"I'm sorry.." Yan lang ang sabi ni Jack kay Eika habang nakaiwas ang tingin nito sa kanya.
ngumiti lang si Eika ng halatang peke.Bumuntong hininga ito bago pinilit magsalita kahit hindi nya alam ang dapat nyang sabihin.
"Kahit anong gawin ko talaga, hindi ka mapasa-akin ng buo."
Sabi nito na parang naiintindihan na nya ang lahat at sanay ng masaktan, kahit na sa totoo ay kahit kaylan hindi nya magawang masanay na paulit-ulit na saktan.
"Ano ba'ng kulang sa'kin? Bakit mas mahal mo sya?"
Pinigilan nyang mapahikbi dahil sa sakit na nararamdaman nya.
"Eika, bukas na natin to pag-usapan, lasing ka lang." Bulong nito at umiling-iling.Umiling lang ito at pinunasan ang luha nyang tumulo na galing sa mga mata nyang namumula na.
Oo nakainum nga sya, sya rin ang nag insist na pag-usapan na ito pero hindi kahit na gaano karami ang nainom nya ay hindi sapat yon para mawala ang sakit.
Umiling sya. "Ngayon na natin pag usapan 'to, wag na natin patagalin para naman atlis bago matapos 'tong araw na'to, alam ko kung sino ko sa'yo, anong papel ko sa buhay mo at para matapos na'tong pag-papakatanga ko, kakaiyak dahil sa'yo, kasi pag tapos na tayo, wala na kong karapatan umiyak at masaktan di ba?"Yumuko si Jack at nagsalita. "Eika minahal kita, maniwala ka. Hindi kita ginustong saktan, pero maniwala ka, minahal kita."
"Pero mas mahal mo sya? Tama ba?"
" I'm sorry.." Sabi nya sa malungkot na boses at puno ng pagsisisi
"Ang sakit pala ng may 'mas' noh. "
May muling pumatak na luha sa mga mata nya. Pupunasan nya sana yon, pero pinigilan nya ito.
"Mula nang makasama kita, hindi na'ko natakot masaktan kasi may tiwala ako sa'yo,"
Muli nyang pinunasan ang mga luha nyang muling kumakawala sa mga mata nya.
Tumingin si Eika sakanya at ngumiti ng mapait, ngiting may kasamang luha...
"Pero nagkamali ako."
Umiling-iling si Jack at hinawakan sya sa magkabilang pisngi.
"I'm sorry. Hindi kita gustong saktan, forgive me, please." He begged.
Hinawakan nito ang likod ng palad nito na kumukulong sa luhaan nyang pisngi.
"Sana nga ganun kadali..."
Tinanggal nya ang mga kamay nito sa pisngi nya
"Papatawarin kita kapag kaya ko na." Sinulyapan nya muna ito ng may lungkot sa mga mata nito.
Gustuhin man nyang magpatawad ay hindi pa nya kaya. Hindi nya parin maiwasang masaktan dahil sinaktan sya ng lalaking mahal nya.
BINABASA MO ANG
Our journey to falling in love.(completed)
RomansCan the apologize replace the pain? Will the pain can replace the love?