Kabanata 5

75.1K 2.1K 193
                                    

GWENETH

"Cause baby now~ Take me into--- cause baby now~ take me--- baby now~"

"Kanina mo pa inuulit ulit yang part na yan, ano bang meron diyan? naiirita na ako!" naiinis na sabi ni Flint. Nasa loob kami ng kotse niya.

"Shh!" nilagay ko yung middle finger ko sa labi niya para patahimikin siya at agad na inalis.

Nagco-concentrate ako kasi habang nasa lap ko si Utoy at hawak ko ng maigi kanina ko pa nirereplay yung Thinking out loud sa part ng 'baby now'

"Hinahanap ko yung baby na nagsalita nagko-concentrate ako, trending 'to." patuloy ko paring pinapakinggan yung kanta at inuulit sa parteng yun.

"You're crazy..." hindi makapaniwalang sabi niya. "Imbis na sana pananamit mo iniisip mo na nagpapadagdag ng edad sayo at pati yang sobrang haba mo na buhok."

Na offend ako sa sinabi niya, napahawak ako sa dibdib ko. "Aray ko beh, pag ako gumanda who you ka sa akin. Pwe!"

"As if." masungit nyang sabi. Inirapan ko nalang at tinuon ang pansin sa pagrerewind ng thinking out loud. Magdrive lang siya ng magdrive nangingielam pa kasi eh.

-----------

"I'm the Doctor of Misis Gonzales." nilahad ni Doktora yung kamay niya, kinuha naman yun ni Flint.

"Flint, her .." nagtama ang mga tingin namin. "close friend." at binalik niya ang tingin niya kay Doktora.

"Oh I see, have a seat." umupo kami ni Flint sa patient chair.

Kakarating lang namin ni Flint pero hindi siya nagpakita kila mama at ate. Ako at si Flint lang pumasok sa room dahil binigay ko si utoy kay ate. Kung bakit siya nandito? Syempre sinundan niya yung kagandahan ko.

Biro lang. Sa katunayan nga tulad ng napagkasunduan pumayag ako at kaagad naman niyang tinupad ang usapan. Nandito siya para bayaran ang gastusin pati yung mga gamot na dapat bilhin, bibili na siya. Seryoso amoy pa lang niya bigtime na kaya siguro bigtime rin yung ano... D.. Duck nila.

"Doktora eh pwede na po bang umuwi ang nanay ko? May pambayad na po kasi ako." magalang na tanong ko sa kanya. Lumaki ang mata niya.

"Ay oo naman syempre naman hija." sabi niya tapos may kinuha siya reseta ata. "your mother needs to drink multi-vitamins and ferrous sulfate bitamina yun sa dugo. " sinusulat niya yung mga dapat bilhin. Umangat ulit ang ulo niya at tumingin sa akin. "About sa medical ng nanay mo, are you willing?" pinaalala niya yung treatment na diniscussed niya nung huling punta ko.

"Excuse me." napatingin ako kay Flint.

"Saan ka pupunta?" naguguluhan kong tanong, excuse me daw. Mag si-cr ba siya? Sinamaan niya ako ng tingin.

'Tanga' bigkas ng bibig niya, sabay irap. Ay taray.

"I already sent someone on the accounting."

"Okay." sabi ni doktora. "Just a second mag bigay lang ako ng reseta. Paano inumin, then  may papasok na pharmacist ika-counsel kayo  ha?" tumango naman ako at nginitian siya.

Nag start na niyang sabihin kung anong mga iinumin na gamot tapos umalis ma siya, hinintay namin saglit 'yung pharmacist dala ang mga gamot,sinasabi mga bawal at kung kailan at paano inumin ang mga gamot.

Saktong paglabas ng pharmacist, biglang tumunog yung phone niya kaya natigil ang war sa pagitan namin. Sayang hindi pa naman kami tapos sa banatan.

"Hello?" nakakunot na sabi niya, unti unting nawala yung kunot ng noo niya at nag smirk. "Oh, Big Pooh?" nakangisi niyang sabi. Hinahaplos haplos niya yung baba niya at hindi naaalis ang mayabang niyang ngiti sa labi.

"Really? Your girlfriend is like a victorian secret model?" tumingin naman siya sa akin, diretso sa mata ko. Ewan ko pero bigla akong namula shet ang pogi niya tumitig sa akin nakakatunaw ng panty. Ayan na butas na ata panty ko.

"My woman? Wel..." mukhang Lily Collins. Sabihin mo Lily Collins! "Kamukha ni Golum." napabusangot ako. G*go 'to ah. "Hahaha I'm serious... Go ahead, tell it to everyone." he smirked at me. "She wil be everyone's queen." at binaba na niya yung phone niya.

Inikutan ko siya ng mata. "Tch okay na ako sa queen." tapos miniddle finger ko siya. Umiling naman siya at binalik sa bulsa ang phone. Biglang may kumatok sa pintuan, hindi na niya hinintay pa na may magbukas nun.

Napanganga ako ng si ate pala ang pumasok paglingon ko. "Oh bakit gulat na gulat ka?" lumapit siya sa akin at tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni doc? Paano mo nga pala nabayarang ng isang bagsakan lang Gwen?" curious na tanong ni ate. May tumikhim. Nabaling ang atensyon namin kay Kick Pepe.

"I paid it. I'm Flint, her boyfriend." seryosong sabi ni Kick pepe at nilahad ang kamay kay ate. Aba kanina friend ngayon boyfriend na, lumevel up ang beauty ko.

Yung mata ko napunta ulit kay ate at bumalik ulit kay Flint hanggang sa pasalit salit lang ako sa kanila. Nagtititigan kasi silang dalawa ni magblink ay hindi magawa. Nanginig ako sa gulat ng biglang malakas na humalakhak si Ate at hinampas ako sa braso. Napa-'aw' ako at hinawakan yung braso ko.

"Hahaha nagpapatawa 'tong bagong pasyente ni Doktora hahaha! Grabe hahaha." pinapanood lang namin ni Flint si Ate. Muntanga siyang tumatawa mag-isa pero tumigil siya ng napagtanto niya na seryoso kaming dalawa.

Bigla niyang hinawakan ng mariin ang mukha ko at pinandilatan ako. "HINDI KA NA VIRGIN?!" ayan na naman 'kami.

"Ate virgin pa ako! Berhen pa ako kasing puti ng ngipin ng boypren ko huminahon ka!" pinalo ko yung dalawang kamay niya, huhubels namumula siguro yung mukha ko dahil sa kamay niya.

Nalungkot naman siya sa sinabi ko at pinaglaruan ang kanyang mga daliri. "Alam mo Gwen, nung 29 ako di na ako virgin." sabi ko na nga dito kami mapupunta! Ditong usapan kami mapupunta! "30 na akong nabuntis, alam mo ba ang mahirap magbuntis ng ganung edad?" malungkot niyang sabi, nabaling ang tingin ko kay Flint.

Nakacross arms siya at tumatango tango habang nakapikit. Nakikinig siya kay ate, yung totoo?

Bumalik ulit ako kay ate at napalayo ang mukha ko ng hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Tapos may boyfriend ka na hindi mo pa ginagawa yun? Kailangan niyo ng gawin yun Gwen para hindi ka mahirapan sa panganganak. Sa kanya mo na isuko ang perlas Gwen. Mas mabuting maaga kang masaktan." nalaglag yung panga ko.

"Ate kung ano anong pinagsasasabi mo?" hinawi ko yung kamay niya. "Hindi ako namimigay ng perlas dyamente lang at hindi makukuha ng isang maf-" muntikan na ako madulas.

Si Flint, madilim na nakatingin sa akin. Yung aura niya parang sa horror movies. bukod sa kapogian niya na nakakamatay at pati na rin ang ngiti niya, yung tingin niya sa akin parang pinapana ako ng pagmamahal.

Pak walang pagmamahal apoy pala yun na may kasamang asido!

"Maf? Mop? Janitor ka?" Tanong niyq kay Flint. bumalik ang tingin ko kay ate pinagpawisan ulit ako.

"ahm.. nag extra hehehe  Aktor siya." yun yung unang pumasok na salita sa isip ko.

Nagulat si Flint at nag react sa sinabi ko."What the--" kaso naputol siya.

"Artista ka?" bulong ni ate, nakatingin lang siya kay Flint. Halatang naguguluhan si Flint at hindi alam ang isasagot.

Ngitnitian ko siya ng malaki, labas buong ngipin pati gilagid. Pinandilatan ko siya at palihim akong tumatango para sabihing sumang-ayon siya. Kumunot yung noo niya pero tumango na lang siya hahaha yung mukha niya parang uminom ng panis na gatas.

"Waaah! Gwen hindi ka na talaga virgin! Yehey! Sasabihin ko 'to kay mahal. I'm happy for you!" at niyakap niya ako. Napanganga naman ako at natuod.

Dahil ang tingin ni ate sa mga artista sa totoo lang ay liberated kaya kapag may narinig siyang magjowang artista ang iniisip niya kaagad hindi na sila virgin.

Napaface palm ako. Imba si ate hindi na makatarungan.

---

edited by: AstridFlair

Kidnapping The Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon