Mag-hahating gabi na ngunit wala pa rin sa bahay si Vincent, malamang ay nag-overtime nanaman siya sa trabaho.
Umupo muna ako sa sofa habang iniintay ang pag-dating niya, naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko na naka-patong sa center table. Kaagad kong kinuha iyon at tinignan ang screen, a notification popped up.
"Orpheus is now live."
Dali-dali kong ti-nype ang password ng phone ko at binuksan ang facebook ko, my favorite band is live now! Kung bakit naman kasi ang hilig nilang mag-surprise live e, edi sana nakakapag-handa ako. Minsan pa ngang hindi ko napanood ang performance nila dahil nasa gitna ako ng klase nang mag-live sila.
Sinulyapan ko ang views ng live at umabot na 'yon sa 423k views, gano'n sila kasikat. Puro heart reacts at comments ng mga kinikilig na fans ang nakikita ko sa screen. Inilipat ko naman ang tingin ko sa lalaking kumakanta sa live, it's their main vocalist, Vinz. He's also known by his stage name, Cupid.
Hindi na'ko mag-tatanong kung bakit Cupid ang stage name niya, sa sobrang ganda ba naman ng boses niya ay para ka nang napana ng pag-mamahal.
Sunod ko namang tinignan ang drummer nilang si Yno, he's cool, lalo na kapag nag-simula na siyang tumugtog. Yno can play guitar, bass, piano, violin, flute, and of course, drums. He's talented, kaya naman siya ang pinaka-favorite ko.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang pianist nilang si Grey, hindi tulad ng ibang members, si Grey ang pinaka-suplado, hindi siya ganoon nakikipag-interact sa fans, he barely pays attention to them, masyado siyang masungit kaya siya ang least favorite ko.
Ang huli naman ay ang gitarista nilang si Gio, siya ang pinaka-mabait sakanila, halos lahat na lang ata ng fan ay kinakawayan niya. Sa sobrang bait niya nga ay kahit fan hinaharot niya, he has a flirty personality, siya rin ang pinaka-siraulo sakanila.
"Sunsets, i wanna hear your voice, a love that nobody could destroy..." pag-kanta ni Vinz. Tanging ang kaliwang mata niya lang ang kita dahil sa maskarang suot niya, they're anonymous. Every member wears a mask, wala pang nakakakita ng buong mukha nila kaya ganoon na lang rin ang pagka-curious ng mga fans.
Makapal ang kilay ni Cupid, katamtaman lang ang laki ng mga mata niya, his eyelashes were long, kaya ganoon na lang rin kung mahulog ang iba.
"Took photographs like Brautigan's book covers, that we both adored..." he continued singing. I could listen to his voice all day long.
Ngunit bakit gano'n? kahit na matagal na 'kong nakikinig sa mga kanta nila ay bakit parang narinig ko na ang boses ni Cupid kung kanino? his voice sounded so familiar, tila ba bumibilis ang pag-tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.
It's past 1 a.m na nang matapos ang performance ng Orpheus, ni hindi ko na namalayan ang oras, kahit ang pag-dating ng asawa ko ay hindi ko na namalayan. I was wondering if he's already home.
Aakyat na sana ako sa kwarto namin para i-check siya, ngunit biglang bumukas ang pinto ng bahay. Agad akong napalingon sa puntuan, my eyes landed on Vincent. Bakas sa mukha niya ang pagod, ngunit bakas rin sa mga mata niya ang pag-kagulat.
"You're still awake?" nag-tatakang tanong niya, "yeah, i was waiting for you." I said as he went towards my direction. Dahan-dahan niya 'kong nilapit sakanya bago tuluyang niyakap. I can smell his perfume, kahit mag-hapon siyang nag-tatrabaho ay mabango pa rin.
"Sorry for making you wait, maraming patients e." He said before kissing my forehead. Kumalas ako sa pag-kakayakap niya bago siya tinignan at ngumiti. "It's fine, kakatapos ko lang rin manood ng live ng paborito kong banda." I smiled at him. Agad na nangunot ang noo niya at nag-sulubong ang makakapal niyang kilay.
"Your favorite band was live?" pag-uulit niya sa sinabi ko, i nodded in response. "What's the name of your favorite band?" puno ng kyuryosidad niyang tanong, "Orpheus!" masigla kong sagot, saglit na nang-laki ang mata niya bago inayos ang sarili.
"You know that band too?" he asked, "yeah, they're my favorite." I said, "Ikaw ba? do you know them?" i asked, tumango siya bilang pagsang-ayon, "ofcourse! how can i not? favorite ko rin sila e." He smiled at me, "e, sinong favorite mo sakanila?" he asked, he's attention was on me, he's waiting for my answer. "Si Yno! he's very talented and nice, that's why i like him." I said smiling, habang hindi naman maipinta ang mukha niya. "Oh? bakit ka nakasimangot dyan?" i asked, "si Cupid ba? you don't like him?" he asked, "i do like him, his voice sounds so good, pero i like Yno more." I answered. Parang bitbit niya ang problema ng buong mundo nang marinig ang sagot ko.
"Why?" i asked, "wala, pagod lang, tulog na tayo." Bigla na lang nanlamig ang boses niya, he walked past me and went straight to our room, padabog naman niyang isinara iyon.
What's the problem with him?
_
A/N: Hiii stars! miss u all! enjoy ur undas break!
YOU ARE READING
Melody Of Love (Forced Marriage Series #3)
Romance"Her voice reminds me of how we used to loved each other."