Kabanata 6 - I'm Here Because?

76.4K 2.1K 62
                                    

Six


GWENETH

Hindi ko alam kung bakit ayaw magpakita ni Flint kay Nanay. Tuwing hinihila ko siya papasok ng kwarto ni nanay ayaw naman niya. Kaya nagpaalam na lang kami kila ate at kuya, yeah nagkita na si Flint at ang asawa ni Ate. Minsan natatawa na lang ako tuwing sinasabi ni kuya na alagaan ako.

Nagpapatawa ka kuya eh ang boyfriend kuno ko bestfriend ang kamatayan.

Parehas na kaming na sa kotse nag aya akong magpatugtog. "Aray!" pinalo niya yung kamay ko kaya napalayo naman ito sa radyo.

"Don't touch it mamaya papatugtugin mo na naman yung kanina mo pa nire-rewind." naiinis niyang sabi, nag-cross arms ako at padabog na sumandal sa upuan. Ang arte para nga maniwala na ako eh.

"Put on your seatbelt." inabot niya yung seat belt sa dulo ko, biglang napalayo yung ulo ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko maiwasang iadmire yung mukha niya, siya yung tipo ng lalaki pag gising mo nakahubad parati at may breakfast in bed ka, siya mismo yung pagkain joke. Tapos pag-gising mo rin nakahubad ka din pala yun pala di ka na virgin.

Bigla siyang napatitig sa akin, hindi ako makahinga sa lapit ng mukha niya shh shh puso hindi ngayon battle of the bands para mag ingay ka!

"Ang pangit mo." At mabilis na bumalik sa upuan niya. Pota nasira yung moment ko sa kanya, ampogi nga ang yabang naman.

"Hindi ako yung pangit, yung porma ko lang huwag ka ngang ano diyan!" rason ko kung bakit ako pangit, hahaha may rason pala yun. Inistart na niya yung kotse niya.

"Sinisi mo pa damit mo eh wala ka ng pag-asa." minsan kailangan mo na talagang tumahimik para hindi ka na masaktan. Nagsalita pa kasi ako kita na ngang laging may sagot si Flint kahit hindi tinatanong. Bwiset.

Ay may naalala ako speaking of kasuotan bakit yung damit niya pang business man diba Mafia Boss siya?

"Pst." sumulyap siya sa akin at bumalik sa road yung tingin niya. "Bakit naka suit ka diba Mafia Boss ka?"

"I'm the boss natural lang na magsuot ng suit and I'm a businessman." Cool na sagot niya.

"Pero, yumayaman ka sa pagpatay?" bulong ko. Sinulyapan ako na para bang tinitignan niya kung kakayanin ko pa ba ang topic.

" Yes. Since they are already dead, the group who took them down will be taking over their territories and business." Walang bahid ng kahit anong takot o konsensya sa boses niya. Kaswal niya itong pinapaliwanag sa akin.

"Sinasayang niyo ang buhay niyo." Tulad ni papa. Imbis na alagaan nila ito at mahalin ang natitira nilang kaarawan habang may pag hinga pa sila eh siya namang alok nila sa demonyo ng buhay nila.

Parang hindi niya ako narinig.

"Saan ba tayo pupunta?" tumingin ako sa kanya, nakita ko ulit yung tattoo niya sa likuran ng tenga. Ang cool talaga nun.

"Sa mansion ko but I call it our base, ipapakilala kita sa mga tauhan ko. We will hold a celebration para matunugan ng kalaban natin na may girlfriend na ako at soon to be wife." bakit parang hindi siya masaya nung sinabi niyang soon to be wife. Hindi naman sa pag aano pero ganun ba talaga ako kapanget?

"Oh tapos susugurin tayo, tapos babarilin tayo, tapos mamatay tayo yey!" sarkastiko kong sabi at tinaas ko pa yung dalawang kamay ko na parang natutuwa.

Ngumisi siya at umiling. "Don't worry may rules dito, hindi kami makikipag-away sa asawa ng iba pero." nag red yung stop light, pinatong niya yung siko niya sa manubela at tumingin sa akin. "Pwede namin silang agawin."

Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon