Kabanata 15

60.5K 1.6K 129
                                    

GWENETH

Minsan iniisip ko kung ano ang nauna, yung itlog o manok. Pero bakit ko pa iisipin 'yun kung pwede ko namang pagmasdan ang itlog ni Flint. 'Yung itlog niya na nasa ref may tatak pang savemore.

Kanina nahihiya ako sa ginawa ko, sana nakinig na lang ako.

Kasalukuyan ako na nakaupo sa hagdanan sa may pintuan at hinihintay ang pagdating nila Flint. Hindi ko iniinda itong sakit at bigat ng pakiramdam sa likuran ko, ganun pala ang feeling ng mabaril parang hinalukay 'yung katawan mo.

"Pumasok ka na sa loob, hapon na mainit at kailangan mong magpahinga." biglang dumating mula sa likuran ko si Angel at tumabi sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Hindi ka na mataray sa akin, yiee ikaw ah nahahalata na kita may crush ka saakin 'no? Yiee." niloko ko siya, nagkukunwari siya ng dumuduwal.

"Sandali girl susuka muna ako." biro niya sa akin at tumawa naman ako. "Ganoon lang ako sa una pero sa tingin ko hindi ka naman magugustuhan ni Kick Pepe kaya okay lang sa akin nalapitan mo siya hindi ko yun ikakaselos hmp." napailing ako at humagikgik ako kasi nalalaman ko na talaga kung sino si Angel.

"Gusto kita Angel." seryoso kong sabi pero syempre joke lan yun. Halos mamutla siya.

"Miss Gweneth mandiri ka nga sa sinasabi mo." pakiusap niya sa akin, tumawa ako ng malakas at bigla akong naggroan sa sakit at humapdi lalo 'tong tama ko sa likuran. Na alarma naman si Angel. "Miss Gwen?"

Umiling ako at tinaas 'yung thumb ko. "Okay lang ako."

Nakarinig kami ng gulong ng kotse at napatingin kami sa harapan. Bigla akong kinabahan at nagmadali akong bumaba para salubungin sila, unang bumaba ay si Kick Pepe na lumabas galing sa Audi S3. Masama siyang nakatingin sa akin at nagngingitngitan ang ngipin.

"Bakit ka na sa labas?!" Iyon kaagad ang bungad niya sa akin, sigaw. Napatigil naman ako bigla, medyo malayo pa lang siya sa akin.

"Ito naman parang tatay ko. May nangyari ba sa inyo na masama? Saan kayo nagpunta? Okay lang ba kayo? May nasaktan ba sa inyo?" sunod sunod kong tanong sa kanya, tinignan ko silang lahat wala namang galos o ano sa kanila. Salamat naman, baka mamaya nakipag patayan na naman sila.

"Ikaw! I told you to rest, what are you doing outside? Fvck Gwen bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo!?" medyo napatalon ako sa gulat sa bawat bitaw niya ng mga salita na pasigaw. Lahat sila tahimik at nakatingin sa amin.

Nagbi-blink lang ang mata ko, mabilis na tumitibok ang puso, 'yun lang ang tanging gumagalaw sa katawan ko. Kasi itong utak ko na stuck na, hindi ko rin alam kung anong ikikilos dahil sobrang galit siya, at inis ko. Nakakainis ako sa kaniya kasi galit siya sa akin, alam kong immature pero iyon ang nararamdaman ko. Wala rin ako magawa eh kasi alam ko na may kasalanan ako.

Nagpapaligsahan ang nga mata namin, siya galit na galit at ako imbyerna.

Parang gusto ko ng magback out sa lahat ng ito. Pero tinawagan ako ni Mama umiiyak at sobrang tuwang tuwa. 'Yung parang ang makilala ko si Flint ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin. Ako kumakain ng masarap dito, humihiga sa malambot na kutsyon, komportable ang buhay at protektado basta ba'y marunong ako sumunod.

Pero habang kasama ko sila feeling ko nakikipag chat na ako sa kamatayan.

"Sorry." Nagpakumbaba na lang ako pero rinig sa tono ng pananalota ko 'yung pilit ba

"I don't need that right now, get inside. Now!" madiin niyang pagsasalita. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumalikod na ako na abutan kong malungkot na nakatingin sa akin sila Mikee. Nasa labas na pala sila kasama si Angel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon