Chapter 50: At Last

5.3K 211 106
                                    


The doctor said kaya raw masakit ang ulo ni Clark ay dahil bumuka ang tahi niya sa ulo gawa ng pagbagsak niya mula pa noong bago siya dalhin sa ospital. Kaya ayun, tinahi na naman nila kasi dumudugo na naman ang ulo niya.

Pero hindi naman daw malala ang lagay niya. Nasa adjustment and recovery period pa rin daw ang katawan niya mula pa noong aksidente at ine-expect naman na ng mga doktor na babalik ang memorya niya sa mas madaling panahon.

"Nagugutom ako," sabi niya habang nguya lang nang nguya.

Tita Pia asked for a private room, although costly ang room na nakuha ni Tita for a temporary stay, but money is never a problem for us.

We bought him food na pinayagan ng doktor. Vegetable salad nga lang din 'yon saka chicken strips. Pero mukhang kulang pa sa kanya kasi paubos na siya, nagrereklamo pa rin siyang nagugutom siya.

Kausap nina Tita Pia at Mum ang doktor na tumitingin kay Clark. Hindi naman siya maiwan ng buong barkada niya, mas lalo na ako. Sina Jaesie, nag-stay na lang sa garden ng hospital kasi ayaw nila sa amoy sa loob.

"Ang sakit ng ulo ko, hayup. Ang dami ng tahi!" Tinanaw pa niya ang sariling reflection sa malapit na bintana saka nag-cringe sa nakita roon. "'Tang inang gupit 'yan. Mukhang pugo amputa. Para 'kong ipinasok sa blender, a."

The Clark a few hours ago was calm and nice. And now, he's like a breathing cursing machine with an irritated mood.

"Tinanghali na kayo rito sa ospital?" tanong niya habang nguya pa rin nang nguya. "Ayaw n'yo talagang kumain?" Inalok na naman niya sa amin ang kinakain niya pero pare-pareho kaming umiling mula sa kinauupuan namin. "E di, don't."

We could tell that he was back. His annoying aura came back. His movements, his words, his attitude—everything.

"Dito kayo nag-overnight?" tanong na naman niya sa amin.

"Dude, end of May na," balita ni Will sa kanya.

Naiwang nakalabas sa bibig niya ang piraso ng lettuce habang natitigilan siya sa pagnguya. "Hmm?"

"It's already May, Clark," Kuya seconded.

"May?" ulit pa niya. "As in Mayo? Fifth month of the year?"

"Yes," sabay-sabay naming sagot.

"Tapos eto pa rin suot ko mula March?" pagturo niya sa sarili. "Ano ba? Itinago n'yo ba 'ko sa basement bago dalhin dito sa ospital?" Inilapag niya sa side table ng hospital bed ang disposable tub na kinakainan niya saka inamoy-amoy ang suot na damit. "Gago, ang bango ko pa rin! Galing ba 'ko sa freezer? Na-cryonic sleep ba 'ko?"

"Dude, wala ka bang natatandaan?" tanong ni Leo na kanina ko pa gustong itanong.

"Na alin?"

"Sa nangyari buong April at May?"

Nanliit ang mga mata niya habang iniisip ang isasagot kay Leo. "Na-coma ba 'ko?"

"Dude, nagka-amnesia ka," sabad ni Patrick.

Ang OA ng pagkakasinghap ni Clark habang hawak ang dibdib. "Nagka-amnesia ako?"

"Yes."

"Holishet! Nagka-amnesia ako sa car crash?"

"Yes."

"Tapos nasagip ako ng isang mahirap na pamilya ng magsasaka na may magandang anak na babae at inalagaan nila ako sa bukirin?"

"Clark."

"Tapos namuhay ako nang malayo sa siyudad tapos nagka-inlaban kami ng anak nilang babae? Tapos ikakasal na sana kami kaso umeksena si Tita Tess at inamin niya ang tunay kong pagkatao kaya hindi natuloy ang kasal at napunta ako rito sa ospital?"

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon