Chapter five

279 6 0
                                    

Chapter five

"Sigurado ka bang wala kayong relasyon?" Paninigurong tanong ni Basty.
Umiling lang sya at hindi sumagot. Kanina pa sya nakatitig sa screen ng netbook nya pero hanggan ngayon ay hindi nya parin magawang umpisahan ang sinusulat nya.
Nakakapag-type sya pero kaagad nya rin itong nade-delete dahil sa hindi sya maging kontento sa pilot non. Naihilot nya ang sentido nya. Hati kasi ang isip nya, hindi nya alam kung magsusulat ba sya o lalabas nalang sya at mas pipiliin makipag halubilo kay Eika.
Minsan kaylangan nya ng iwasan ito eh, bad influence.
"Pero may gusto ka?" Halos maalog ang utak nya nang lumuntag ang kama nya sa biglang paghiga dito ni Basty na kasalukuyan syang ginugulo.
Kanina pa kasi sya nakakulong sa kwarto at wala nisino man ang makapag-palabas sakanya kaya ginugulo nalang sya ng best friend-kinababata-pinsan nya.
Tinanggal nya ang reading glasses nya at sumusukong tinigna si Basty.
"Alam mo Dre! Busy ako. Next week na ang deadline nito! Baka gusto mo akong patapusin?"
Nagkibit ng balikat si Basty. "Sasagot ka lang kasi eh!"
"Basty, wala. Okay? Wala."
Muli nyang sinuot ang reading glasses nya. Sa totoo lang ay oo may gusto na nga sya dito. Bago pa man sila makarating sa tagaytay ay naintindihan nya na yon at naramdaman, hindi nya alam kung bakit at kung ano'ng pinaka nagustuhan nya dito, ang alam nya na lang ay gusto nya na ito.
"Weh? Totoo? Hindi ako naniniwala." Pangungunsumi pa sakanya ni Basty.
"Wala kang bruweba!"
"Hahanap ako."
Pinangkitan nya ito at hinagisan ng unan sa mukha.
"Lumabas ka na nga!"
"Talaga! Dahil kukuwa ako ng ibidensya!" Pagkasabi nya non ay lumabas na sya.
Napailing nalang sya sa pinsan nya.
Bumalik nalang sya sa pagta-type pero ganun parin ang nangyari, binura nya na lang uli yon.
Napatingin sya sa may pinto nang may kumatok don ng tatlong beses.
"Pasok!" Pagkasabi nya non ay bumukas na ang pinto at laking gulat nya nang iniluwa ng pinto ang babaeng dahilan kung bakit hindi sya makapag-trabaho ng matino.
"Oh? Bakit?" Agad nyang tinanggal ang reading glasses nya at sinundan ng tingin si Eika na umupo sa kama nya.
"Ayaw mo daw lumabas?"
Bumagsak ang balikat nya. "Si Basty ang nagpapunta sa'yo dito?"
Tumawa sya saglit at tumango.
"Bakit ba ayaw mong lumabas?" Takang tanong nya.
"Kaylangan kong taposing yung sinusulat ko. Next week na ang deadline."
"Next week pa pala ee!" Simangot na sabi ni Eika.
"Oo nga!" Sagot nya na may buntong hininga. "Kayalang wala pa akong pilot!"
Napakagat sa lower lips nya si Eika.
"Wala pa? Rafael, masyado na ba akong nakakaistorbo sa'yo, kaya hindi mo na naasikaso yan? Gusto mo umuwi nalang ak-"
"No." Malakas ang boses na pagputol nya dito.
"Hindi naman eh! Sadyang wala lang akong maisip na magandang pilot."
Tumango lang ito ng dahan-dahan.
"Halika!" Pinalo nya ang katabi nyang puwesto sa kama. Gumabang si Eika pasampa don at umupo.
"Tulungan mo nalang ako."
"Huh? Anong malay ko sa pagsusulat?"
"Isip ka lang ng magandang pagkakakilala nila! Baka sakaling maganda!"
Humawak si Eika sa may baba nya at nag-isip. Pasimple nyang tintitigan ang maganda nitong mukha. Mapungay ang mga mata nya na nakakapag-patagtag sa kagandhan nya, mapula ang mga labi nya pero alam na alam na himdi.yon ginamitan ng kahit anong kolorete. Napakagandang ito sa paningin nya kahit na alam nyang marami parin na mas maganda dito sa maynila, sya parin ang nakakuwa ng atensyon nya.
Napakurap sya bigla ng biglang pumitik sa ere si Eika at binalingan sya ng tingin.
"Eh ano kaya kung ilagay mo yung first meet up natin?"
Napatanga sya dito. "Bakit?"
"Kasi diba, parang napaka-laking aksidente lang ang naganap pero hindi lang pala basta aksidente yon, napakalaking pagpapago pala non sa buhay nila. tapos isipin mo nalang kung maiinlove sila sa isa't isa diba, parang people fall in love in mysterious ways! Kasi hindi mo inaasahan na yung taong nakabanggan mo, na akala mo kotse mo lang yung binangga, pati pala yung tibok ng puso at ang nanahimik mong puso ay nabangga narin pala nya, at dahil sa kasalanan yon ng lalaki, kaylangan nyang panagutan yon at ihatid at samahan ang nasiraan nya ng sasakyan sa buong journey na naabala nya, na hindi nila alam journey na pala nila yon patungong pagmamahal." Unti-unting nanghina ang boses ni Eika.
Ngumiti si Rafael sakanya at binalingan ang netbook nya pagtapos nyang titigan ito.
"Tama ka, sabi ko na nga ba, you really big help." Pagkasabi nya non ay binura nya mula sa preface at prologue non at binalingan sya ng tingin.
"You made my inspiration."

Our journey to falling in love.(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon