Agad akong lumabas ng kwarto ni Hans, paglabas ko nakita ko si Gerard sa sala. Parehas kaming nagulat nang makita ang isa't isa. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng napakahigpit. Ramdam ko ang pag ngiti niya at ang kamay niya na unti-unting hinahaplos ang buhok ko.
"Namiss ba ako ng Babylove ko?" tanong niya.
"Wala ka kasi kanina. Bakit ba wala ka? Nag-alala tuloy ako ng sobra sa'yo." tumingin ako sa kaniya habang magkayapos pa rin kami.
"Sorry may inasikaso lang ko." nag fade bigla ang mga ngiti nya.
"Ah..." tanging sagot ko.
"Family matters." sagot niya.
Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kaniya na aalis na ako pero pinigilan niya ako. Doon na raw ako kumain at matulog. Ayoko sana pero mukhang kailangan niya ng kausap. Kumuha lang ako ng damit sa bahay at saka bumalik sa bahay nilang lima. Pag dating namin ni Gerard nakahain na at kakain na lang. Magka tabi kami ni Gerard at kung anu-ano ang ipinapakain nya sa akin. Kain din lang naman ako ng kain. Matapos kumain ay niyaya nya ako sa kwarto nya at pumunta kami sa terrace.
"Ang daming stars." tuwang tuwa kong sabi. Tumingin ako sa langit at saka tumingin sa kaniya.
"Ang hilig mo sa mga ganiyan noh?" sabi niya.
"Nakakatuwa kaya silang tingnan. Nagniningning sa kalangitan." sagot ko habang nakatingin sa langit.
"Aria." tawag sa akin ni Gerard.
"Bakit?" lumingon ako sa kanya.
Pumunta siya sa likuran ko at may kinuha sa bulsa ng pantalon nya. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ani yun. Hinawi nya ang buhok ko na nasa likod at inilagay sa kanang bahagi ng balikat ko. Nararamdaman ko ang pag hinga nya at ang init nito sa paglapit pa nya sa akin. May isinuot syang kwintas sa akin pero sa tingin ko ay singsing talaga ito. Diamond star necklace ang ibinigay sa akin ni Gerard.
"Did you like it?" tanong nya habang timititigan ko yung necklace.
"Yeah." tumingin ako sa kanya na tuwang tuwa. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Thank You so much." sabi ko pa.
"You're always welcome." naramdaman ko ang higpit ng pagyakap nya sa akin. "I Love You so much."
"I love you too."
Natapos ang gabi namin na magkayakap habang natutulog. Nakatulugan na ni Gerard ang pag kwe-kwento sa akin. Ikwinento nya ang mga nangyari sa kanya kanina. Sabi nya na inaway-away sya ni Ate Gaile. Pinipilit sya ng magulang nya at ng grandparents n'ya na pakasalan si Cassandra. Halos ngayon nga lang daw nya nakilala yun. Wala naman daw syang kinalaman sa business ng magulang nya.
Kinabukasan pagpasok namin sa school agad bumungad sa amin si Principal Geo kasama si Cassandra. Nagulat kaming lima dahil doon na raw sya mag-aaral para makasama si Gerard.
"Hi nice meeting you all, I'm Cassandra Montenegro." ni isa sa amin walang bumati sa kanya dahil na rin sa nagulat kami.
"Tara na pasok na tayo?" napabitaw si Gerard sa akin ng hilahin siya ni Cassandra. Nauna silang maglakad.
"Hala. Impakta!" sabi ni Kyle.
"Tara na." sabi naman ni Hans.
Cassandra Montenegro. Siya ang nag iisang anak nila Mr. and Mrs. Alejandro at Lucilda Montenegro, isa sa pinakamayaman dito sa Asya. Kaibigan sila ng pamilya ni Gerard at simula pa noon ay napagkasundo na silang dalawa ng mga lolo nila. Maganda si Cassandra at kilos mayaman. Halatang galing sa mayaman at prestihiyosong pamilya, halatang napalaki ng ayos. Di gaanong katangkaran si Cassandra, tama lang. Maputi at maiksi ang buhok na hanggang balikat at kulot. Masasabi kong masayahin sya at napaka-hyper.
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and I
Teen FictionFORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major Revision Start: September 19, 2019 Major Revision Finished: April 11, 2021 Book cover by COVERS BY AINA ✿ ★ NOTE ★ My stories contain GRAMM...