Chapter two

545 9 0
                                    

Chapter two

"Eika!" Sigaw ni Rafael sa papalayong si Eika.
"Eika..." Narinig nyang bulong ni Jack.
"Ewan ko sayo pare!" Naiinis na sabi ni Xander at naiinis na umalis na si Xander at hindi na pinansin ang kaybigan. Nagulat na lang si Rafael nang makilala nya kanina ang dalawang kaybigan nya na nag-aaway.
Pero mas ikinagulat nya ang nalaman nya na si Eika na ex Jack at si Eika na nakilala nya kanina lang ay iisa.

Ang babaeng nasaktan nang pagtulakan nya ang kaybigan na si Jack na balikan ang babaeng dati nyang minahal.
Muling nagflashback sa isipan nya ang ngiti at tawa ni Eika kanina habang nasa sasakyan sila.
Hindi nya lubusang maisip na yon ang nawala dahil sa pagtulak nya kay Jack na balikan si Rea.

"Pare, hindi ko naman sya gustong saktan." Nahahapong napaupo sa mahabang hagdan sa tapat ng building si Jack.
Unti-unting nagsilisan na ang kaninang nanonood sa mga ito.
Umupo si Rafael sa tabi ni Jack.
"Hindi ko naman talaga sya gustong saktan. Mahal ko si Rea kaya nagawa ko yon."

"Naiintindihan ko."

"Kung alam ko lang na hindi nya ako pipiliin, sana mas pinili ko na lang si Eika."

"Don't take her for a granted, Jack." Nasabi nya na lang.
"Totoo naman eh. Pagtapos kong iwanan at masaktan si Eika, bantang huli iniwan nya parin ako."

"Dahil alam nyang hindi tama ang ginawa nyo. Pumasok kayo sa iisang relasyon kahit na may karelasyon na kayong iba."
So much guilt and pain ang bumalot sa pagkatao ni Rea nung mga panahon na'yon kaya nagawa nyang iwan si Jack kahit na wala na sila ni Eika.

Oo alam ni Rafael masakit para sa parts ni Jack na iniwan nya na ang taong nagmamahal sakanya pero bandang huli ay wala syang napala pero kung sila talaga ang para sa isa't isa ay magkikita at magkakasama parin sila kahit ano'ng mangyari.

Napalingon sya sa may likuran nang may marinig syang pag-uusap.

"Ma'am! Wala pa po dito si Miss Eika! Umalis po sya habang nagkakagulo." Narinig nyang sabi ng isang babae sa kabilang linya.
Alam nyang ang panget na nakikinig sa usapan ng iba pero hindi nya mapigilang mapaisip...

Si Eika ba ang tinutukoy nya? Saan kaya sya nagpunta?

Bumalik sa alaala nya ang itsura nya bago sya tumakbo papalayo....
Umiiyak sya.
Tumayo na ito sa kinauupuan nya at walang salitang iniwan si Jack. Hahanapin nya ito.. Kung bakit?
Kahit sya ay hindi rin alam.

"Osige na Kate! Ako na ang bahala, iwanan mo na lang dyan kay Kuya Marc." Bilin ni Rafael kay Kate na syang kausap nya ngayon sa phone.

Hanggan ngayon ay patingin-tingin ito ng bintana habang nagmamaneho. Hindi nya alam kung saan sya pupunta pero ayaw huminto ng utak nya kakaisip kung nasaan si Eika ngayon.
Naguguilty sya dahil sa ginawa nyang pagtulak kay Rea at Jack.

"Robi, kasama mo parin ba si Miss- ano nga ulit ang pangalan nya?"

"Eika, and Kate, I'm not with her ok?" Nasabi nya na lang. Ayaw nyang magpaliwanag ng mahaba dahil baka mamaya ay nadaanan na nya si Eika at nakaligtaan nya lang.

Kababata nya si Kate kaya naman malapit sya dito. Kaya ngayong bago lang sya dito sa maynila ay pinangako nya dito na syang bahala dito... Pero hindi ngayon na may iba syang iniisip.

"Bakit hindi mo na lang ako sunduin?"

"Busy pa ako Kate. Mabait naman si kuya Marc." Kilala nya ang talyer na pinagdalhan nya ng sasakyan. Talyer kasi ng kaybigan nya ang tinawagan ni Rafael para ipickup ang sasakyan ni Eika. Malala kasi ang tama non kaya hindi nya yon ipagkakatiwala sa iba.

Our journey to falling in love.(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon