2

694 13 0
                                    

"Natalia..." Dinig kong sambit niya mula sa likod ko

Hindi pa din ako makaharap sa kanya.

"Papa!" Masayang saad ni Natalie at tumakbo papalapit kay Jayden.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago dahan-dahang humarap sa kanya. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko nang masilayan ko ang gwapo niyang mukha

"J-jayden." Mahina kong saad

"Mama, look, papa is here!" Masayang saad ni Natalie at nagpabuhat sa papa niya.

"Jaydon. Kunin mo muna ang kapatid mo" seryoso niyang saad

Lumapit naman si Jaydon at kinuha si Natalie. Nung una ay ayaw pang sumama ni Natalie pero kalaunan ay sumama din

"Anong ginagawa mo dito?" Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya

Sobra ang sakit na nararamdaman ko. And I deserve this pain, it's all my fault naman kaya ganito ang pakikitungo nila sa akin

"I- i want you to come back and the kids"

Oo makapal na ang mukha ko para sabihin 'yon. I missed them so much, gustong-gusto ko na silang bumalik sa'kin. Gagawin ko lahat makabawi lang sa kanila.

"Ano bang sinabi ko sa'yo bago ka umalis? Wala kanang babalikan pa sa oras na iwan mo kami. At ang lakas ng loob mo na magpakita pa sa amin" galit na saad niya

"Natalie needs you" garalgal ang boses na sabi ko

And I need you too... Gusto kong sabihin sa'yo lahat ang mga pinagdaan ko noon. Hindi ko na kayang saraliin nalang

"Sa amin na muna siya. Ang tagal mong inilayo sa amin si Natalie"

"Can you hear me out?" Pilit kong pinipigilan ang luha ko

"Wala na akong dapat pakinggan pa sa'yo. Hindi mo alam ang pinagdaan namin ng mga anak mo noong iniwan mo kami. Sa ngayon ayoko munang makausap ka, at kahit ayaw kitang makita ay wala akong magagawa. Na sa'yo si Natalie, magkikita't magkikita padin tayo"

"Please..." Tuluyan na akong napaiyak sa harap niya

"Salitan tayo sa pagsundo kay Natalie. Sa amin siya sa araw ng huwebes hanggang linggo. Sa'yo siya sa araw ng lunes hanggang miyerkules, bukas araw ng huwebes susunduhin ko siya sa bahay niyo. Ibigay mo ang address sa akin"

"Can you give me a chance please?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya

"Sabihin mo sa akin ang mga hilig ni Natalie"

"Please wag mong iwasan ang mga sinasabi ko. I want you and the kids to come back, gusto kong bigyan ng buong pamilya ang mga anak natin. Kahit para nalang sa kanila"

"Matagal kanang patay sa amin simula nang iwan mo kami. Masaya na ang mga anak ko at ako na kami lang tatlo ang magkakasama. Nakaya nila na walang ina sa loob ng dalawang taon. Kaya ko silang buhayin kahit ganito ang buhay namin. Kaya kong ibigay ang mga pangangailangan nila kahit mahal pa 'yan. Paghihirapan ko lahat para mabigay sa kanila lahat. Kaya namin ng wala ka."

Ang sakit putangina. Gusto kong ipaliwanag ang side ko pero hindi ko magawa. Galit na galit siya sa'kin at sarado pa ang isip niya

"I'm sorry..." Tanging nasabi ko nalang

Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil sobra akong natamaan sa mga sinabi niya.

"Pa! Bakit nandiyan pa ang multo na iyan?"

"Tasha 'yang bibig mo" suway ni Jaydon

"Papa!" Tawag naman ni Natalie at lumapit sa ama

"Wag mo ngang tawaging papa ang papa ko! Hindi mo siya papa" pagsusungit ni Natasha

Nakita ko ang pagsibi ni Natalie at tuluyan ng napaiyak nang makalapit sa'kin

"Mama, ate is so mean to me" patuloy padin siya sa pag iyak

"Hush..." Pagaalo ko

"Tali anak halika dito" malambing na sabi ni Jaydon

Humihikbi namang lumapit si Natalie sa papa niya. Nakita ko pa ang pag irap ni Natasha bago padabog na umalis

"Gusto mo bang makasama si papa?"

"Yes po"

"Gusto mong tumira dito?"

"Yes! I want to live here!" Bigla ay nag iba ang mood niya

"Ayos lang ba sa'yo na hindi mo kasama si mama mo?"

"Why? Mama why you can't live here?"

"May work si mama anak. You will live here muna kay papa mo hmm? I will fetch you on sunday"

Napanguso naman siya at tumango

"I will miss you mama" nakanguso padin siya

"I will miss you too anak. Behave ka dito ha?" Malambing na sabi ko

"Yes po"

"Pero sasama ka muna sa mama mo ngayon anak. Bukas susunduhin kita" saad ni Jaydon

Tumango naman ang anak namin at niyakap ang papa niya

Mukhang wala na talaga siyang balak na makipag ayos sa'kin. But I will not give up, susuyuin ko sila

"Ahm before we leave, can I give this?" Paghingi ko ng permiso at tinaas ang mga paper bags

"Tanungin mo ang mga bata." malamig niyang sagot

Napabuntong hininga nalang ako at hinarap si Jaydon at Tasha.

"Ah kids, I have a gifts for the both of you. Ilalagay ko nalang dito." saad ko at nilapag ang mga paper bags sa isang upuan nang hindi nila ako pansinin

Binuhat ko na si Tali at hinarap si Jayden.

"We will go now. You can fetch our daughter tomorrow morning, give me your number and I'll send our address" pilit akong ngumiti sa kanya

Tumango naman siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Inabot niya sa akin 'yon, ako naman ay tinype sa keypad ang number ko. At tinype ko din ang number niya sa cellphone ko

Kinabukasan, maaga akong nagising para ilagay sa bag ang mga damit ni Tali.

"Papa!" Masayang saad ng anak ko pagkakita niya sa papa niya

"Anak" nakangiting sabi ni Jayden at binuhat ang anak

"I will fetch her on sunday" sambit ko para mapatingin siya sa'kin

Tumango lang naman siya at kinuha ang bag ni Tali sa'kin.

"Baby, bahave ka doon. Don't give your papa a headache" malambing na sabi ko

Lumapit ako sa kanila at hinalikan siya sa pisngi

"Yes mama" ngumiti siya at niyakap ako sa leeg

"Aalis na kami" malamig na saad ni Jayden

"A-hatid kona kayo sa labas" nautal pa ako

Tumango lang naman ulit siya. Ayaw talaga niya akong kausapin.

Napabuntong hininga nalang ako nang mauna sila lumabas ng bahay. Nakita ko sa labas ng gate na may naghihintay na taxi.

"Bye bye mama!" Kumaway si Talia bago sila pumasok sa loob

Nakangiti naman akong kumaway pabalik, mapait akong napangiti nang umandar na ang sasakyan nila. Hindi ko inalis ang tingin doon hanggat hindi nawala sa paningin ko

Now I'm alone.

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon