Chapter four

262 6 0
                                    

Chapter four

Nakangiting sinundan ni Eika ng tingin ang isang batang babae na tumakbo palapit sakanila ni Rafael nang makababa sila mula sa sasakyan.
"Kuya Robi!" Nanggigil na binuhat yon ni Rafael.
"Uy namiss kita Shy!" Pinaghahalikan nya ito sa pisngi sa sobrang panggigil nya.
"Namiss din kita kuya Robi!"
Buong madaling araw silang bumyahe papunta sa tagaytay at hindi na rin sya pumasok sa loob ng bahay nila, namili muna sila ng simpleng damit na gagamitin ni Eika bago nag-tuloytuloy na sa pag-punta sa tagaytay! Sa paraiso ng Valerio.

Napatigil sa paghagikhik ang batang si Shy nang mapatingin sya kay Eika.
"Kuya Robi? Sino po sya?" Tanong nya kay Rafael. Binalingan sya ni Rafael at ngumiti. Binaba nya si Shy at linapitan si Eika.
"Shy, sya si ate Eika," binalingan nya si Eika. "Eika, sya si Shy, sya ang pinaka bibo dito sa paraiso ng Valerio."

Dumukwang si Eika pababa para maabot ang maliit na batang si Shy kahit papaano. "Hello Shy!"
Kumaway si Shy sakanya na halos humiwalay na ang kamay nito sa braso nya. "Hello po ate Eika! Ang ganda nyo naman po! Bagay po kayo ni kuya Robi." Ngiting-ngiting aniya.

Natawa si Eika sa sinabi ni Shy at medyo namula pero hindi nya nalang tinanggi yon dahil busy sya sa pagtitig sa cute nitong mukha. Nakakagigil at napakasarap kurutin non.

"Nandon po si Tiyo Piks!" Turo nya sa isang parte ng farm at magiliw na tumakbo. Nagkatinginan sila ni Rafael ng natatawa.
"Napaka-cute ni Shy! Ang sarap kurutin." Anya.
"Mahal isang kurot!" At kumindat sya dito matapos ay hinatak nya ito sa pulso.
"Tara! Ipapakilala kita sa mga farmers dito."
Tumango lang ito at sumama nalang habang lumilingon-lingon sa buong paligid. Hindi nga nagsinungaling si Rafael dahil maganda nga ang buong paligid at masarap ang simoy ng hangin. Maraming halaman at mga puno sa buong paligid at maraming mga hayop na alagain.
May mga baka, kalabaw at mga kabayo na nasa-magkakaibang kulungan.
Maganda ang awra ng mga tao sa paligid.
Nawala ang atensyon nya sa pagtingin sa buong paligid nang binitawan na ni Rafael ang pulso nya at naglakad palapit sa nagkukumpulan na mga tao.
"Oy Robi! Nakabalik ka na! Hindi mo kasama si Kate?" Agad na tanong ng isang matangkad at may itad ng lalaki na yumakap saglit sa balikat ni Rafael.
Umiling si Rafael bago sumagot. "Hindi po, marami pa po syang gagawin sa trabaho nya. Pero wag kayong mag-alala, may tinitirhan na sya don tiyo Piks." Sagot nito.

Liningon sya ni Rafael at binalik ang tingin sa mga kasamahan na pinagtitinginan na sya ngayon. Iba't iba ang mababasa sa mga tingin ng mga ito sakanya, may pagtataka pero mas maraming namamangha.
Yumuko nalang si Eika sa pagkahiya. Pakiramdam nya ay anumang oras ay matutunaw sya sa mga tingin ng mga ito sakanya, gusto na nga nyang magpalamon sa lupa eh.

Napaangat ang ulo nya nang maramdaman ang presensya ni Rafael sa tabi nya.
"Ah mga tiyong, mga tiyang, sya po si Eika! Kaybigan ko po."
"Kaybigan lang?" May mapanuksong sabi ng isa pang gwapong nilalang na parang kaitad lang nya na lalaki.
"Oy Basty! Wag ka nga! Kaybigan ko palang ito." Bulyaw ni Rafael.
"'Pa'? Ibigsabihin may susunod pang level?" Pangungunsumi pa ng isang babaeng nakakahanga ang kagandahan.
"Alam nyo May-May, Basty, malilintikan talaga kayo sa'kin." Inis talong sabi anito.
Lumalit ang babaeng tinawag nya ng May-May sakanya ng may napakagandang ngiti.
"Hi! Ako si Maylyn, pero May-May o May nalang ang itawag mo sa'kin."
"Ako si Basty! Best friend nya kami wag lang masasagi sa nahimlay nyang utak ang pangalang Xander." Kumindat pa ito sakanya.

"Hi ako si eika." Nakangiting pagpapakila nya sa mga ito.


"Ano'ng masasabi mo sa mga tao dito?" Tanong ni Rafael sakanya habang hinahaplos ang buhok ng kabayo na katabi nya ngayon.
Ngumiti ito bago sumagot. "Masaya silang kasama at kausap Robi, napakababait din nila." Aniya. Robi na rin ang tawag nya dito dahil sa masyadong marami na ang tumatawag sakanya ng Robi at ayaw nyang maging naiiba sa mga ito.
"Lalo na si tiyo Piks, napakabait at napagaan nyang kausap." Hindi nya naramdaman na stranger sya sa mga ito, welcome na welcome nga sya eh, at kung gaano kabigat sa loob ang mga pangyayari sa maynila ay ganon kagaan sa loob sa paraiso ng Valerio.
"Oo, kahit sa'kin, si tiyo Piks ang nag-alaga sa'kin mula mapunta ko dito sa pilipinas, napakabait nya kaya mahal na mahal ko yon eh at ng lahat ng nakatira dito sa Paraiso."
Nakatingin lang ito sa mga kabayo habang nagkukwento habang sya ay nakatingin lang sa gwapo nitong mukha.
Mukhang proud na proud si Robi na ipagmalaki dito ang pag-aalaga sakanya ng tiyo Piks nya, pero sa hindi nya malamang dahilan parang nakabasa sya ng lungkot at dismaya sa boses nito.
"Robi?" Tawag nya dito. Nagbaling sakanya ng tingin si Robi.
"Asan yung parents mo? Bakit si tiyo Piks ang nag alaga sa'yo? Puwede ba na malaman?"

Sinundan nya ng tingin si Rafael nang lumabas sya sa kwadra ng mga kabayo, matapos ng ilang segundo ay sumunod na sya dito.
Nakaupo ito sa upuang kahoy sa tapat ng kwadra.
Tumayo sya don at nakanguso na nagsalita. "Oy sorry na, hindi mo naman kaylangan sagutin eh." Pakiramdam nya kasi ay kaya ito umalis dahil ayaw nitong pag-usapan. Nag-angat sya ng tingin sakanya habang sya ay nakayuko dito. "Nang mawala ang mama ko by sick sa America pa kami non, nag-iba na ang pakikitungo nya sa akin hanggan sa ayaw nya na kong alagaan at binigay nya ko sa kapatid nyang si tiyo Piks. Talagang hinatid pa nya ko dito sa pinas para personal na ibilin kay tiyo Piks hanggan sa nag-asawa na sya ng iba."

Our journey to falling in love.(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon