Chapter ten

319 12 0
                                    

Chapter ten

Napaangat ng ulo si Rafael nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at linuwa nyon ang kanyang tiyo Piks.
Tinanggal nya ang reading glasses na suot nya bago magsalita.
"Bakit po?" Takang tanong nya. Alam nya kasing hindi sya iistorbohin ng tiyo nya pag-alam nitong nagsusulat sya ng magiging soon to be book nyang storya.
Nitong mga nakaraang araw ay nagiging full time writer na si Rafael dahil hindi na sya lumalabas ng rantso nila dahil sa pinipilit nyang tapusin ang naka-hanger nyang story.

"May bisita ka!" Pagbibigay alam ng kanyang tiyo Piks. Gumuhit ang excitement sa mga mata nya pero kaagad na umiling ito bilang simbolo na hopeless nanaman sya.

Nitong mga nakaraang araw ay sa tuwing may bisita sya ay palagi syang umaasa na si Eika yon at babalik si Eika para patawarin sya, pero kagaya ngayon ay nagkamali nanaman sya dahil hindi uli si Eika yon. Gusto nya sanang puntahan si Eika sa maynila pero pinipigilan nya itong gawin.
Alam nya ang sama ng loob sa kanya ni Eika kaya naman ayaw nyang ipagpilitan ang sarili dahil kasalanan nya naman yon.

"Sino po?" Tanong na lang nya sa kabila ng pagka-bigla.

"Si Rea, may kasama sya eh." Napaisip naman sya. Bakit naman kaya sya ulit nito maiisipang bisitahin kung kakabisita lang nya dalawang linggo na ata ang nakakalipas.

"Sige po, babain ko po sil-" naputol ang sinasabi nya nang putulin sya ni tiyo Piks.
"Hindi na kaylangan, sinama ko na sila dito." Anito.
Naulat sya nang biglang sumingit ang ulo ni Rea sa pinto.

"Hi Robi!" Masayang bati ni Rea na biglqng isiningit ang ulo sa may pinto. "Hi?" Nasabi nya na lang na may pagtataka parin at syempre gulat. Maya-maya ay iniwan na sila ni tiyo Piks at bumaba.

"Hi Robi, long time no see!" Nabigla si Robi nang pumasok din sa kwarto nya ang kaybigan nya na si Jack.
Pinagsalit-salit nya ang tingin sa dalawang magkaholding hands na nasa harap nya ngayon.

"Magkasama kayo?" Gulat at taka nyang tanong sa dalawa kahit obvious naman ang sagot.

Sabay silang tumango ng nakangiti. Napangiti na din sya. "Bro, congratulations, buti naayos nyo pa ang relasyon nyo." Hindi na nya kaylangan pa ng maraming explanations dahil obvious namqn kung bakit sila magkasama.
Masaya sya para dito sa dalawang to. Masyado na rin marami ang pinagdaanan nila kaya mabuti na lang at nagkabalikan na silang dalawa uli.

Tumango tango si Jack bago sumagot.
"Yep, and thanks to... Mabuti na lang...!"

Tumango lang si Rafael sa kanila kahit naguluhan sya sa sinabi ni Jack na mahirap intindihin. "At may maganda rin kaming balita sa'yo." Sabi ni Rea. "Isa ikaw sa pinaka importanteng tao sa buhay naming dalawa kaya nag-punta talaga kami dito para ibalita ito." Rugtong pa nya.

"Ano 'yon?" Clueless sya sa mga pinagsasabi ng mga kaybigan nya. Sa totoo lang ay ang awkward sa feeling nya na kaharap nya ngayon ang kaybigan na si Jack.
Hindi naman kasi nito alam ang naging relasyon nito sa ex ni Jack kaya hindi nya alam kung ok lang ba 'yon sa kaybigan nya.

"Pare, ikakasal na kami." Masayang sabi ni Jack sa kanya na talagang ikinagulat nya.
"Seryoso ba yan? Oy pare congrats, pero hindi ba masyadong mabilis?" May pagdududa nyang sabi at pinaningkitan ang dalawa.

"Hindi naman, mahal na namin ang isa't isa kaya wala na kaming nakikitang ibang dahilan para hindi ituloy 'to."

Tumango lang sya dito. Sa totoo lang ay naiinggit sya sa dalawang 'to ngayon, na sila ayos na pero sila ni Eika hindi parin nagkakaayos.
Bigla naman syang nakaramdam ng pag-aalala para kay Eika.
Magkatrabaho lang silang dalawa ni Eika kaya parang imposible na hindi pa nya alam ang istado ng dalawa, at kung mahal pa nga sya ni Eika ay alam nyang nasasaktan ngayon si Eika dahil dito.

Our journey to falling in love.(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon