March
Nasa basement ako at naghahanap ng materials para sa gagawin naming project, tumungo ako sa isang shelf na puro alikabok. May nakita akong libro sa tuktok at tumingkayad ako para abutin ‘to.
Nang makuha ko na pinagpagan ko muna at bumungad sa akin ang isang lumang diary, buo pa naman at wala pang sira ang unahan.
Dahil sa kuryosidad ko binuksan ko para makita ang nilalaman. Sa aking pagkadismaya, walang nakasulat sa loob, ibabalik ko sana nang may nalaglag na picture mula ro’n.
Dinampot ko at tinignan, halu-halo ang nararamdaman ko dahil sa nakita ko.
If I’m not mistaken ito ‘yong nakita ko sa website, parehong-pareho, si dad with two other guy.
Tinignan ko ang likuran kung may nakasulat ngunit isang petsa lang ang nakalagay.
Binuklat ko uli ang diary upang tignan kung may larawan pang nakalagay, ngunit wala na. Ngunit sa dulong pahina may nakasulat.
“Hindi ko sinasadya na mahalin ka, pasensiya na.”
Habang tinitignan ko ang nakasulat, punong-puno na ‘ko ng pagkalito, kaya bago pa ‘ko mabaliw sa kakaisip kung ano mga ‘yon sinara ko na ang diary at binalik ang picture sa loob.
★★★
“Hoy, teh tahimik ka riyan.” Panggugulo sa akin ni Cassidy.
“Huwag mo muna akong kausapin.” I warned her kaya naupo lang siya sa tabi ko. Speaking of Alas, busy siya ngayon and I understand.
Nagsimula na ang unang klase namin, of course siya ang prof namin. Wala naman nagbago sa amin kaya wala akong nagiging problema.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagtuturo, hindi naman halatang inlove pa rin si mokong kahit ilang buwan na kaming nagsasama, well.
“Goodbye, class.” The last thing I heard bago siya lumabas ng silid namin, shems ‘di ko namalayan.
“Hindi ka naman halatang inlove sa kaniya, eh ‘no?” panggugulo ng katabi ko.
“Inggit ka lang, ‘e.” Pang aasar ko, nag make face lang siya at tumingin sa labas.
Lumipas ang ilang araw at bihira lang kami mag usap, I understand dahil busy nga naman siya sa hindi ko alam kung ano dahil baka personal na ‘yon.
Hindi naman ako nag aalala na baka may ginagawa siya na hindi ko magugustuhan dahil malaki ang tiwala ko, and hindi naman niya naman ‘yon sisirain.
Nasa kwarto lang ako at nakahiga, time check 8 p.m
Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung ano yung mga bagay na nalaman ko nitong nakaraang araw, pati si Santie isang buwan na hindi nag paparamdam.
Ayoko mag overthink pero parang ang daming kakaibang nangyayari ngayon.
Ano kaya pinagsasabi ng lalaking ‘yon?
Bumangon ako sa pagkakahiga at tumungo sa computer ko para mag search.
Naghanap pa ‘ko ng information tungkol sa dalawang lalaking kasama ni dad.
Inuna ko muna ‘yong Alissandro, wala akong gaanong nakita maliban sa kaniya at pamilya niya, nakalagay lang do’n na may anak siyang babae na hindi na nakita pagkatapos ng insidente.
Hindi ko makita masyado ‘yong mukha ng bata, I think around 6-7 years old ‘to.
Habang tinititigan ko ang larawan, parang bumibigat pakiramdam ko sa hindi ko alam na dahilan.
And last one, ‘yong isa pa niyang kasama na lalaki. Wala rin akong masyadong nahanap sa kaniya maliban sa may anak din pala siya pero hindi sinabi kung babae o lalaki.
Tinignan ko ang larawan niya na masayang-masaya, out of nowhere bigla nalang tumulo mga luha ko na hindi ko alam kung bakit at malakas ang kabog ng puso ko.
Habang nakatingin ako sa mga mata niya, para itong nangungusap sa akin kahit sa larawan ko lang tinitignan, hindi ko maintindihan bakit ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kaniya.
Pinatay ko na ang monitor at bumalik uli sa kama upang mahiga at matulog.
“Let's go.” Utos ng isang lalaki at buong-buo ang pagkakasabi niya.
“I-I’m sorry,” sabi niya habang yakap yakap ako at umiiyak, nakaramdam ako ng isang matalim na bagay sa aking likuran, ngunit hindi ito kutsilyo, paunti-unting nagdilim ang paningin ko at bago pa ‘ko tuluyang lamunin ng dilim, nakita ko ang maganda niyang mukha na lumuluha.
Nagising ako at halos pawisan, ano yun?
It's just a bad dream, Rainiel. Tinignan ko naman ang orasan. Shit! Late nanaman!
Nagmamadali akong nagbihis at bumaba sa hagdan, nang makasakay ako sa aking kotse agad akong nagmaneho.
Kailan ba ‘yong last na nahuli ako? Nevermind.
Nang makarating na ako, nagmamadali akong tumakbo para maabutan pa ang first subject namin.
Malapit na ako makarating sa silid nang bigla akong kabahan, hindi ko alam pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Papasok sana ako nang magtaka ako na iba ang nagtuturo.
Tito? Asan si Alas?
Napatingin naman siya sa akin at blanko lang ang ekspresyon niya, kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko pumasok pa rin ako.
“Good Morning, everyone.” He said, palihim kong binuksan ang phone ko para itanong kung bakit hindi siya ang natuturo.
Hey, I’m sorry kung hindi na ‘ko
nakapagpaalam, but nandiyan naman
si Sir Samaniego para pumalit sa akin
pansamantala, I’ll miss you.Tumingin ako kay tito na ibang-iba kung makatingin sa akin. Hindi ko na pinansin at nakinig nalang sa kaniya.
“Psst, alam mo ba nakita ko si Miss Alas kanina malapit sa opisina niya bago umalis.” Narinig ko si Cassidy sa tabi ko, so nandito pala siya kanina?
Bakit kaya nandito si tito? Hindi man lang siya nagsabi na babalik na siya pero bakit biglaan naman yata?
Lunchtime na at nagdadalawang isip ako kung pupunta ba sa opisina niya, baka lang nandoon siya ngayon.
Pumunta nalang ako at nang makarating ako sa tapat ng opisina niya, pinihit ko ang door knob dahan-dahan, pero walang tao.
“She's not here.” May biglang nagsalita sa likuran ko na kinagulat ko naman. Nakita ko si tito na halatang seryoso.
“Hindi na siya babalik.” The last thing he said.
👀
YOU ARE READING
Deceive Me
RandomTriumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas, Catalina Aguilar De La Frontera remains a mystery. What will happen if she meets the new professor at her uni...