“Go! Rainiel!” pag che-cheer nila Cassidy, Natalie at Onse sa akin, mga bwisit! Sana pala sila nalang pinasali ko rito. U-Day namin ngayon at paano pinasali nila ako sa takbuhan.
“A-ayoko...n-na..haaaa.” Hingal kong sambit habang tumatakbo, pass the baton ang nilalaro namin, course namin kalaban kanila Natalie at engineering department.
“Go, Rainiel, pag ikaw nanalo, makaka score ka sa akin!” sigaw ni Cassidy at agad nagtawanan ang mga nanonood, nakakahiya, minsan gusto ko nalang siyang itakwil.
Ang layo ko pa! Mahihimatay na yata ako. May hinahanap naman akong tao sa paligid, kaso wala siya. Mas binilisan ko pa ang takbo kahit nahuhuli na ‘ko.
May nahagip akong pamilyar na tao na nanonood malapit sa puno, sa akin lang siya nakatingin kaya mas binilisan ko pa ang takbo.
“Woah!” narinig ko sila, ako lang ‘to, syempre. Hanggang sa naunahan ko na sila at natatanaw ko na ang finish line, siya ang finish line.
Tapos hindi pala ako ang finish line niya, sakit haha.
Joke lang.
“Woahhh! Ang galing!”
“Baka kaibigan namin ‘yan!”
“Anak ko ‘yan!”
“Proud mommy here!”
Hindi ko maiwasan mapatingin kung sino man nagsabi no’n, siraulo talaga. Palinga-linga ako sa paligid, nasaan na siya? Kanina lang nakatayo siya banda sa puno.
Dismayado akong naupo sa bench at nakayuko.
“Drink this,” biglang may narinig akong nagsalita at tumingala naman ako, lumawak ang ngiti ko.
“Miss!” akma ko sana siyang yayakapin kaso naalala ko pawisan pala ako, shit nakakahiya. Bagay sa kaniya ang solid form fitted t-shirt na color black.
“Nangangalay na ‘ko.” Sambit niya kaya agad ko kinuha ang bottled water na inabot niya.
“Wipe your sweat.”
“Punasan mo ‘ko, Ma’am.” Sabi ko at nagpaawa pa ‘ko, but she just rolled her eyes at me.
“Woahhh! Congrats Rai—Hello, Miss Frontera.” Bati ni Cassidy sa kaniya kaso tumango lang, nakita ko naman si Natalie na may hawak-hawak na tubig at towel.
Lumapit si Natalie sa akin at inabot ‘yon, nginitian ko naman siya.
“Excuse me,” sabi nung isa at bigla akong hinatak, napunta kami sa medyo walang taong lugar.
“M-miss, bakit niyo ko dinala rito?” kinakabahan kong tanong kaso nakatingin lang siya sa akin. May kinuha naman siya sa bulsa niya, isang towel?
“Talikod,” utos niya kaya agad kong sinunod. Naramdaman ko pinupunasan niya ang likod ko kaya agad akong nabigla.
“Harap,” utos niya pa kaya agad akong humarap sa kaniya, nakatingala lang ako, tangkad e.
“Give me that,” tinutukoy niya sa hawak ko na binigay ni Natalie.
“Bak—”
“I said, give me that.” May diin na sabi niya kaya nagmamadali akong inabot sa kaniya, agad niyang kinuha.
Bigla siyang umalis at iniwanan ako, ang hilig naman nito mang-iwan.
“Kaya mo ‘yan, Cassidy, give up ka lang!” sigaw ko sabay humagalpak ako sa tawa, sinali ko kasi siya sa tug of war, ganti lang.
“Go, Cassidy, pag-asa ng Afam!” sigaw ni Onse kaya mas lalo akong natawa, hindi lang kami, pati na rin mga nanonood, si Natalie busy lang sa pagbabasa.
Tignan mo ang tanga, hirap na hirap sa paghihila. Bigla niyang hinila ng malakas kaya agad nabuwal ang kalaban nila kaya sila ang nanalo.
“Woah!” halos mabugbog ko na si Onse pero inakbayan niya lang ako.
“Congrats, panget, panalo kayo.” Sabi ko pero inirapan lang niya ako.
“Ang hirap pala katabi ni Rainiel, nambubugbog.” Pabirong sabi ni Onse sabay himas niya sa braso.
“Si Natalie naman isali natin.” Sabi ni Cassidy kaso tinignan lang siya nito ng masama, tumingin naman ako kay Onse kaya agad siyang napalunok.
“Bawal ako, may pilay.” sabi niya, hindi ko na pala nakita si Ma’am kanina pagkatapos umalis, nasaan na kaya nanaman ‘yon?
Hindi pa ba sapat ang pang la-last chat sa akin? Kidding.
★★★
“Bakit walang bumibili?” tanong ni Cassidy, halos mag iisang oras na kami rito, bente pa lang ang nabebenta namin.
“Nandito ka raw kasi.” Sabi ko kaya nakaramdam ako ng isang hampas mula sa kaniya.
“Kaldagan mo nga, Rainiel, nonstop baka may bumili.” Sabi niya kaya agad tumawa iba pa namin kasama. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Buti pa kanila Natalie, halos mauubos na, sa amin, nganga.
“Ito kasi sabi ba naman ‘fishball tatlo lima’ edi wala talagang bibili.” Sabi ng kasamahan namin kay Cassidy, napakamot naman siya sa batok niya.
“Inflation na kasi, teh, kaya kailangan din natin magtaas.” Napailing naman ako dahil sa sagot niya. Biglang pumasok sa isip ko si Miss Frontera, nasaan na kaya ‘yon? Bigla ba naman akong iniwanan.
May lumapit naman sa amin na tatlong lalaki na naka itim, I guess, hindi ‘to mga estudyante.
“May bumili na rito.” Sabi nung isang naka shades na matangkad, napakunot naman noo ko, ano raw? May bumili?
“Hindi niyo na kailangan magtinda, may bumili na.” Sabi niya pa, bakit parang ang gulo yata? Tumingin mga kasamahan ko halos sila rin naguguluhan.
“Ano raw?” bulong sa akin ni Cassidy kaso nag kibit balikat lang ako.
“Kami na bahala rito, makakaalis na kayo.”
“Sino naman po? At totoo ba?” hindi ko na napigilan magsalita, nagtinginan naman silang tatlo.
“Oo, may bumili na nga, kulit naman.” Parang nauubusan na siya ng pasenya.
”Eh? Saglit, magkano naman?” tanong ko sa kanila, kaso may inabot sila sa akin na cheke.
100k para lang sa fishball at kikiam! Pinakita ko sa kanila kaya halos sila rin nabigla. Walang nakalagay kung sino, basta may pirma lang. Nanlalaki ang mata kong tinignan ang tatlo.
Damn, sino naman ang bumili sa amin ng ganitong kalaking halaga? Kaunti lang naman ambagan namin.
“Weh? Baka sindikato kayo kuya?” sabi ni Cassidy at kumunot naman ang noo nung tatlo, para silang tatlong pugo.
“Ang dami niyo namang hanash! Dali alis na, kami na bahala rito, swerte niyo nga, e.” Sabi nung naka mohawk na buhok.
Pero, kanino nanggaling ‘yong 100k?
YOU ARE READING
Deceive Me
De TodoTriumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas, Catalina Aguilar De La Frontera remains a mystery. What will happen if she meets the new professor at her uni...