GWENETH
"Mabilis ka naman pala makausap, mag-seat belt ka." may parang kinukuha siya sa ilalim ng upuan niya.
"Ha?" Patanong na saad ko. Biglang lumiko si manong at bumilis yung takbo ng kotse. "Ay!" napasubsob ako sa dibdib ni ano, ni Kick Pepe. Ano ba 'yan ang awkward naman ng pangalan niya, nasanay na ako. Flint, Flint ang pangalan niya.
"Tss, huwag mo ako pagsamantalahan, doon magseat belt ka." Tinulak niya ako at tumama yung ulo ko sa salamin. aba samsung ng ina nito! Tinignan ko siya ng masama pero ginawa ko na lang yung sinabi niya na mag-seat belt ako.
Kapal ng mukha, ako mangtatsansing? Psh hindi ko ugali yun, nangsusunggab ako hindi ako nananching, pang weak lang yun.
"Hoy! Anong hawak--- ay Pepe!" napatili ako at napatakip ng tenga ng may narinig akong putukan ng baril. May hawak na siyang baril at hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon!
Binabaril na kami my goodness!
Bullet proof itong kotse, astig. Astig din na malapit na akong mamatay. Ansarap magmura. Napansin ko na ibababa na niya 'yung bintana niya syempre natakot ako mamaya mamamatay siya. Ayos lang naman na mamamatay siya huwag lang sa harapan ko, joke.
Concern lang ako dahil umoonti na ang lahi nila, lahing pinagpala ng may kapal. Badtrip lang dahil yung hobby niya ay ang pakikipaglaro sa kamatayan. Baka nga bestfriend niya at maging close ko pa. Huwag na uy!
Hinila ko siya. "Sandali lang anong ginagawa mo?!" bulyaw ko sa kaniya, tumaas lang ang kilay niya.
"About to shoot?" Sarkastiko niyang sagot.
"Pero bakit?" pinagpapawisan na ako, shet naiihi na ako.
"To kill?" agad ko siyang binitawan at bumalik sa upuan.
"Kung makapatay 'man kami sana ho siya lang ang sisihin niyo, biktima lang ho ako dito. Wala akong kasalanan diyos ko kayo na pong bahala sa akin at sa lalaking katabi ko-- ay!" napatili ako ng biglaan na naman kaming lumiko at nauntog na naman ako. Big time. Paglabas ko dito sa kotse na 'to pustahan may chocolate hills na ako sa ulo.
...kung makakalabas ako dito ng buhay. Bigti na girl.
"Hoy manong! Easyhan mo lang."
"Ang daldal." naiiritang bulong ni Flint.
"Ikaw nga ang baho ng pangalan mo eh." Sobrang hina na sabi ko.
"I fucking heard you." nanggigil na balik niya sa akin.
"Boss may back up na tayo." ay si koya snobber. Napansin ko na walang tao sa mga dinadaanan namin, ngayon pa lang ako nakapunta dito sa lugar na 'to.
"Okay, Miss cover your ears." dumungaw siya at nilabas ang kalahating ng katawan niya.
"Ay!" napapatalon ako sa gulat tuwing naririnig ko siyang bumabaril. "Diyos ko.." bulong ko at mariing tinatakpan ang tenga. Mariin ding nakapikit ang mga mata ko. Wala akong nakikita pero nararamdaman ko ang mabilis ng pagtakbo dahil kanina pa ako umaalog! Nakatakip man ang tenga ko pero walang kwenta yun dahil naririnig ko pa rin yung pagputok ng baril.
Tumingin ako sa dinadaanan namin, teka dating bangketa 'to ah. Dito kami dati nagtitinda bakit wala ng kagamitan at tao dito? Napatingin ako sa gawi ni Flint bigla atang lumuwa ang mga mata ko ng makita naninigarilyo siya. Seryoso ba? nagawa pa niya 'yan sa kalagitnaan ng sitwasyong to?
Tumigil na ang barilan, hindi ko maiwasang lumingon at tignan yung mga taong sumusunod sa amin. Tumigil na ito at patay na lahat ng nakasakay doon.
Sa nakita kong 'yon.... Nangilabot ako sa takot. Halos lima sila pero isang tao lang ang nagpatumba sa kanilang lahat, bumilis ang tibok ng puso ko. Habang pumapasok sa loob si Flint nanginginig ako sa takot.
BINABASA MO ANG
Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)
RomanceWarning: strong languages and violence (this is far from reality xox) CURRENTLY EDITING