Second morning without Mum interfering my life (for now), I could sense Leo's bad mood kasi nakiki-breakfast na naman kami ni Clark sa kanila. As usual, he's the house husband, and Kyline brought Eugene sa school habang katapat ko na sa table si Luan na may sarili nang upuan at hindi nakakandong sa daddy niya.
Clark has a kitchen in his bachelor's pad, and his ref has food in it, pero nakiki-parasite na naman kami kina Leo. His reason right now was my plan on asking Ky as my logistics partner.
Wala namang problema sa plan ko, in all fairness, but I got where Leo's bad mood was coming from.
Clark said sa call kanina before we went here, I need logistics for my possible shipments kasi online transactions ako, for now.
Pagdating namin kina Leo, nanghiram ulit ako ng underwear and extra clothes, and I dunno if Leo was being perceptive or passive, pero binigyan ako ni Kyline ng damit na fitted for me, as in saktong-sakto lang talaga. Kahit underwear, exact size!
I wore a chili red cardigan and a plain white sleeveless blouse. The red wrap skirt was perfect since ka-color ng cardigan, though the shade was a bit darker and more of fire brick red than chili red, pero okay lang. Kyline gave me newly-bought skin tone stockings. They even bought me red platform shoes na perfectly fit din!
I was thankful pa nga kasi akala ko talaga, si Ky ang bumili kasi super sakto lahat. But to my surprise, nope! Leo bought my undies and clothes!
Grabe ang hiya ko right now kasi pabibilhin ko na ang kahit sino sa barkada ni Kuya ng bra at panty, huwag lang si Leo. I mean, we weren't that close saka ang scary niya, actually, para bilhan niya 'ko ng underwear at damit. More so, he's the guy sa barkada ni Kuya na may pamilya na.
Buti nga, open-minded si Kyline na bumibili ng underwear at damit ng ibang babae ang asawa niya. If Kuya did this to other lady na hindi niya kaano-aano o kahit pa kapatid ng barkada niya, for sure, Jaesie would activate her berserk mode and question Kuya until he surrendered.
"Wala ka pa ring balak umuwi?" tanong ni Leo habang ngumunguya at nakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko ang irita niya. At feeling ko, isang maling sagot ko lang, babatuhin niya 'ko ng omelet sa sobrang inis.
"Mum's doing her best to trap me pauwi sa kanila," paliwanag ko. "She wants me to marry Clark, e ayoko nga."
"Tapos nakatira kayo sa iisang bahay," sagot ni Leo.
"We're not doing anything apart from sleeping . . . together . . . literally," I explained.
"Bakit hindi mo na lang kasi pakasalan si Clark para matahimik na si Tita?" naiinis niyang tanong bago sumandal sa mesa. Tumingin siya kay Clark na bumagal ang pagnguya habang pinauulit sa kanya ang sinabi niya gamit ang tingin. "Dude, hindi sa kinakampihan ko si Tita Tess, pero ang reason kasi niya, walang mag-aalaga kay Sab, in a sense, na gaya ng ine-expect niya sa inyo ni Early Bird."
"Dude, magpapakasal nga lang ako kapag naikasal ka na," katwiran ni Clark.
"So, payag ka kay Sab?"
"Nag-oo na nga ako, di ba? Pero hindi pa ngayon."
Gusto ko sanang sumabad kaso mas inuna ko pang nguyaing mabuti ang cold sandwich na gawa ni Leo kaysa magsalita. Pinanonood ko lang sila, as if hindi ako ang topic.
"Clark, kilala mo si Tita. Hindi naniniwala 'yon sa pagmamahal," Leo said. "Walang pakialam 'yon kung mahal mo o hindi si Sabrina. Ang pakialam n'on, nasa pakialam mo sa anak niya."
"Kaya nga, alam ko naman." Kagat-kagat na ni Clark ang kutsara niya habang naka-hang ang handle n'on paibaba. Inabot niya ang kamay ni Luan na inaabot ang slice ng loaf bread sa gitna ng mesa. "Kukuha ng bread si Wuwan?"
BINABASA MO ANG
AGS 4: The Best Man's Wedding
RomanceALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents is for her to marry the best man for her . . . sadly, that man is not her boyfriend Ivo. Clark Mendoza will always be the favorite son of h...