3

629 11 0
                                    

"Good. Stay like that, one more. Fabolous! Let's take a break!" My gay photographer said and clapped his hand

Sinuotan naman ako nang robe ng PA ko at ang make up artist ko naman ay inaayusan ang make up ko. And after that umupo na ako sa upuan ko, I check my phone and saw that I have a text from Jayden

Hubby:

Umiiyak si Tali

To: Hubby

Tatawag ako

Calling Hubby...

"Mama!" Agad kong narinig ang umiiyak na boses ng anak ko

"Baby, why are you crying?" Pinalambing ko ang boses ko

"I-i miss you"

"I know baby, diba I told you that mama having a work?"

Narinig ko lang naman ang pagsinghot niya sa kabilang linya

"Can you please give mama a favor?"

"W-what is it?"

"Don't cry anak. Papa is there naman, and your ate kuya is there too. Don't worry about mama, I'm okay"

"Okay... Please visit me here"

Napangiti naman ako. Mukhang hindi kona kailangan gumawa ng plano para suyuin ang mag-aama ko. At mukhang si Tali lang ang magiging daan para mapalapit sa kanila

"Sure baby. Can you please give the phone to your papa?" Mas lalo kong pinalambing ang boses ko

Narinig ko ang pagkaluskos sa kabilang linya. At hindi ko maiwasan ang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ang boses niya.

"Can I visit her later?" Walang pag-aalinlangan kong tanong

"Ikaw bahala" malamig na saad niya

"Baka labag sa loob mo ha" sinubukan kong pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin. Masyado siyang serious eh

"Hinde. Ibababa ko na 'to"

"Okay, bye I lo-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla niyang ibaba ang tawag

Hay... Ang hirap naman suyuhin ng mahal ko. Kapag ako hindi nakapag timpi kikidnapin ko siya. Charot

"Talia. Let's continue" saad ng photographer ko

Tumango lang naman ako at nag change outfit na para sa susunod na shoot. And after the long photoshoot ay natapos din. Kaya agad akong nagbihis para makaalis na. I'm excited dahil makikita ko sila

I just wore a gray hoodie and skinny jeans. I also wore a sunglasses and facemask para hindi ako makilala ng mga tao. Mahirap na baka pag chismisan na naman ako sa social media. At bago ako mag drive ay tinext ko muna si Jayden para sabihin na papunta na ako

To: Hubby

I'm on my way

Hubby:

Sino ka? Bakit mo ni tetext papa ko? Baka chiks ka ah. Hindi pwede mag chiks si papa. May asawa na siya

To: Hubby

Sino asawa ng papa mo?

Hubby:

Si multo

To: Hubby

Sinong multo?

Hubby:

Ang dami mo namang tanong. Wag mo na nga tetext papa ko, hindi ka maganda. Mas maganda pa si multi sayo. Model yon

To Hubby:

Really?

Hubby:

Oo, mayaman pa kami sayo. Hindi namin kailangan pera mo

To: Hubby

Mahal ko papa mo

Hubby:

Hindi ka mahal ng papa ko. Mahal niya si multo

To: Hubby

Aagawin ko siya kay multo

Hubby:

Subukan mo lang. Papasabunot kita sa mama ko

To: Hubby

Mahal mo ba mama mo?

Hubby:

Teka lang ha. Nakakarami kana ng tanong, close ba tayo? Tigil kana nga sa kaka text

To: Hubby

Alright, see you

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. Sa tagal na panahon kong hindi nakakasama at nakakausap si Tasha ay ngayon ko palang siya nakausap ng matagalan. At napagtanto ko na nakuha niya ang ugali ko. Ganoon na gano'n ang ugali ko noong bata ako

At dahil sa text na 'yon ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko na mahal pa ako ni Jayden at mahal pa ako ng mga anak ko. Kinakain lang sila ng galit ngayon dahil sa pag-iwan at pagkukulang ko sa kanila.

"Mama!" Agad akong sinalubong ni Tali pagkadating ko sa bahay

Binuhat ko naman siya at hinalikan sa pisngi.

"I missed you mama." napangiti ako nang mahigpit niya akong yakapin sa leeg at binaon ang mukha sa leeg ko

"I missed you too baby. Bakit ikaw nag ka-cry hmm?" Malambing kong saad

"Because you're not here." ngumuso siya

"Diba I told you that mommy have a work?" Piningot ko ang ilong niya

"Did I disturbed you mama?"

"No baby, mommy's work is finished na."

Napalingon kami kay Jayden nang tumikhim siya.

"Umupo kayo." alok niya at tinuro ang upuan

Sumunod naman ako at kinandong si Tali sa kandungan ko.

"Papa, can mama sleep here?" Tali asked

Tinignan ako ni Jayden na para bang inaakusa niya na may kinalaman ako sa sinabi ng anak niya.

"Oo naman anak." alam kong napipilitan lang siya

"Yay! Thank you papa I love you!" Tumalon-talon si Tali at niyakap ang papa niya

"Mahal din kita anak." hinalikan niya sa pisngi ang anak namin

"Pa, nakapagsaing na'ko" saad ng panganay ko

"Oyy multo! Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ni Tasha

"Tasha tatampalin ko 'yang bibig mo." Pagsuway ni Jayden sa kanya

Hindi ko di masisisi si Tasha. She's a mama's girl before, alam kong mas nasaktan siya.

"Ate, don't be mean to mama." sumalubong ang dalawang kilay ni Tali

"Kung sana hindi siya umalis..." bulong niya at padabog na lumapit sa pinto

"Tashang, saan ka pupunta? Gabi na." pigil ni Jayden sa kanya

"Bibili ako ng candy kay aling Sol." pagsusungit niya at lumabas na

Lord... Hanggang kailan ko ba itatago 'tong sikreto ko?

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon