Kabanata 7

71.2K 2K 231
                                    

GWENETH

Naranasan niyo na bang tumae pero naka squat? Sabi daw ganon tamang pag dumi, so, tinry ko kaso walang kwenta nangawit lang legs ko. Mga sinungaling sila! Mababaog sila!

Bumaba kami at mukha silang masaya ng makita nila ako, lahat sila nakangiti pwera kay pa-girl. Che, binalikan ko sila ng matamis na ngiti. Nag hahi-hello lang sila sa akin, halatang masaya silang makita ako pero hindi sila komportable sa akin. Isa isa silang nagpapakilala pero patawarin nawa dahil sa dami nila ay wala akong matandaan.

Ang natatandaan ko lang na pangalan yung yung pagirl, Edwardo pero gusto daw sa kaniyang itawag Angelina. Medyo malayo pero sige pagbigyan natin ang hiling ng isang lalaki.

Kung inaakala niyong pormal ang party nagkakamali kayo. Akala niyo may mahabang table, may fancy plates at mugs, may orchestra diba kasi kapag nakita niyo talaga yung bahay na ito parang kahawig ng palasyo ng mga hari at reyna sa britain tapos may chandelier...

Nagkakamali kayo dahil pang wrecking ball ang nakasabit sa itaas ng kisame. Isang disco ball, malakas na tugtugan ang dami pang mura ng kanta, puro usok dahil naninigarilyo karamihan sa kanila.

Nakaupo ako sa tabi ni Kick Pepe slash Flint at nakaakbay siya sa akin habang nakapalibot ang mga mataas niyang tauhan sa amin. Nagkekwentuhan sila at buga ng buga ng usok sa kanilang mga bibig akala mo tambutso. Ako nganga sa kanila, straight face tapos nangangasim ako minsan pag hindi ko makayanan yung sigarilyo nila.

Sa malapit na table may microphone. Lumayo ako kay Flint at kinuha ang mic at bilang isang certified attention grabber eh nag salita ako sa mic kahit hindi nila ako kilala.

"Kung maari lamang po, pwede paki hinto muna ang paninigarilyo dahil nahihirapan ako huminga- ay pst! Hoy OA 'to dalawang tabago sa bibig pst tigil mo iyan." Ngumuso ako sa malaking tao.

Syempre napatingin ako kay Flint na taimtim siya nakatingin sa akin at sa totoo lang hindi ko maiwasang mamula at hindi ko alam kung bakit kaya huwag niyo na lang tanungin. Basta feeling ko tuwing tumitingin siya sa akin pati yung kaloob-looban ng katawan ko tinitignan niya.

Nilihis niya ang tingin at natuon sa mga tauhan niya. Tahimik ang lahat at naghihintay ng approval. Nanlaki yung mga mata ko ng bigla siyang tumango at pinapayagan niya ang utos ko na sundin ng kanyang mga tapat na tauhan.

Lahat napagroan dahil kahit pa ayaw nila ang naisip ko at dahil sa utos ni Flint kailangan nilang gawin iyon. Sinawsaw ko sa tubig yung sigarilyo ni Flint at iniwan na lang doon.

Masaya akong bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Flint, kunot ang noo na parang may naiisip at gustong itanong o sabihin sa akin malay ko basta may gumugulo sa kanya.

"Kick Pe--" pinutol niya ako dahil parang ayaw niya talagang tapusin ang sasabihin ko.

"Flint." pagtatama niya, ay nakalimutan ko.

"Pasensya na Flint naman talaga tawag ko medyo confuse beh sorry na beh." nagpout ako, natawa ako ng nandiri siya sa ginawa ko kaya inasar ko na lang ulit. "Beh beh beh." tumawa yung mga nakapaligid sa akin at bumalik ang tugtog at kasiyahan.

"Miss Gweneth." napatingin ako kay... Kay... Napangiti siya dahil nahalata niya atang hindi ko siya matandaan. "Lloyd po."

Kinantyawan ko siya. "Woah lakas maka John Lloyd Cruz." nagtawanan sila syempre pwera kay Angelina na nasa kabilang tabi ni Flint at si Flint mismo. Yung isa bitter yung isa, hindi tao haha.

Naisip ko bigla wala pa akong code name gusto ko may code name ako. "Call Me Inday Pepe." tumingin ako kay Flint dahil inasar ko lang siya huwag lang mapikon tanggal ulo ko kapag sinapak niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin.

Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon