Chapter 6

3.7K 100 2
                                    

Gabi na at nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin talaga ako nakaka move-on dahil sa nangyari kanina. Grabe makatitig kala mo gagawa ako ng masama, biro lang.

Pero kahit anong ganda ng mata niya, napansin ko bakit walang buhay? Why do I care?

It's very unusual to me na makapansin ng ibang tao. Maybe because dahil nakatitig siya sa akin kaya ko napansin ‘yon?

“Ugh, nakakainis ka, ngayon lang ako napahiya sa tagal kong namumuhay sa mundo!” sabay hinilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha. Maybe, I should sleep na para hindi mahuli bukas at baka may malala pang mangyari. I slowly close my eyes.

“Ang aga yata natin ngayon ah?” narinig ko si Nanay habang pababa ako ng hagdanan, yeah, pinilit ko talaga magising ng maaga mahirap na at baka malagot. I kissed her cheeks at umupo na para kumain.

“Where’s dad?” tanong ko habang kumakain.

“Nauna na, alam mo naman na hindi na kumakain ng agahan ‘yon.” Nanay is right, hindi na kumakain si dad ng breakfast, hindi ko rin alam kung bakit. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Nang matapos na ‘ko, dumiretso na ‘ko sa sasakyan ko para umalis. 6 palang ng umaga! Dapat may award ako, ah? I start my engine at nag simula na mag maneho.

Ang ganda ng mood ko ngayon dahil hindi traffic sa daanan at ang ganda ng paligid. Nang makarating na ako sa unibersidad, pumunta muna ako sa malapit na coffee shop, hindi pa talaga ako nakakapag kape.

Umorder lang ako ng isang black coffee at nakatingin sa labas habang uminom. Medyo marami na pumapasok siguro mamaya nalang ako. Narinig ko nag ring ang phone ko kaya agad kong binuksan.

CassidyKilabotNgRizal
Wer r u?

Coffee shop, near sa school, why?

Wala lang, pangit mo.

Agad napakunot ang noo ko dahil sa ni-replay niya, baliw talaga ‘tong babae na ‘to. Hindi ko na sinagot at binaba nalang ang phone.

“Good Morning, sissy! Ang aga natin ah, aminin natakot ‘yan.” Pang-aasar ni Cassidy sa akin. I rolled my eyes, kakarating ko lang sa room kahit si manong guard parang nabigla dahil ang aga ko.

“Hindi, bakit ako matatakot.” Sabi ko, hindi naman talaga ako takot, baka isumbong lang ako kay tito, ginagawa ko ‘to para hindi siya mapahiya. Umayos na ‘ko ng upo at nakatingin lang sa labas.

Biglang tumahimik ang paligid at agad nabaling ang atensyon ko sa harapan, naging anghel mga tao rito, ako kasi anghel na talaga.

And there she is, nasa harapan na namin, naka black polo siya na naka bukas ang tatlong butones, seryoso lang siya nakatingin sa amin.

“Didn’t I say na bumati kayo kapag dumating ako.” Jusko ang lamig na nga ng kwarto sumabay pati pananalita niya. Walang nag lakas ng loob na nagsalita, even me parang nawalan yata ako ng boses.

“Go—”

“Stop.” Pagpuputol niya sa sasabihin namin kaya agad kaming napahinto.

“Let’s start our discussion, ayoko makarinig not even a single noise.” Sabi niya sabay tumalikod at may sinulat sa white board. Hindi ko alam kung saan ako titingin kung sa board ba o sa likod niya? Same sila nakaka distract.

Stop, Rainiel, parahas kayong babae at meron ka rin niyan, hindi nga lang ganoon kalaki. Nakahalumbaba lang akong nakatingin sa ginagawa niya. Nang matapos siya sinusulat, nag simula na siyang mag discuss sa harapan.

Hindi siya nakakaantok pakinggan, maganda ang accent niya sa bawat pag sasalita. Kung kay Mr. Samaniego ‘to baka nakatulog na ‘ko, kahit itong katabi ko titig na titig.

“Miss Villarreal, are you listening?” naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang apilyedo ko.

“Y-yes po.” Medyo nauutal kong sagot, napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pagtuturo.

★★★

Papunta ako ngayon sa vending machine para kumuha ng inumin. Yes, may vending machine rito pero puro drinks lang ang laman. Nag hulog na ‘ko pero wala pa rin lumabas, kinain yata ang bayad ko, ah.

Tumingin ako sa paligid kung may tao at saka ko sinipa ng mahina ang machine, nakakainis e.

“That machine won't fight.” I heard the familiar deep feminine voice kaya nagulat ako, shems. Lumakad siya at lumapit din sa vending machine, nakatingin lang ako sa kaniya.

“You look like an idiot, that machine won't fight against you.” Dagdag niya pa nag hulog siya at may pinindot at saka may lumabas sa ilalim, nakita niya pala ‘yon, nakakahiya!

Kinuha niya ‘yon at akala ko ibibigay niya sa akin, same kami ng gusto makuha huhu ang daya.

Bakit niya ibibigay sa’yo?

Pero binuksan lang niya ‘yon at inabot sa akin, lumawak ang ngiti ko.

“Matuto kang magbasa ng instruction, stupid.” Hindi ko na inintindi ang sinabi niya sa huli kahit alam kong insulto ‘yon, bakit ba.

“Thank you po.” Sabi ko sa kaniya pero tinalikuran lang niya ako at naglakad na siya papaalis. Naka ngiti akong bumalik sa cafeteria.

“Ngiti nang ngiti parang baliw.” I heard Cassidy pero hindi ko nalang pinansin.

She's not bad after all, nawala slight ang takot ko sa kaniya mga one percent.

“Don’t ruined her mood.” I heard Natalie.

Nagpatuloy na ’ko sa pagkain uli, maybe next time, I should return her kindness.









How I wish I could turn back the time.

Deceive MeWhere stories live. Discover now