Chapter 44: Warmer

2.9K 165 75
                                    


It was the end of April, and Patrick's birthday wasn't even celebrated kahit January pa lang, nagpaplano na silang lahat ng gagawin sana.

Clark's recovering from the car accident, and there were times na nasa kalagitnaan ng usapan, bigla siyang humihinto tapos para siyang naglo-loading. May mga pasa pa rin siya, pero nag-subside na ang iba. Lightly darkish na lang ang right cheek niya at mas attentive na rin siya gaya noon.

Clark never mentioned what it was na pinag-usapan nila ni Mum. Basta ang lagi lang niyang binabanggit, kinumusta siya ng mommy ko at ibinalitang may ilegal na ginagawa si Kuya. But about the marriage thing at sa pipirmahan dapat niyang mga papeles, ni isa sa mga 'yon, wala kaming narinig sa kanya. And if wala ako roon na nakarinig, baka wala rin akong idea na nilapagan na siya ng offer ni Mum na pipirma siya sa dokumentong sure na maglalaglag sa kanila ni Kuya.

Whatever it was na gustong papirmahan sa kanya ni Mum, sure akong sinasamantala ng mommy ko ang chance ngayon kasi unstable si Clark para pumirma nang hindi na nire-review ang pipirmahan. Pero mukhang matagal nang mautak si Clark at hindi siya maisahan ng mommy ko. Hindi na bumalik si Mum sa hospital after that first visit. And it was weird for me kasi kung talagang walang masamang plano si Mum at against siya sa ginagawa nina Kuya at Clark before this, bakit parang mas takot siyang malaman ni Clark ang dapat nitong pirmahan, knowing na kung tutuusin, malaki ang possibility na hindi nito maintindihan ang documents na 'yon.

Or maybe . . . ever since then, she just knew that Clark wasn't someone she would want to mess with and still have the upper hand while playing. After all, hindi naman siguro magiging favorite son si Clark just because madaldal siya. I knew Mum well. She won't make an enemy to someone na sure siyang kaya siyang pabagsakin.

Every time na tumitingin ako sa feeds, nakikita ko ang greetings sa akin kasi announced na ikakasal kami ni Clark. Aware silang nasa ospital kaming dalawa at bantay ako, but it just made more noise kasi romanticized ang effort ko to take care of my soon-to-be husband while he wasn't in good condition. Parang epitome of pure love na in sickness and in health ang logic.

"By tomorrow, we can go home na raw sabi ng doctor," I told him.

I was staring at Clark's reaction while we were eating our breakfast together.

"I missed school," he said, far from the answer I was expecting.

"The last time you went to school was twelve years ago pa."

"Ang tagal na pala . . ."

Oatmeal and soft fruits lang ang breakfast namin for today, and it was easy to eat kaya ubos na agad niya ang kanya. Ako, ang tagal kumain kasi gusto ko ng ibang pagkain talaga.

"Langga . . ."

"Hmm?"

"Si Tita Tess . . ."

Napahinto ako sa pagsubo at napatingin sa kanya. "Ha?"

"Hindi ko matandaan kung kailan . . . pero parang may sinabi siya sa 'kin . . ."

"Na?" Naibalik ko tuloy ang kutsara ko sa mangkok.

"Kapag may nalaman ako, sabihin ko agad sa kanya."

"Ah." Well, narinig ko na 'yon kay Mum bata pa lang ako. 'Yon nga lang ang dahilang alam ko kaya nga tambay sa bahay namin si Clark para magbigay ng tsismis sa mommy ko.

"What if . . ."

Ito na naman si Clark sa mga what if niya mula pa last week. From assuming na nag-time travel daw siya, until now, may what if pa rin siya.

Pero parang hindi na siya si Clark kung hindi malikot ang utak niya sa napakaraming bagay.

"What if . . . kaya gustong makuha ni Tita Tess ang hinahanap niyang documents ay dahil sisirain niya 'yon para hindi mahuli ang kuya mo?"

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon