko maiwasang maging emosyonal nang makita ko ang panganay ko

"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong niya

Galit siya... At kasalanan ko 'yon kung bakit siya galit ngayon

"Ang laki mo na anak. Binata kana" hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya

Akma kong hahaplusin ang pisngi niya pero umiwas siya

"Kuya sino ang kumakatok?" Dinig kong tanong ng anak kong babae

Hindi ko na naiwasang mapaluha nang makita ko si Natasha

"Bakit kapa bumalik?"

Tangina. Ang sakit, galit sila sa'kin

"Natasha anak."

Sinubukan ko silang hawakan pero lalo lang silang lumayo sa'kin.

"Alis. Hindi welcome ang multo dito" masungit na sabi ni Natasha

"Mga anak, pakinggan niyo muna si mama please" pagmamakaawa ko

Kahit lumuhod pa ako sa harap nila ay gagawin ko.  Pakinggan lang sana nila ako

"Kuya tara na nga sa loob. Bakit mo ba kinakausap ang multo? Parating na niyan si papa. Magagalit 'yon kapag nalaman niyang pinagbuksan mo ang multo na 'yan" inirapan pa niya ako bago pumasok sa loob

"Jaydon-"

"Mama! Is this my kuya?! We have the same face!" Masiglang saad ni Natalie pagkalapit niya sa amin. Lumapit siya sa kuya niya at hinila-hila ang dulo ng damit ni Jaydon "Hello kuya! I'm your baby sis! Natalie!"

Alanganin namang ngumiti si Jaydon at pi-nat ang ulo ni Natalie. Kahit nasasaktan ay hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita.

"Kuya! Masusunog na ang niluluto mo! Iwan mo na nga ang multo diyaan!" Sigaw ni Natasha mula sa loob

"Is that my other sibling?" Tanong ni Natalie at bigla nalang pumasok sa loob

Nataranta naman agad ako at sinundan siya, nakita ko siyang lumapit kay Natasha na nagsusulat habang nakaupo sa sahig.

"Hi ate! I'm your baby sis! I'm Natalie, two years old!" My daughter said jolly

"Sino ka? Wag mo nga akong englishin diyan, hindi ako porener para kausapin ng english." pagsusungit ni Natasha

"You look like mama!"

"Sabi ng wag kang mag english eh! Kuya sino ba 'tong bibwit na 'to? Bakit nakapasok dito sa loob?"

"Wag mong pagsungitan si Natalie, kapatid natin 'yan" seryosong saad ni Jaydon

"Ano? Wala tayong kapatid na englishera. Kailan pa tayo nagkapatid? May anak ba sa labas si papa?"

"Tanga wala. Nang umalis si-"

"Nang umalis si multo buntis siya?" Putol ni Natasha sa kuya niya

"Oo. Kaya wag mong awayin 'yan, bata 'yan Tasha"

"Hey you. Dont inglis inglis me, I don't marunong mag inglis"

"What?"

"Ayst! Hirap mo kausap diyan ka na nga!" Tumayo siya at lumapit sa direksiyon ko "Umalis na kayo ng anak mo, hindi welcome ang multo dito" pagtataray niya, binangga pa muna niya ako bago lumabas

"Mama, ate didn't like me?" Naluluhang tanong ni Natalie

"Jaydon, may dala akong ulam galing kay Dani"

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang lalaking mahal ko na hindi ko nakita ng tatlong taon. Hindi ako makaharap sa kanya

Natatakot ako... Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon