Pababa na ‘ko ng hagdan nang may narinig akong nagtatawanan, It's 8 p.m and I just woke up.
“Hello, Rain, come join with us may papakilala ako.” My dad said, may kausap siya hindi ko pa masyado ma process ang sinasabi niya dahil kakagising ko lang, inaantok akong tumango sa kaniya.
“Rain, I want you to meet Miss Frontera she's here dahil interesado siya sa business natin.“ Biglang nagising ang diwa ko dahil sa sinabi ni dad.
Nakakahiya naman humarap sa kaniya wala pa ‘kong suklay-suklay at naka t-shirt at short lang ako, baka nga mukhang sabog pa ’ko ngayon, ‘e.
Agad naman ako nakaramdam ng hiya at nakayuko lang akong lumapit at umupo sa tabi ni dad while siya nakaupo sa katapat na couch namin.
“Rain, bakit ka nakayuko? May masakit ba sa’yo?” tanong ni dad.
“W-wala po, nakakahiya lang kasi baka mukhang sabog ako ngayon.” Natawa naman si dad dahil sa sinabi ko. Nag ring naman ang phone ni dad kaya nag paalam muna siya sa amin.
“Excuse me Miss Frontera and Rain, entertain our guest.” Sabi ni Dad at umalis muna.
Entertain daw ano gusto ni dad sayawan ko ba siya? Kidding baka bangungutin, ‘e.
Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kaniya, she's beyond gorgeous. She's wearing black off shoulder body con dress at naka lugay ang buhok niya. Naka crossed legs siya habang tinitignan ang family picture namin sa wall.
“Quit staring, you're creeping me out.” She said kaya natauhan naman ako agad.
“Good Evening po, nandito po ba kayo dahil miss niyo na ‘ko?” pang-aasar ko sa kaniya, I gave her a smirk. Tumingin naman siya sa akin.
“In your dreams.” Malamig na sagot lang niya at tumingin sa mga antique vase ni dad.
“Nandoon din po kayo, ‘e.” dagdag ko pa. Na e-enjoy ko talagang asarin siya kahit na kinakatukan siya ng ibang estudyante sa school, narinig ko lang.
“Whatever.” Sagot lang niya, ang ganda rin ng features niya lalo na’t naka side view siya ngayon, I can see her pointed jaw line and nose.
“I said, quit staring.” For the second time, nagulat ako dahil sa boses niya, hindi naman malakas but it's kinda deep and feminine.
“Pwede po magtanong?”
“No.” Direktang sagot niya, wala pa nga e, kaya napanguso ako.
“E magtanong nalang, pwede?” pangungulit ko.
“I-ilang taon na po kayo?” nauutal kong tanong.
“It’s none of your business.” sabi niya at tumingin sa kuko niya, edi don't.
“Miss, last na po.”
“Bakit po tinawag na blackboard kahit green?” I suppressed myself from laughing.
“Stop asking nonsense question.” I muttered sungit, pero hindi pa rin ako magpapadala hehe.
“Nagbebenta po ba ng yelo sa Iceland? dagdag ko pa, kita ko ang pag pipigil sa sarili niya.
“Yung keychain po ba sa tagalog ay kusina?” alam kong asar na asar na siya kaso hindi lang halata, malamig lang niya akong tinitignan.
“Villarreal.” She said in a warned tone kaya nanahimik na ‘ko, kunwari ko pang zinip ang bibig ko.
“Sorry, it was an urgent call, by the way Miss Frontera, have you meet my daughter?” tanong ni dad at umupo sa tabi ko, napalunok ako, patay what if sabihin niya kay dad na lagi akong late sa kaniya? Tumingin naman siya sa akin, please po, huwag.
“Well, yes, Mr. Villarreal in fact she's my student.” Tumingin naman ako kay dad at tumango siya.
“How’s my daughter in your class?” ito na nga ang kinakatakutan ko, ‘e. What if ilaglag ako ni ma’am bilang ganti sa pang-aasar ko sa kaniya? she gave me a small smirk na mas lalong nagbigay sa akin ng kaba.
“She’s my top student.” Sagot niya, alam kong sarcasm lang ‘yon, si dad naman parang nasiyahan sa sagot niya habang ako kabado lang na nakangiti.
“I need to go, Mr. Villarreal.” Sabi niya at tumayo na.
“Rain, hatid mo muna siya sa labas.” Utos ni dad kaya sinunod ko. Hindi naman tumutol si Ma’am.
Nang makalabas na kami, huminto kami sa tapat ng sasakyan niya.
“Miss, nakakahiya pero may social media account kayo?” tanong ko at nginitian siya. Huminto siya at tumingin sa akin.
“Yes.” sagot niya.
“Eh, bakit nung hinanap ko po, wala?” I blurted out kaya napatakip ako sa bibig ko, shit, Rain.
“So, you were looking for me.” Sagot niya.
“H-hindi ‘no.” Pagtatanggi ko.
“Give me your phone.” Sabi niya kaya inabot ko. Pagkabigay ko naman sa kaniya para bang tinignan niya ‘to na puro pang-huhusga.
“Nice vintage phone.” Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, grabe na talaga, kung hindi insulto, pang-aapi ang natatanggap ko sa kaniya. May pinindot siya at binigay sa akin. Lumawak naman ang ngiti ko.
“Thank you, Miss! Pwede bang number na rin?” hehe minsan na nga lang mag demand, lubusin nalang natin. She rolled her eyes at hinablot uli ang phone ko pagkatapos binigay uli sa akin.
“Happy?” tumango lang ako pero umiling lang siya at pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya. Papalayo na siya nang hinabol ko ang sasakyan niya at kumatok sa bintana.
“What?” inis na tanong niya pero nginitian ko lang siya.
“Wala po, goodnight!” sabi ko at tumakbo na paalis hehe. Masaya akong umakyat sa kwarto at nagsimulang iwanan siya ng message.
Alas Catalina Frontera
Ingat kayo, Miss, goodnight po( ˘ ³˘)♥
Nakangiti pa rin akong pinatay ang phone at binaba.
Literal na may good ang night hehe.
YOU ARE READING
Deceive Me
De TodoTriumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas, Catalina Aguilar De La Frontera remains a mystery. What will happen if she meets the new professor at her uni...