Chapter six

249 5 0
                                    

Chapter six

Napabangon bigla si Eika sa higaan nya nang may tatlong katok syang narinig mula sa labas ng pinto ng maliit na bahay kubo na tinitirhan nya.
Tumayo sya kahit na nagtataka pa sya kung sino ang kakatok sa dis oras ng gabi.
"Rafael?" Nasambit nya ng pagbukas nya ng pinto ay si Rafael ang nandoon.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Gabi na ah."

"Ahh! Natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita?"
Mabilis syang umiling at ngumiti. Sa totoo lang ay sa hindi nya malamang dahilan ay hindi nya makuwang makatulog, kaya pasalamat nalang sya dahil naisilan syang daluhan ni Rafael ngayon.

"Tara, pasok ka." Nakangiting anyaya kay Rafael. Pumasok ito at pinatong sa higaan ang netbook nya na dala nya.
"Tumawag nga pala si Kate." Biglang sabi ni Rafael dahilan kaya bigla syang napabaling dito.
"Oh, kamusta na daw yung kotse ko?" Agad nyang tanong.
"Hindi pa daw okay. Sabi nga ni kuya Marc, yung may ari nung talyer, bumili ka nalang daw ng bago dahil sira na talaga yon."

Rumihistro ang simangot sa mukha ni Eika. "Ang galing nyo kasing magmaneho ng girlfriend nyo!" At iningusan nya ito.

"Hindi ko girlfriend si Kate!" Agad nyang tanggi. "Wala akong gusto sakanya, diba sinabi ko na sa'yo yan."

Tinaasan nya ito ng kilay na para bang hindi nya ito pinapaniwalaan. "Ang kulit mo! Ikaw nga ang gusto ko!"

Napabaling sya ng tingin dito ng may pagkabigla. Tumabingi ang ulo nya ng may paniningkit. "Totoo ba'yan? I mean yung una mong sinabi yon..."
Sumeryoso ang mukha ni Rafael at dahan-dahan na inilagay ang palad nya sa pisngi ni Eika.
"Oo, totoo yon. Ikaw lang ang gusto ko." Nang sabihin nya yon ay unti-unti nyang ibinaba ang labi nya palapit kay sakanya at unti-unting pinutol ang distansya nila.
Hinawakan nya sa balikat si Rafael para sana pigilan pero hindi yon pinansin ni Rafael at tinuloy ang pag-angkin sa labi nya.

Tinugon nya ang halik ni Rafael at linipat ang kamay nya sa likod ng batok nito.
Ngayon lang nya aaminin sa sarili nya ang nararamdaman nya. Akala nya pagtapos nyang masaktan ay hindi na sya matututong mag mahal uli, pero binago nya ang bagay na'yon at tinuruan sya muling magmahal.

Naramdaman nya ang dahan-dahan na pagtampi ng likod nya sa higaan ng marahan syang tinulak ni Rafael pahiga.
Mula sa panga nya ay unti-unti nyang naramdaman ang pagbaba ng kamay ni Rafael sa bewang nya.
Inilagay nya ang kabilang kamay ni Eika sa dibdib ni Rafael at pinakiramdaman ang malakas na tibok ng puso ng binata. Kasing bilis yon ng tibok ng puso nya ngayon.

Napatingala sya ng bumaba ang labi ni Rafael sa panga hanggang sa leeg nya pero agad na bumalik ang labi nito sa labi nya.

Hindi na nya alam kung ilang minuto ang lumipas bago nito bitawan ang labi nya. Pinapatong nya ang noo nilang dalawa at tinitigan sya sa mga mata nya.

"I love you, Eika." Hinihingal nitong bulong sa labi nya. Binigyan sya ng smack kiss ni Eika at ngumiti ng malambing.
"As I love you Mr Valerio." Tugon nya na nakapag-pangiti kay Rafael.
"Sinabi mong mahal mo rin ako?" Maligaliw nyang bulong. Tumango si Eika ng may ngiti. Mababasa sa mga mata nila pareho ang saya at pagmamahal na kumukumpleto sakanila ngayong gabi.

"I really really love you Mrs Valerio."
Pabirong kumunot ang noo ni Eika dahil sa tinawag sakanya ni Rafael pero ang totoo ay kinilig sya bigla dito.
"Ano'ng sabi mo?"

Tumawa si Rafael at muling inangkin ang labi nya pero hindi kagaya kanina ay binitawan nya rin agad ito.
"Sabi ko mahal kita!" Paggawa nya ng kwento.
Magaan ang kamay nya na hinaplos ang pisngi ni Rafael. "Mahal ko rin ang kakulitan mooo!" Matapos ay pinanggigilan nya ang ilong nito kakapisil.

Buong dawampu't apat na taong gulang nya ay ngayon lang sya naging ganto kasaya, oo nga't naging masaya syang kasama si Jack pero hindi kasing ganto kasensiritad na tingin at pagmamahal ang naparamdam sakanya nito.
Alam nya parin na may kahati sya kay Jack at yon ang pagkakaiba nila ng pagmamahal at pag-aalaga sakanya ni Rafael mula umpisa.

Our journey to falling in love.(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon