Chapter 12

3.2K 72 3
                                    

“Bilis, Rain baka magalit si coach.” Pagmamadali ni Cassidy, nasa locker room kami ng mga babae nagbibihis ng jersey ko. Inirapan ko siya.

“Maghintay, hindi tatakbo si coach.” Sabi ko sa kaniya, if you are wondering kung ano ang sport ko, I play baseball. Ang tagal na rin simula huling laro ko dahil nagpahinga ako. Cass and I are both baseball players. Papunta na kami sa field ng school.

“Good to see you, Villarreal, are you ready?” tanong ni coach, ano pa nga ba magagawa ko? Tumango nalang ako kahit labag sa loob. Pumunta na kami sa gitna at nakita ko si Natalie na naka upo lang sa bench at nanonood.

“Welcome back, Villarreal.” Bati ng ka teammate ko sa akin, nginitian ko lang siya.

“Okay, warm up muna.” Sabi ni coach at pumwesto na kami. Nag stretching muna kami at saka nag jogging sa buong field, freaking 50 laps at tirik pa ang araw.

“Bitch, welcome back, mapagod ka sana.” Pang-aasar ni Cassidy, sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang, salamat, nakaka motivate.

“Okay! Tama na pahinga, mag laro muna tayo pansamantala, hahatiin ko kayo.”

“Coach, manananggal ba kami para hatiin?” sigaw ni Cassidy at tumawa naman mga ka teammates ko, napayuko nalang ako dahil sa hiya, umiling lang si coach.

“Nice joke, Dela Cruz, squat ka sa akin,” nag peace naman ang isa at nanahimik na, buti nga. “Okay pumunta muna kayo sa gilid, for our starting pitcher, Villarreal.” nagulat ako sa sinabi ni coach, parang nag flashback naman sa akin ang lahat.

She's a disgrace sa team nila,

Because of her kaya hindi sila nanalo,

Much better mag quit ka nalang!

Is she even a player? Or a clown?

Tama na!

“Villarreal, are you okay?” may pag aalalang tanong ni coach, my hands are trembling and my knees also, akala ko naka move on, na ‘ko.

“Okay, start na tayo.” Nanginginig akong pumunta sa mound, pakiramdam ko bumabalik lahat, mga tingin ng mga tao sa akin, pang huhusga nila, at insulto.

K-kaya ko ba? Tumingin ako kay Natalie, bakas sa mukha niya ang pag-aalala pati na rin kay Cass. Mas dumagdag ang kaba ko dahil nandito rin pala si Ma’am, nanonood. Pakiramdam ko dumidilim ang lahat, pakiramdam ko naririnig ko ang tawanan ng mga tao.

Hawak ko na ang bola at pumuwesto na, napalunok ako.

I still remember the 20 home runs ng kalaban dahil sa akin.

Napatingin ako kay Ma’am at mariin lang siyang nanonood sa akin, shit focus, Rain.

“Villarreall/Rain!” sigaw ni coach at Cassidy sa akin, tumakbo ako papunta sa locker room at ni lock ko ‘yon. Naka upo lang ako sa sahig at nakayuko.

“You’re such a disgrace, Rai.” Sabi ko sa sarili ko.

Why are you even playing? Hindi ba dahil sa’yo kaya natalo ang team mo? 

Bulong ng isip ko. Fuck! Hindi ko maiwasan manginig!

“No! You’re lying! It's not my fault, tama na!” I shouted.

I-I can’t breath, I’m suffocating, my chest hurts.

Tumayo ako at nanghihinang naglakad at lumabas. Ramdam ko gusto na bumagsak ng mga mata ko, nanunuyo na rin ang labi at lalamunan ko. Naglalakad ako sa hallway at ramdam ko any time babagsak na ‘ko.

“Villarreal? Are you okay?” I heard the familiar voice, kahit nanlalabo na ang paningin ko alam ko kung kaninong boses ‘yon.

“M-miss?” at lumapit sa kaniya, papalapit na ‘ko sa kaniya nang dumilim paningin ko, naramdaman kong may sumalo sa akin.

“Villarreal!” tawag sa akin pero mahina lang ang naririnig ko.

★★★

“How is she?” may naririnig akong nagtanong pero hindi pa rin ako dumidilat.

“Hindi pa gumigising, I-I’m sorry, sana hindi ko nalang muna siya pinaglaro, alam ko ang trauma inabot niya two years ago.” I know it was Cassidy’s voice.

“It’s not your fault, at wala naman may kasalanan.” Comfort ni Natalie sa kaniya.

“Sino ba raw naghatid sa kaniya?” tanong ni Onse.

“Professor daw natin.” Sabi ni Cassidy, where is she? Unti-unti kong dinilat ang mata ko, nasa tabi ko silang tatlo. Nang makita ako ni Natalie agad siyang tumakbo sa pwesto ko.

“Oh, God, are you okay?” may pag aalalang tanong niya, tumango naman ako, though masakit pa kaunti ulo ko.

“Rain!” I felt Cassidy hugs me and sobbing, I caress her back.

“I-Im s-sorry.” Paghingi niya ng tawad, hindi ko naman siya sinisisi at wala akong dapat sisihin.

“W-where is she?” medyo raspy pa ang boses ko.

“If you are referring to Miss Frontera, wala siya nung pumunta kami rito.” Natalie said, ewan, bigla akong nakaramdam ng kalungkutan.

★★★

“Kaya mo ba mag drive?” tanong ni Cassidy, tumango naman ako, umalis na silang tatlo papunta sa mga sundo nila at ako naman sa parking lot dumiretso. May pamilyar na nakatayo sa tapat ng kotse at dahan-dahan akong lumapit, siya nga.

Lumapit ako sa kaniya.

“Miss?” tawag ko, akala ko nakauwi na siya.

“S-salamat.” Sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

“Can you drive alone?” Malamig na tanong niya, hmm may naisip akong kalokohan.

“Ouch! Miss masakit ulo ko.” sabay hawak ko sa ulo ko.

“Buy new one.” Sabi lang niya, pangit ka bonding.

“Bakit po, ihahatid niyo ‘ko?” tanong ko sa kaniya.

“No.”

“Wews, hinihintay niyo ‘ko, ‘no?” pangungulit ko pa, pero pumasok lang siya sa loob.

“Go away.” Sabi lang niya at nagmaneho papaalis, nakangiti akong sinundan ang sasakyan niya ng tingin.

Mukhang may atraso nanaman ako sa kaniya.

Deceive MeWhere stories live. Discover now