Clark introduced himself to everyone as "Hindi ko alam ang ginagawa ko he-he." That's him. Hindi siya si Clark kung alam niya ang ginagawa niya.
But hearing him tell everyone that he knows what he's doing speaks a lot of volumes because we all know that shit just got real when he started to give a single fuck, and he wanted that single fuck to be worth his time.
Clark helped me with my errands sa bahay niya—well, sila ni Will ang katulong ko, at hindi agad makaalis sina Kuya kasi ini-inspect nila ang lahat ng documents na ibinigay raw ni Clark kay Mum.
I never heard them complain or tell Clark that he was stupid to deal with Mum with his fourteen-year-old memory, but it only made them shut their mouths because Clark's mind before he almost died eighteen years ago had no time to mess with everyone.
Clark wanted the job to be done, and he wanted it done properly. Mum used to brag that to everyone kahit hindi niya naman anak si Clark kasi alam niya ang potential nito mula pa noon.
We finished the packaging, and I checked my bank account online.
Sa wakas! Hindi na four-digit lang ang nakikita ko sa dashboard. Mababayaran ko na rin si Clark sa utang ko sa kanya.
For seven items with exclusive extras, 70k is already a good earning. Lower than I projected but reasonable for the quality. After all, wala naman akong ginawang cheap.
Binalikan na rin namin sina Kuya sa living room. Nakakalat sila sa couch at sa ottoman. Ang tatahimik lang nila at mukhang tapos na silang tumingin sa files na nasa laptop ni Clark.
"Okay na kayo?" tanong ko pa paglapit ko sa kanila.
Tiningnan lang nila ako sabay ismid. Ibang level talaga ang kasungitan ng mga 'to.
"Sab, inilagay na lang namin ni Clark sa ibabaw ng table yung mga box malapit sa pinto para madaling ilabas," paalala ni Will paglapit sa akin.
"Thanks!"
Napatingin ako sa ibaba nang may yumakap sa baywang ko na malaking braso. "May gagawin pa tayo, Langga?"
Tumingala ako at nakita ang nakangiting si Clark.
"Puwede tayong mag-lunch date. May pera na 'ko," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Huwag ka nang gumastos. Ipunin mo na lang 'yan tapos lutuan na lang kita."
Siya na nga ililibre ng lunch date. Pero go rin ako sa lulutuan niya 'ko. I'd rather spend a lunch with him dito sa bahay. Mas intimate.
"You already know it's gonna happen," Patrick said out of the blue. "Dude, you should have told us."
"Ang alin?" Clark replied.
"The files are too obvious," Leo interfered. "You can't just name a file na 'Confidential ito. Ibigay mo kay Tita Tess' because that's the craziest shit to do kung alam mong confidential nga ang file para ibigay kay Tita Tess."
"Clear naman ang instructions, di ba?" sagot ni Clark, and to be honest, hindi ko sila naiintindihan.
"Yes, sobrang clear," sarcastic na sagot ni Kuya. "Sa sobrang clear, halatang ginawa ang instruction para sa slow umintindi. Ultimo instructions kung paano magbubukas ng web browser sa computer, naka-include. Isang click lang naman 'yon, ang dami pang sinabi."
"At binuksan n'yo ang link gamit lang ang isang click?" nagtatakang tanong ni Clark.
"Clark, everything right now is clickable. Hindi mo na kailangan ng napakaraming instruction pa para lang magbukas ng link."
BINABASA MO ANG
AGS 4: The Best Man's Wedding
RomanceALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents is for her to marry the best man for her . . . sadly, that man is not her boyfriend Ivo. Clark Mendoza will always be the favorite son of h...