9

629 14 0
                                    

"Good morning love." pag-gising ko sa kanya na mahimbing pa ang tulog

Tanging ungol lang naman ang ginawa niya at mas lalo akong niyakap. Pinatong niya ang binti niya sa legs ko

"Love. Gising na ang mga bata, magluluto pa ako ng breakfast natin." ginising ko ulit siya at hinalikan siya sa pisngi

Unti-unti naman niyang idinilat ang mata niya at sinalubong ako ng halik sa labi. Napapangiti ko namang isinuklay ang mga daliri ko sa malambot niyang buhok.

"Good morning love." malambing niyang saad

"Good morning, get up. May work ka pa."

Umupo naman siya at nag stretch bago pumasok nang banyo. Ako naman ay sumunod sa kanya at sabay na kaming naghilamos.

Pagkatapos ay bumaba na kami. Nadatnan namin ang tatlo sa sala. Si Tasha at Tali ay nag d-drawing. Habang si Jaydon ay nag gi-gitara.

Sarap nilang panoorin.

"Good morning my babies." nagsalita ako para matuon ang atensiyon nila sa amin.

"Ma! Good morning!" Masiglang bati ng dalawa at lumapit sa'min.

"Good morning mga anak." saad ni Jayden

"Good morning pa!" Pareho silang humalik sa amin

Nakangiti ko naman nilapitan ang panganay namin at umupo sa tabi niya.

"Good morning my son." malambing na sabi ko at naglalambing na niyakap siya, hinalikan ko siya noo

"Good morning po." ngumiti siya sa akin

"Mama look! Nag drawing kami ni ate!" Masiglang saad ni Tali

Napatingin ako sa kanya at pinaupo siya sa kandungan ko.

"Wow naman. Marunong na mag tagalog ang bunso namin." nakangiti kong sabi at pinangigilan siya

"Ate teach me well."

"Talaga? Ang galing naman ng tutor mo. Can I see your drawing?" Pinalambing ko ang boses ko

Bumaba naman siya sa kandungan ko at lumapit sa  coffee table at kinuha ang dinrawing niya.

"Ikaw ate Tashang. Where's your drawing?"

"Ma! Wag mo po ako tawagin na Tashang. Ang pangit pakinggan." nakasimangot na saad niya at binigay ang papel niya sa'kin.

"Why? 'Yun naman tinatawag ko sa'yo noon." pambi-bwisit ko pa.

"Love. Ako nalang magluluto ng almusal natin." nagsalita ang asawa ko

"Ako na love. Mga anak, magluluto muna ako ng breakfast natin." paalam ko at pumunta na ng kusina

"Love? Bakit ang aga mong umuwi?" Tanong ko kay Jayden

Nakakapagtaka lang na ang aga niya ngayon. Dahil usually ay five pm pa ang uwi niya.

"Nagbawas ng tauhan ang company eh." sagot niya at hinalikan ako sa labi

Ang kulit kasi nitong asawa ko, kinausap ko siya na pwede ulit siyang mag-aral. Kaso matigas ang ulo, kaya wala na akong nagawa

"You don't have a job now?"

"Oo. Pero bukas meron na." nginitian niya ako at nilapitan si Tali na busy sa panonood ng Frozen.

"What's your new job?"

Tinapik niya ang space sa tabi niya, sumunod naman ako

"Mag a-apply sana akong waiter sa isang restaurant. Kaso kinausap ako ng manager, hindi pa nga siya makapaniwala ma mag a-apply ako dahil wala naman daw sa itsura ko. At 'yon inalok niya ako na maging model. Hindi naman na ako pwedeng tumanggi dahil alam kong mas mataas ang magiging sahod ko. Atyaka wala ata siyang balak na i hire ako kung sakali."

Sinong tao ba 'yon? Delikado din kasi. Dahil ang mga iba ay illegal ang ginagawa.

"Diba ayaw mo ng spotlight?"

"Hindi naman habang buhay matatago mo kami love. Malalaman at malalaman ng mga tao ang tungkol sa amin ng mga anak natin. Kaya ayos lang, para sa future ng mga bata."

"Hindi naman daw illegal 'yan?"

"Hindi. Heto nga at binigay sa'kin ang address ng company." may kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin 'yon.

Central Model PH

"Love. Dito ako nag wo-work, anong pangalan ng manager doon?" Gulat na saad ko

"Hindi ko na tanong eh. Kung doon ka din nag ta-trabaho, edi maganda love. Mababantayan ko na ang mga lalaking model na lalapit sa'yo." tinaas niya ang kilay niya at ngumisi sa

Natawa lang naman ako at yumakap sa kanya. Pinalibot niya din naman ang braso niya sa bewang ko at mas nilapit sa kanya.

I missed him so much

"Possessive naman ng mister ko." pinangigilan ko ang pagkakayakap ko sa kanya

"Ayokong nilalapitan ka ng mga gwapong model doon. Ako lang dapat, dahil mas gwapo ako sa kanila."

Hindi pa din nag babago, mahangin pa din.

"Wala naman lumalapit sa'kin love. They know that I have a handsome husband."

"Into the unknown! Into the unknown. Into the unknown! What do you want? 'Cause you've been keeping me awake. Are you here to distract me. So I make a big mistake?"

Napatingin kami kay Tali nang bigla siyang kumanta. Napangiti ako nang tinuloy niya pa rin ang pagkanta kahit na hinihingal na siya dahil sa taas ng kanta.

Nang natapos siya sa pagkanta ay sabay kaming pumalakpak ni Jay.

"Wow! Na hit mo ang mga notes anak." proud na proud kong sabi

"Thank you mama." nahihiyang saad ni Tali

"Bihis tayo love. Susunduhin na natin ang dalawa. After that punta tayo ng mall." nakangiti saad ni Talia

"Sige. Mauna kana love. Paliguan ko na si Tali"

"Alright, baby. Ligo na ikaw, we will fetch your ate ang kuya" malambing na sabi ko

"Okay mama!"

Binuhat naman na ni Jay ang anak namin at pumanik na sila.

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon