Chapter nine
"Sigurado ka na ba dyan? Gusto mo sunduin na kita dyan?" Halatang may pagpapanic sa sekretarya habangkausap sya ni Eika sa phone.
Tumawa si Eika bago sumagot. "Alam mo, ikaw ang over protective mo. Wala sa'kin mangyayaring masama dito OK?"
Napailing nalang sya at muling iniayos ang sarili sa harap ng salamin.
Kasalukuyan syang nasa isang expensive restaurant kung saan kakitaan nya si Rea na dahilan kung bakit nag papanic ang sekretarya nya para sakanya.
Alam kasi nito na mula nang mag break sila ni Jack noon ay ang naging deepest fears na nya ay ang makaharap ang mga taong may kinalaman sa naging relasyon ni Jack at ni Rea sa tagaytay, kagaya nalang ni Rafael.Pero ngayon na balak nya na itong harapin ay hindi na sya makaramdam ng kahit anong takot. Kung tutuusin ay pinagtatawanan nya nalang ang pag-aalala para sakanya ng sekretarya.
Tama nga naman ang sabi ng matatanda, ang darating ang panahon na ang mga iniiyakan mo noon ay pagtatawanan mo nalang bantang huli pag nakalimot at naghilom na ang sugat.
"Hello? Nandyan ka pa ba?" Takang sabi ng nasakabilang linya. "Ah oo, basta wag kang mag-alala, kung kaylangan ko ng rest back, tatawagan kita." Pag-assure nya sa kaybigang sekretarya.
"Osige na nga. Kwentuhan mo ko bukas ah?"
"Tsismosa ka rin eh noh!" Natatawa nyang tugon. "Osige na, babye na." Pagkasabi nya non ay binaba na nya cellphone nya.
Hinarap nyang muli ang sarili sa salamin.
Nasa washroom sya dahil sa nainip sya. Kanina pa kasi sya nasa restaurant na kinaroroonan nya pero wala parin ang kakitaan nya na si Rea.Hindi nya masisisi ito dahil sya nga naman ang masyadong naging maaga kung ikukupara sa oras na napag-usapan.
"Magkakausap na ulit kayo, gawin mo kung ano ang dapat mong gawin." Pagpapaalala nya sa sarili.Napatingin sya sa cellphone nya nang biglang magring yon. Kinuwa nya yon at sinagot.
"Hello babe!" Bati ni Jack na nasa kabilang linya
"Hi, nasaan ka na, babe?" Agad na tanong nya rito. Isang linggo na ang nakakalipas mag mula nang sinubukan nila ni Jack ang nasirang pagsasamahan nilang dalawa.Madalas silang lumabas at mag date pero hindi nya magawang muling ibalik ang dating pag-mamahal nya dito. Pag magkasama sila ay hindi nya marandaman na kasama nya si Jack, oras oras at araw araw ay ang gusto nyang makita ay wala ng iba kung hindi si Rafael lang.
Sa simpleng bagay at pagkakataon ay nagkakaron sya ng dahilan para maisip si Rafael kahit na ang kaharap nya na ay si Jack.Mahal nya parin talaga si Rafael.
"May tinatapos ba ko eh, bakit nandyan ka na ba?"
"Hindi, natanong ko lang." Agad nyang pagpapalusot. "Osige na, may appointment pa ko. Babye!" Pagkasabi nya non ay binaba na nya ang phone at nagmamadaling lumabas ng washroom at tinungo ang table na pina-reserved nya para sa kanila.Napangiti sya habang naglalakad palapit sa table nila nang maaninag nya ang babaeng kakitaan nya, si Rea.
Ayaw nya ng makulong sa sakit at sama ng loob, dahil yon ang ikinasira nila ni Rafael kaya naman gusto nya ng ayusin ito."Rea!" Tawag nya dito nang makalapit sya sa table nila. Umupo na sya sa kaharap na upuan ni Rea bago pa sya makapag-react.
Napakagat labi si Rea habang nakatingin sakanya. Sya ang tumawag kay Rea upang magkita silang dalawa, maaring kinakabahan pa ito na baka awayin nya lang ito o ano."Kamusta?" Pagputol ni Eika sa katahimikan na bumalot sa paggitan nilang dalawa.
"Eika, sorry." Yan lang ang sagot ni Rea sakanya.
Pinagtawanan nya naman ito. 'Wag mong sabihin na hanggan ngayon guilty ka parin? Iniwan mo na't lahat-lahat si Jack, guilty ka parin?" Napailing pa sya dito pero biglang rumehistro ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Eika."Kung sabagay, kaylangan mo ngang maguilty," huminto sya saglit at tinitigan si Rea sa mga mata nito.
"Kasi pagtapos kong palayain si Jack para sa'yo, iniwan mo lang din sya."
Huminga ng malalim. "Rea bakit? Bakit iniwan si Jack, eh ikaw nga yung pinili nya."
BINABASA MO ANG
Our journey to falling in love.(completed)
Любовные романыCan the apologize replace the pain? Will the pain can replace the love?