Kabanata 9

60.3K 2.2K 48
                                    


GWENETH

Tinanggal ko ang kamay ni Benedict na nasa likuran ko at pinauna siya sa paglalakad. Hindi siya tumingin ulit sa akin, hindi siya lumingon, hindi niya ako binalikan dahil alam niyang hindi ako komportable sa kanya. Hinintay ko lang si Flint na tumabi sa akin.

"You must explain what's going on right now." bulong niya sa akin at nilagpasan niya ako. Nakatayo lang ako doon at hindi makagalaw, pinagmasdan ko ang lahat na nakaupo sa isang mahabang mesa. Kulay puti iyon, may mga ibang tables rin sa loob pero pabilog.

May kamay na nakapatong sa likuran ko. "Miss, kumain na po tayo." ngumiti sa akin si Hansel. Tumango ako at sumunod sa kanya.

Hinila niya yung isang upuan para sa akin. "Thank you." bulong ko, tumango naman siya. Katabi ko si Hansel at si Flint. Si Flint ang nasa dulo sa kabila naman wala, walang tao doon kasi walang upuan. Sa harapan ko si Benedict na katabi si Emerson.

Ngayon naalala ko na. Si Emerson ang laging kasama ni Benedict tuwing bumibisita sa amin pero hindi siya lumalapit sa akin. Sabi rin ni Benedict driver niya.

Nagkakilala kami ni Benedict, 12 ako habang siya 11. Paano? Kasi may pacontest sa amin pinasali ako ng mga kaibigan ko sumali naman ako tapos naging judge yung mama at papa niya. Nandoon din siya dahil may special number siya teach me how to dougie at doon ako nagkacrush sa kanya. Naduduwal ako kapag naalala ko 'yung Daniel Padilla phase niya.

Nagtapat kami na gusto namin ang isa't isa. Noong 15 kami, at araw na rin na yun ay nagpaalam sa akin si Benedict dahil aalis na siya hindi ko alam kung saan pero sabi niya babalikan niya ako. Pagbalik niya daw nasa tamang edad na kami para magkatuluyan.

Putragis 25 na ako wala paring boypren kasi hinintay ko siya. Halos 5 taon ako naghintay at hindi ko pinaabot ng pang 6. Nang nag- 20 na ako wala ng nanunuyo sa akin, walang nagkakagusto tapos.. Wala na rin ang papa ko. Wala na akong pakielam sa suot ko pangit o hindi trabaho na lang ang nasa isip ko. Kasalanan nang katangahan ko, pasensya minor de edad.

Pero mapunta tayo kahapon, bakit iba yung suot ko kagabi. Pangalawa alam ko naglasing ako first time yun pero bakit ako naka t-shirt lang at kanino yun?

Sila nagsisimula ng kumain pero ako mukhang bothered dahil sa kahapon.

"Paano nga pala ako nakaakyat sa kwarto? Atsaka kaninong shirt yung suot ko kanina?" biglaang tanong ko lahat sila nagawi ang tingin sa akin.

"*cough* *cough*" bigla nabulunan si Flint, naglanding yung mga mata ng tauhan ni Flint sa kaniya. Naalerto naman ako.

Nilapit ko yung upuan sa kanya at inabot yung likuran niya para himasin. Nilagyan ko ng tubig yung baso niya. "Oh.." binigay ko sa kanya yung tubig at ininom niya ito. "Dahan dahan kasi kumain mahina kalaban." sabi ko sa kanya.

Pagkaubos niya ng tubig ay ibinalik niya yung baso sa mesa. Napaiwas siya ng tingin, dumako kay Benedict.

"Where's Xam?" wala man lang sumagot sa tanong ko. Oo na lang Gweneth.

Sam? Hindi Xam? Hindi Xamantha? Marami namang ganyan iisa lang kilala kong sam na x yung simula karamihan s simula siguro ibang tao yung kilala nila sa kilala ko.

"She's---"

"I don't know your name but excuse me miss I saw you from across the room"

Nag ring kasi yung phone ko kaya siya napatigil, napakapa ako kung nasaan yung phone ko. Pero nanigas ako ng maalala ako.

"Ay sorry nagriring yung phone ko."

Una walang bulsa ang damit ko. Pangalawa nasa itaas ang phone ko. Pangatlo, iniba ko na ang ring tone ko. Pang apat, isa lang ang kilala kong may ganyang ring tone dahil nag sumpaan kami na hindi namin iibahin yung ringtone na yun dahil theme song namin yun.

Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon