GWENETH
Paano nga ba ako humantong sa paggawa ng isang malaking kasalanan. Bago ang lahat, ito ang nangyari...
~~~~~~~~~~~•~~~~~~~
"Mama!" Napupuyos kong binuksan ang pintuan at agad na pumasok kung saan naka-confine si mama.
Ang daming nakadikit sa kanyang mga aparatos. Makita lang siyang nakaganyan bigla akong nanlumo. Nakahiga siya at walang malay, nandoon din ang doctor na may kasamang nurse. Si ate at kuya Jao, asawa ng kapatid ko. Nandito na sila kanina pa.
"Ate anong nangyari kay mama?" lumapit ako sa kanya, umiiyak si Ate Genn habang yakap siya ng asawa niya, si Kuya Jao. Nakaupo sila sa tabi ng kama ni mama.
"Ano po bang nangyari doc?" tanong ko sa doctor.
"The cause of your mother's faint ay her heart blocked out." nagulat ako sa sinabi ni doc.
"Paano po nangyari yun? May kuryente sa puso ni mama? Bakit hindi na lang sa Meralco nag punta?" gulat na gulat na sabi ko.
"Tange... basta hindi mo maiintindihan boba ka. May nangyaring masama sa puso ni Mama." Napasinghap ko. bakit naman kasi sa dinami dami ng organs puso pa ang kailangan maapektuhan.
Magkaharap kami ng babaeng doctor, si Ate patuloy parin sa pag-iyak. Dahil bukod dito sa nangyari may iba pa kaming pino-problema. Una sa lahat pera, sa lahat lahat ng nangyayari ngayon saan kami kukuha ng pera pambayad dito sa ospital.
Pangalawa kakapanganak lang ni ate kaya butas ang bulsa namin, ni hindi pa niya nabayaran ng buo yung ospital pero pinagbigyan siya na hulugan. Ngayon yung anak niya pinapaalaga namin sa kapitbahay.
"Your mother has Congestive Heart Failure o heart failure." seryosong sabi ni doktora. Nawindang ako, napapikit ako ng mariin. Hindi ko kasi alam yun ni mabigkas hindi ko kaya pucha.
"Bago siya magkaroon nito, she had a rheumatic heart disease that leads in congestive heart disease. I will explain further and tell you what happened to your mother and listen carefully." tumango ako.
"Much better kung doon tayo sa room ko mag-usap iwan muna natin sila dito."
Lumabas kami at tahimik ko siyang sinusundan. Lumingon ako hindi sasama si Ate? Ako talaga? Seryoso ba? E hindi kami magkakaintindihan ni doctora bobita ako! Sige panindigan natin.
Sobrang kaba ko at takot ko hindi biro ang magkasakit sa puso, bakit sa lahat lahat pa ng pwedeng ibigay ng diyos na sakit sa ina ko ay sa puso pa.
Bakit po nangyayari sa amin 'to?
Hindi ko maiwasang tanungin ang maykapal. Nawalan ng trabaho ang asawa ng ate ko, natanggal ako kanina sa trabaho dahil nag-rush ako dito pinapili ako ng wala kong pusong amo trabaho ko daw ba o yung lakwatsa ko. Akala niya nagsinungaling ako, hayop yung manager na yun pagkalat ko kaya yung sex video niy.
Pumasok kami sa loob, sinarado ko yung pintuan at sumunod sa kanya. "Have a seat." umupo siya sa office chair niya, umupo ako sa patient's chair.
Magkahawak ang aking kamay habang lumalakas ang pagtibok ng puso ko.
May kinuha siyang chart. May dalawang puso ang nakadrawing.
"This is what a heart looks like kapag healthy or normal." turo niya sa isa.
"At ito ang puso ngayon ng mother mo." tinuro niya sa isang illustration ng puso. Pinag-compare ko hindi ko makita yung pagkakaiba pero tumango na lang ako.
"What happened to your mother was humina ang tibok ng puso niya at napansin din namin na bumababa ang oxygen level niya, we suspect na nalagutan siya ng hininga sumabay pa yung joint pains niya at hindi rin maganda yung pagbagsak niya but don't worry walang fractured bones or internal injuries. And I discover that your mother have asthma, alam niyo ba ito?." hindi namin alam na may hika siya kaya umiling ako.

BINABASA MO ANG
Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)
RomanceWarning: strong languages and violence (this is far from reality xox) CURRENTLY EDITING