Chapter 55

2.5K 54 1
                                    

“Two days nalang g-graduate na tayo.” Masayang sambit ni Cassidy na may kasamang palakpak. We’re currently sa isang club, naisipan nilang gumimik dahil natapos na rin namin ipasa ang mga requirements.

“Aww, maghihiwalay hiwalay na tayo, mamimiss kita, Cassidy.” Sabay may paiyak iyak pa.

“Ay, ako hindi.” Pagbibiro naman nito at agad siyang inirapan ni Onse.

Hayst, oo nga. Maghihiwalay hiwalay na rin kami after nito. Masaya ko lang sila pinapanood habang nagkukulitan.

Suddenly, bigla ako nakaramdam ng lungkot.

I miss her, my Alas.

Ilang buwan na rin siyang walang paramdam.

“Girl, okay ka lang? Kanina nakangiti ka pa tapos ngayon nakabusangot kana agad.” Cassidy interrupted me at agad naman ako bumalik sa realidad.

Ngumiti naman ako ng maliit sa kaniya.

“Oo naman, masaya lang ako.”

“Weh? Hindi nga? Namimiss mo lang siya eh.”

“Siya pa rin ba until now?” I heard Natalie asked me habang nag i-scroll sa phone niya. Ang dalawa naman ay nakatingin lang sa akin at naghihintay ng sagot.

I smiled at them,

“Siya naman palagi.”I lowered my head. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

I tried, sinubukan ko siyang hindi na mahalin, ngunit hindi ko kaya.

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya bakit niya ginagawa sa akin to.

Mahal niya ba talaga ako?

Kung mahal ka niya, nasaan na siya ngayon? Bulong naman ng utak ko.

Para akong naiwan nalang sa ere.

Nakaramdam naman ako ng mahinang tapik sa braso ko.

“Hey, It's okay. We won't judge you for loving her that much kahit iniwan ka nalang niya ng bigla bigla.” I heard Onse.

“But, you know. You need to let her go kahit gaano mo pa kamahal yung tao.” He added.

I tried, pero lagi akong nabibigo. Lagi pa rin ako hinahatak pabalik sa kaniya.

“Alam niyo nandito tayo para sumaya, kaya tama na yan.” pambabasag naman ni Cassidy.

She's right, nandito kami para mag relax at hindi para mag isip ng kung anu-ano.

“Now, tell me, Onse.” Cassidy said while resting her hand under her chin at nakatingin kay Onse.

“Are you gay?” Agad naman napabuga si Onse sa iniinom niya at tumawa naman itong isa.

“H-hindi ‘no!” Angal naman nitong isa.

“Weh? Bakit wala ka pang girlfriend or nililigawan?”

“Bakit kailangan ba? Duh.”

“Parang si Rain yung last mo na nagustuhan, anyare beh?” She showed a little smirk

Napabusangot naman ‘tong isa at halatang ayaw sagutin, loko loko talaga kahit kailan.

“Tama na nga ‘yan, hindi na comfy yung isa.” I heard Natalie.

“At ikaw naman Cass, mind your own business, okay?” Pananaway naman ni Natalie habang umiinom lang at nakatingin sa labas, nakita ko naman na sumimangot itong isa at parang gusto na magdabog, mamimiss ko sila.

It's already 2 am at nandito pa rin kami, yung dalawa busy sumayaw sa gitna habang kami naman ni Natalie tahimik lang na nakaupo sa gilid.

Ngayon ko lang din na realize na maganda pala si Nat kahit sa medyo di naaaninagan ng ilaw.



Oy, nag compliment lang naman ako, ‘wag masyadong issue.

“Do you still love her?” I heard she asked me out of nowhere habang nakahalumbaba lang na nakatitig sa inumin, napalunok naman ako.

“Yes,” I shortly answered.

Napuno naman uli kami ng katahimikan. Nakita kong tumayo siya at kinuha mga gamit niya.

“I need to go, may gagawin pa ‘ko.” I heard her.

“Rai,” napatingin naman ako sa kaniya.

“Guard your heart, you might get hurt in the end.” I gave her a little smile, pero napansin ko na maraming gustong sabihin ang mga mata niya.

I am bothered.

Ako nalang mag isa sa lamesa at tahimik na nag i scroll sa gallery ko. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga litrato naming dalawa.

Ang saya namin.

Nakikita ko naman na genuine ang bawat ngiti at tawa naming dalawa.

What went wrong? I asked myself.

Letche, nasaan kana ba kasi.

Hinahanap ko naman yung dalawa kung ano na ginagawa nila, I saw them kung sinu-sino nalang ang kasayaw

Habang nakatingin ako kanila Onse at Cass bigla naman akong nakaramdam na para bang may nakatingin sa akin, I scan the place pero puro mga tao lang na nagsasayawan at nag iinuman.

Siguro dahil medyo marami lang ako nainom kaya ganito ang pakiramdam ko.

Tumayo ako at lumabas muna para magpahangin, kailangan ko ‘to para mahimasmasan.

Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko, ganito pala katahimik at kapayapa tuwing madaling araw, ang gaan sa pakiramdam.

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang kapaligiran hanggang sa narinig ko na tumunog ang phone ko.

Bodyguard ni dad, ano kaya kailangan nito? Agad ko rin naman na sinagot.

“Hello?”

“Nasaan ka? Susunduin kita ngayon.” I heard him, agad ko rin naman sinabi ang exact location ko at ilang minuto lang dumating na agad siya. It's very unusual na tumawag ang bodyguard ni dad unless emergency. Bumaba na siya sa sasakyan.

“Miss Rain,” at napansin ko naman na medyo bugbog siya.

Deceive MeWhere stories live. Discover now