Isang linggo na nang nagsimula kami mag practice for U-Day, everything's went fine.
"Ang galing mo talaga kumanta, Villarreal." Parang nahiya naman ako dahil sa sinabi ni Anjo, he's our lead guitarist.
"Oo nga e, kaya mas nagugustuhan kita lalo." Pagbibiro naman ni Onse at tumawa lang siya ng mahina sabay akbay sa akin, siraulo talaga.
"Sira, hindi naman gano'n kagaling, kayo talaga." Saway ko sa kanila at tumawa lang silang dalawa.
"Pero seriously Rain, ang galing mo pala kumanta." Sabi ni Onse kaya nginitian ko lang siya. Siya ang drummer namin.
Bihira nalang kami magkita ni Miss Frontera, maybe may tinuturuan din siya and I know kasama si Natalie ro'n. Nag pahinga muna kami saglit, nandito rin si Cassidy nanonood sa amin.
"Nag usap-usap siguro kayo, 'no? Kayong tatlo puro mga kasali." Sabi niya sabay ngumuso, hindi bagay.
"At ano naman sasalihan mo?" tanong ko sa kaniya, napaisip naman siya.
"Sa.....paunahan kumain." Sagot niya at napailing naman ako. Actually magaling mag piano si Cassidy. Pwede na niya palitan si Mozart,
Sa libingan, kidding.
"Pero nice bff ang galing mo pa rin kumanta parang noon lang." Bati niya sa akin at nginitian ko lang siya, nahihiya na talaga ako, hindi ako sanay sa compliment.
"Diyan muna kayo, may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanila at tumango lang sila. Lumabas na 'ko ng music room, actually pupuntahan ko si Ma'am, manggugulo lang, hehe.
Ilang araw na kami hindi nagkikita. Busy siya, busy din ako. Patuloy ko lang nilalakad ang hallway.
Hindi ko pala alam kung nasaan siya, hindi naman niya sinabi kung ano tinuturuan niya. May narinig akong tugtog kaya hinanap ko kung saan 'yon, good thing walang tao rito.
Sinundan ko kung saan galing ang tugtog na 'yon at napunta naman ako sa dance studio ng school namin, nakasara ang pinto pero may awang, mukhang may nag pa-practice, papasok sana ako kaso naisipan kong silipin muna kung sino 'yon.
Si Natalie, kaya naisipan kong kumatok muna. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Hi, pwede pumasok?" paalam ko at tumango naman siya.
"Tapos na practice niyo?" tanong niya sa akin.
"Nope, break time kaya naisipan kong lumabas muna, kayo?"
"Break din namin." Sabi niya kaya tumango naman ako. Malaki rin 'tong studio.
"Favor, Rain. I need your opinion kung okay ang sayaw ko?" tumango naman ako at umupo sa gilid, pumunta naman siya sa gitna.
Swabe lang sa una pero hindi kalaunan mas tumindi ang sayaw niya.
My jaw dropped kung gaano siya kagaling sumayaw, the way she move her hips, body and arms. Eye contact, presence, everything is perfect.
Sumasabay sa ritmo at beat ang bawat kilos niya, walang tapon. While she's dancing, nakatingin lang siya sa akin and I saw little smirk escape from her lips.
Ang layo niya sa Natalie na puro libro lang ang hawak, ngayon, ibang-iba. Not gonna lie, she's hot when dancing.
Patuloy ko lang siyang pinanood hanggang sa matapos siya. Hinihingal siyang huminto.
"Wow," tanging nasabi ko nalang at pumalakpak.
"What do you think?" tanong niya at lumapit sa akin.
"Ang ganda, hindi ko alam na may gano'n ka palang talent." Napansin kong namula siya, maybe dahil sa pagod or naiinitan? Pero malamig naman dito.
"T-Thank you." Medyo nauutal niyang sabi, napansin kong pawisin siya kaya pinalapit ko siya at kinuha ang bimpo sa kaniya.
I wiped her sweats sa face at sa likod, nakita kong napatulala siya sa ginawa ko pero binigyan ko lang siya ng isang ngiti kaso umiwas siya ng tingin.
Nagmamalasakit lang ako bilang kaibigan, okay? May narinig kaming kumalabog na siyang kinagulat ko. Hinanap ko kung saan 'yon at nakita ko siya, si Ma'am malapit sa pinto at nakita ko nahulog ang tubigan niya.
Kaso may mali bakit ang bigat ng paghinga niya and why do I feel na ang sama ng aura niya ngayon. Nakatingin naman siya sa akin at na realize ko na nasa mukha pa pala ni Natalie ang bimpo dahil pinupunasan ko nga siya, agad ko rin tinanggal.
"Hi, Miss." Bati ko sa kaniya, naglakad siya papunta sa direksyon ko, kaso mali may kinuha lang siya, gamit niya ata.
"The practice is over." medyo nabigla ako sa boses niya, ang lamig.
Hmm, may problema kaya siya?
"Pero, Miss, I thought may isang rounds pa po tayo?" tanong ni Natalie, pero hindi siya pinansin at lumabas nalang. Medyo malakas ang pagkakasara niya sa pinto, pati ba naman pinto inaaway niya? Sinubukan ko namang sundan siya kaso ang bilis ng paglalakad niya.
"Miss!" tawag ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Kaya hinabol ko siya, nahawakan ko naman ang wrist niya kaya ramdam kong nabigla siya.
"Ugh, what do you want?" singhal niya, pero bakit siya galit? Pinipilit niyang makawala pero mahigpit ang pagkakahawak ko.
"M-Ma'am, may problema po ba kayo?" tanong ko sa kaniya, napahinto naman siya at tumigil din sa pagpupumiglas.
"No, and let me go! such a flirt." Hindi ko masyado narinig ang sinabi niya sa huli dahil mahina but I get it, gusto niyang pakawalan ko siya, as if naman na gano'n-gano'n lang kadali.
"I said let me fucking go!" she cursed out kaya nabitawan ko siya. Galit lang siyang tumingin sa akin at iniwanan ako.
What's her problem?
Then I remember, naiwanan ko pala si Natalie mag-isa sa studio.
Hmm, bukas ko nalang kakausapin si Ma'am.
Hayst, what a day.
YOU ARE READING
Deceive Me
De TodoTriumvirate Girls III Rainiel Louise Villarreal is just a typical student, smart and talented but the only problem is her tardiness. Alas, Catalina Aguilar De La Frontera remains a mystery. What will happen if she meets the new professor at her uni...