Chapter eight
"Umalis na sya?" Dismayado na nakatingin si Rafael sa pinsan nya na si May-May nang ibalita nito sakanya ang pag-alis ni Eika sa rantso.
Nabali lahat ng plano nya nang malaman nya ito.
Balak kasi nya ay bigyan lang ng space si Eika para makapag-isip at lumamig ang ulo nya pero suauyuin nya rin to kaagad at papatunayan na pinag-sisisihan na nya ang pagtatago dito ng sekreto.Ngunit ngayon na umalis na pala ito ay napatunayan na nya na ayaw na talaga sya nitong makita.
"Ang sabi nya alam mo daw uuwi na sya." Tumatango-tango na tugon ni May-May sakanya.Ngumiti sya ng peke tsaka tumango sa pinsan. "Oo, alam ko nga." Pagsakay nya sa sinabi ni Eika. Maari kasing kaya nya sinabi yon ay para hindi na sila masyadong magtanong.
"Eh bakit parang dismiyado ka?" Takang tanong nito. Umiling si Rafael. "Hindi, nanghihinayan lang ako na hindi ko sya naabutan."
Totoo ang sinabi nya, dahil nagbabaka sakali pa sya na baka mapigilan pa nya ito kung naabutan pa nya ito.Tinapik-tapik ni Basty sa balikat si May-May. "Wag mo ngang i-hotseat yang si Robi, wala sya sa presinto." At iningusan nya si May-May.
Binalingan ni Basty si Rafael.
"Robi, wag kang mag-alala, babalik daw sya pag may oras na sya." Matapos nya iyon sabihin ay hinakbayan nya na si May patalikod.Ngumiti muna si Rafael bago tuluyang timalikod ang dalawa, ngunit pagkatalikod nila ay agad na nawala ang ngiti nya. Gusto nyang paniwalaan na babalik pa nga ito pero hindi nya alam kung kaylangan pa ba talaga nyang asahan yon kung sa palagay nya ay ayaw na sya nitong makita kaya kaagad syang nag-pasya na umalis.
Hindi nya alam kung kaylangan pa nyang umasa dahil hindi nya na alam kung ano ang panghahawakan nya, kahit kasi gusto pa nyang suyuin si Eika ay hindi naman talaga sya sigurado kung magtatagumpay pa sya dahil hindi nya alam kung mahal ba talaga sya nito o ang mahal pa talaga nito ay si Jack.
"Nag-paalam ba talaga sya sa'yo?"
Napaangat ang ulo nya sa pamilyar na boses na bigla nalang lumitaw. "Kate!" Nasambit nya at tumayo tsaka yinakap ng mahikpit si Kate.
Naramdaman nya ang pag-hagod nito sa likod nya pataas at pababa.
Sa mga gantong pangyayari nya gustong gustong kausap si Kate. Kahit kasi hindi magsalita si Kate ay nararamdaman nya ang comfort sakanya ni Kate na kababata nya."Oh luwangan mo na, baka magselos si Josh!" Biro nya dito na dinamay pa ang boyfriend nyang si Josh.
Matagal ng magkarelasyon si Josh at si Kate, dahilan kung bakit walang nag-iisip ng kakaiba sa paggitan nilang dalawa kahit na sobrang magkalapit sila sa isa't isa."Sorry naman, namiss lang kita." Nakangiti nyang sabi dito ng humiwalay na sya kay Kate.
Tinap sya sa balikat ni Kate. "Hindi mo kaylangan na ngumiti, alam ko naman na hindi ka masaya kahit na nakita mo ko.""Kate naman, masaya talaga kong nakita kita."
"Oo pero hindi kayang takpan non ang lungkot mo."
Hindi na nakaimik pa si Rafael dahil totoo naman, kahit masaya sya dahil nagkita ng muli sila ng kaybigan nya ay malungkot parin sya sa kabila non dahil kay Eika.
"May naka pagsabi sa'kin na dinala mo daw si miss Eika dito." Hinatak ni Kate si Rafael paupo sa kanina nyang inuupuan.
"Ikwento mo naman sa'kin, hindi ako makontento pag hindi yung best friend ko ang nag kwento eh." Pangungulit ni Kate.tipid syang nginitian ni Rafael at nagsimula na syang magkwento.Magmula sa kwentuhan nila ni Eika sa sasakyan hanggan sa nagpahatid ito papunta sa building ng GCA at hanggan sa pag wa-walk out nito habang nagkakagulo si Xander at si Jack, nakakatawa lang isipin na nagpahatid sya don pero umalis din naman sya kaagad, sinabi rin nya kay Kate kung sino si Jack pati si Rea sa buhay ni Eika at sa buhay nya hanggan sa kakain dapat sila sa past food chain pero tumakbo ito at mas piniling kumain ng home cook na pagkain kaya dinala nya ito sa bahay nya at pinagluto sya.
Hanggan sa inihatid na nito sa bahay nya at bigla nalang nagdesisyon na sumama sa inaalok nyang trip, hanggang sa tuluyan na silang napalapit sa isa't isa at naging magkarelasyon na sila officially pero kinabukasan ay dumating si Rea na naging dahilan kung bakit nalaman ni Eika ang lahat sa maling ways.
BINABASA MO ANG
Our journey to falling in love.(completed)
RomanceCan the apologize replace the pain? Will the pain can replace the love?