We’re here at court dahil sa physical education namin. I hate this subject, though I’m part of a team, just not my cup of tea, pwede naman ‘yon. Nakapila lang kami at nasa likod ko si Cassidy.
Napansin ko hindi lang pala kami, nandito rin mga political science student, so it means nandito rin si Natalie. Hinanap ko naman siya at nakita ko naka upo habang nagbabasa, kailan niya kaya bibitawan libro niya?
“Okay, pila kayo ng maayos!” I heard Mr. Dimaraanan shouted kaya tinatamad akong kumilos, itong nasa likod ko umaatungal na dahil ayaw niya rin, sana all kasi gusto ang P.E
“Activity for today is running, but hindi sa court, sa buong school, 2 laps lang.” Sabi ni sir halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko. Marami naman nag reklamo, kahit din nasa likuran ko.
“Sir, naman, wala naman kaming balak sumali sa olympics.” Sabi ng lalaki ko na classmate, pero hindi pinansin ni sir. Si Cassidy naman kahit ayaw sa P.E, mabilis naman siya tumakbo at maayos ang stamina niya.
Kita mo marami na siyang tinakbuhan na babae at lalaki dahil sa pagiging playgirl niya, ‘di ba?
“Hoy, tumatawa kana riyan, baliw kana teh?” bigla akong nakaramdam na malakas na batok kaya tinignan ko siya ng nasama, epal talaga kahit kailan.
“Start! Now!” bigla siyang pumito kaya nagsimula na umandar ang pila papalabas ng court. Una parang nag jogging palang kami, jusq nasa labas palang ng court pagod na ‘ko. Ito naman si Cass kala mo kalaban si Usain Bolt, sana all.
“Ano Villarreal, kaya pa?” tanong ng classmate ko na babae, hindi ko na siya sinagot, pagod na ’ko! Napansin ko ako nalang ang naiiwan.
“Go, Villarreal, Go!” narinig ko si Sir habang nag b-bike, ang daya! Inunahan na niya ako. Sa pagtakbo ko may napansin akong pamilyar na tao, si Ma’am! Ayoko mapahiya sa kaniya baka sabihin na lampa ako, kahit totoo naman. Pinunasan ko ang pawis ko at nagsimulang tumakbo, as in mabilis na takbo.
“Tabi!” sabi ko, wow, saan ko nakuha ‘yong lakas na ‘yon. Kahit din mga classmates ko nagulat paanong naabutan ko sila, kahit si sir.
“Paraan!” naabutan ko na si Cassidy at ngumisi sa kaniya, adios. Napansin kong naunahan ko na sila at hindi ko na makita, ilang saglit bumalik na ‘ko sa court at nandoon na silang lahat?
“Ang sabi ko 2 laps lang, bakit tinatlo mo na?” sabi ni sir, nagulat naman ako, ano raw? tatlo? Hinihingal akong napaupo sa lapag.
“Here, take this.” Bilang may nag abot ng towel at agad akong tumingala, si Natalie. Nginitian ko siya at inabot ‘yon.
“Thanks.” Sabi ko at nginitian siya, nagsimula na ‘ko punasan ang pawis ko sa mukha.
“Ang daya, Nats! Bakit si Rai lang, ako wala?” reklamo ni Cassidy at napanguso, tumingin sa kaniya si Nats at umirap, nag make face naman si Cass, isip bata talaga.
“Labahan ko nalang tapos ibigay ko rin sa’yo.” Sabi ko sa kaniya at tumango lang siya. Ang bait talaga. Hinanap ko naman si Ma’am na kakakita ko lang kanina, pero wala na siya, may lahi ba siyang multo?
“Tamo, kanina tumatawa ngayon naman, parang binagsakan ng lupa.” Narinig ko si Cass.
“Namo, manahimik ka nga.” Pero pinalo lang niya ako sa balikat.
“Words, Villarreal.” Saway sa akin ni sir kaya humingi ako ng paumanhin. Tumayo na kami at babalik na sana sa room pero may lumapit sa akin na lalaki, gwapo, maputi, at matangkad, nahihiya siyang lumapit sa akin.
“Hello, ikaw ba si Rainiel?” tanong niya.
“Marami pong Rainiel sa mundo, baka may espiritu na Rainiel ang pangalan at lapitan ka.” Pagbibiro ko pero tumawa lang siya.
“Fine, Rainiel Villarreal from Psychology department.” Sabi niya.
“Yes, po, bakit niyo ‘ko hinahanap? Alam kong wala akong utang.” Sabi ko at umiling lang siya.
“Kidding, pero ako nga, ikaw?” tanong ko sa kaniya, I’m distracted dahil sa ipin niya, pantay-pantay at magaganda.
“Hulaan mo.” Sabi niya at pinaningkitan ko siya ng mata, gago ba ‘to?
“Kidding too, I’m Onse Trafalgar, I.T student.” Pagpapakilala niya, Trafalgar? seems familiar.
“I.T ka? Marunong ka mag-ayos ng refrigerator or rice cooker?” tanong ko at nagpipigil tumawa, umiling lang siya.
“Ikaw nga psychology student pero marunong ka ba mag basa ng utak o hulaan mo ‘ko?” pang ganti niya at tumawa lang kami pareho.
“Hindi ko mabasa kasi walang laman, kidding.” Pagbibiro ko.
“You caught my attention kanina, and I like you.” Bigla siyang yumuko, ano raw? Like?
“Like mo ‘ko? Romantically or Platonically?” tanong ko pa.
“Pwede both? Ang hirap kumausap ng psych student, feeling ko iniinterview ako.”
“Ah, I’m glad but friends lang ma o-offer ko.” Sabi ko, I apologetically smile at him, ngumiti lang siya pabalik.
“Okay lang, pero sige friends.” Nilahad niya pa ang kamay niya at tinanggap ko ‘yon.
“Oras ng klase nasa labas kayo.” Bigla akong nagulat dahil sa pamilyar na boses na narinig ko, jusq bakit sumusulpot ‘to kahit saan? Tumingin naman ako sa kaniya kahit din katabi ko, yumuko siya.
Papalapit siya amin habang nakalagay sa likod ang kamay niya, tumingin siya sa katabi ko.
“You,” she's referring sa katabi ko “Go back to your room.” tumingin naman siya sa akin at nag paalam muna kay Miss Frontera bago siya umalis.
“And you, oras ng klase nasa labas ka at nakikipag usap.” Tukoy niya sa akin, nakatingala lang ako since matangkad siya, blanko lang siyang nakatingin sa akin.
“P.E po namin.” Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
“So, wala na mga classmates mo supposedly nasa room kana at hindi nakikipag usap kahit kanino.” Dagdag niya pa, wow pinakamahabang narinig ko mula sa kaniya, wait, ano ba problema nito bakit parang galit?
“Sorry po, babalik na.” Sabi ko pero tinalikuran lang niya ako, I heard she said ‘whatever’ bago naglakad papalayo.
Siya nga professor pero nasa labas, kidding.
Nakangiti akong bumalik sa silid namin, para kang tanga, Rain.
YOU ARE READING
Deceive Me
عشوائيTriumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas, Catalina Aguilar De La Frontera remains a mystery. What will happen if she meets the new professor at her uni...