Chapter 46: Very Good

2.7K 144 54
                                    

"Langga, may dadalawin lang ako, ha. Babalik din ako agad. :-* "

At sino naman ang dadalawin niya, aber? May kakilala na ba siya rito sa Manila para lumayas siya nang walang paalam?

I should be doing my works right now. Ang kaso, hindi ako makapag-focus-focus kasi iniisip ko kung saan naman naglalalagi ang Clark na 'yon. Hindi pa siya fully recovered pero umalis na siyang mag-isa.

I'm sure hindi niya alam kung saan nakatira si Kuya. They were twenty-five when he started the toy museum. Sure na hindi rin siya galing kay Leo kasi galing din ako roon.

I was looking for his phone and I couldn't see it.

Clark is curious in nature, and I dunno if he knew how to use his phone properly. One whole day lang kasi niyang hawak 'yon, and he was just doing weird random things sa phone at sa laptop niya.

Lunch na nang bumalik siya sa bahay. Naka-ready na lahat ng sermon ko sa kanya nang pagbukas niya ng pinto, ang dami niyang dalang plastic bag.

"Langga, nakauwi na ako!"

Every single word na ibabato ko dapat sa kanya, hindi ko nasabi habang minamata ko lahat ng bitbit niya.

Ang daming nakaipit sa daliri niyang handle ng plastic bag na puro groceries. May nakasuot pa sa kanyang sling bag na mukhang lunch bag pa nga. Meron din siyang takeout sa Jollibee.

"Saan ka galing?" tanong ko na lang.

"Dumaan ako sa bahay namin sa San Lorenzo. Doon pa rin pala nakatira sina Daddy until now," kuwento niya at dere-deretso sa kusina kaya napasunod naman ako. "Sabi ko kay Mami, ako na lang dadalaw sa kanya para hindi na siya mapapagod magpunta rito. Nagtuturo pala siya sa QC. Ang layo pala n'ong school dito sa Alabang."

Lahat . . . lahat-lahat ng sermon ko dapat sa kanya, natunaw na lang kasi . . .

"Ang ganda na pala ng mga grocery ngayon. Saka ang dami nang kakaibang mabibili. Kaso ang mahal na rin pala ng presyo. Dati, fifty pesos lang, ang dami ko nang mabibiling chips. Ngayon, isang malaki saka isang maliit na lang na balot."

I was watching him rove around the kitchen, taking out all the plastic bag's content na parang excited siyang ipakita lahat ng laman n'on sa 'kin.

Clark isn't the type of boy na whole day nagkukulong sa kuwarto. Hindi rin siya tamad. He likes to roam everywhere, alam man niya ang lugar o hindi. And for sure, it would be a thrill to him at favorable pa nga kung hindi niya alam because he would probably learn a lot wandering around.

Dumaan daw siya sa bahay nila sa Makati kaya hindi na ako nagtaka sa mga glassware na may laman nang lutong ulam.

"Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?"

Nginitian lang niya ako nang sobrang lapad. "Sorry na, Langga." Itinuro na lang niya ang laman ng isang glassware na kalalabas lang niya. "Masarap 'to. Tinikman ko kanina. Kain na tayo."

We started eating our lunch, and his genuine smile didn't fade. Not that I didn't want it, pero galit kasi dapat ako dahil umalis siya nang hindi pormal na nagpapaalam. Although hindi rin naman ako nagpaalam na pupunta kina Leo, pero hindi rin niya ibinalik sa akin ang tanong na bakit umalis din ako nang hindi siya sinasabihan. Kahit pa kung tutuusin, nangapitbahay lang naman ako.

After lunch, sa wakas, nakabalik na rin ako sa pananahi at may natapos na akong limang item na ready for sale na rin at ilo-laundry na lang for RTW.

Paglabas ko sa gym area, naabutan ko si Clark na nagma-mop ng wooden flooring sa living room.

"Clark, you should rest."

"Nakakaantok kaya kapag sa kuwarto lang ako."

"Baka bumuka 'yang sugat mo."

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon