6

651 13 0
                                    

"Wow ang ganda ng bahay!" Manghang sambit ni Tasha pagkadating namin sa bahay

"Do you like it?" Nakangiting tanong ko

"Gustong-gusto! Papa kuya para tayong nakatira sa palasyo! Hindi na tayo mamaliitin ni taba!"

Nagtataka kong tinignan si Jayden. Sino ang matabang 'yon nang masabunot ko! Aba ang lakas maliitin ang mag a-ama ko.

"Who's that?" I asked my husband

"Wala. 'Yung pinagu-utangan lang namin."

"I can pay for it."

"Wag na. Kaya ko naman bayaran ng ako lang."

"Please, kahit ito lang. Hayaan niyo naman ako na makabawi sa inyo." hinawakan ko ang kamay niya

"Wag natin pag-usapan 'yan sa harap ng mga bata." saad niya at inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya

Napabuntong hininga nalang ako at nilapitan ang tatlo.

"Mga anak. Gusto niyo bang pumunta tayo ng mall?" Nakangiti kong tanong

"Talaga?! Oo naman! Pero ang dumi ng suot namin." bigla ay lumungkot ang boses ni Tasha

"Don't worry anak may damit kayo dito." nginitian ko siya ng matamis at hinaplos ang pisngi niya

"Ay wow prepared."

"Let's go na sa room niyo ni kuya niyo." saad ko at nilahad ang kamay ko sa kanya

Agad naman niyang tinanggap 'yon. Nilingon ko si Jaydon at si Tali na nakabuhat sa kuya niya. At nilingon din si Jayden na nakaupo sa sofa

"Let's go."  nginitian ko sila at nauna na kaming naglakad ni Tasha

Pagkaakyat namin ay lumiko kami sa isang hallway papunta sa room ng tatlo. Nang pinagawa ko itong bahay namin ay pinag tabi-tabi ko ang mga kwarto nila. Habang 'yung sa'min ni Jayden ay sa isang hallway.

Pagkadating namin sa harap ng kwarto ni Tasha ay pinagbuksan ko na siya nang pinto. Bumungad sa amin ang purple na wall, I know her favorite color. Pati hobbies niya ay alam ko din.

"Wow! Ang ganda ng kwarto! Sa'kin ba 'to ma?" Masayang saad niya

"Yes anak. Do you like it?" Nakangiti kong sagot

"Super! Ang laki ng kama ko. Tapos peyborit ko din ang kulay ng pader. Porpol" pumanik siya sa kama at tumalon-talon doon

"Jaydon anak. Let's go to your room naman" pagaaya ko sa panganay ko at inakbayan siya

"Ate! Let's go to our kuya's room." tawag ni Tali sa ate niya

"Kayo nalang, maliligo na'ko. Punta tayong mall diba?"

"Okay"

"Let's go Tali" tawag ko sa bunso namin

"Papa carry me please" nagpapabuhat siya papa niya

Nginitian naman siya ni Jayden at binuhat si Tali. Lumabas na kami sa kwarto at sunod namin pinasukan ang kwarto ni Jaydon. Ang kulay ng kwarto ni Jaydon ay brown, he's favorite color is brown. Binilhan ko din siya ng guitar at drummer, he loves music. While Tasha loves singing and drawing, si Tali din mahilig mag drawing.

"Do you like it son?" Tanong ko

"Opo." Tipid na sagot niya at unang nilapitan ang guitar at in-strum 'yon

"How about your room mommy? Daddy will sleep there right?" Tanong ni Tali

"Yes anak. Love, let's go to our room" nginisian ko siya ng nakakaloko

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon