Chapter 48

2.9K 90 10
                                    

HANS's POV

It's been weeks at patuloy pa rin ang iwasan ng dalawa matapos ang pangyayari. Lalo naman kami naging malapit ni Aria dahil sa akin siya lagi nagsasabi ng lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung paano sya ico-comfort kaya hinayaan ko na lang siya. Palagi lang siyang nasa kwarto niya at nag-aaral. Malapit na raw kasi ang entrance exams sa mga university, minsan nga niyayaya pa niya ako na mag-aral at minsan sinasamahan ko siya.

Katatapos lang ng basketball practice namin at hinihintay namin sila Jethro at Hans sa backgate.

"Kamusta si Aria?" agad na tanong ni Gerard sa akin habang hinihipak namin ang Marlboro Black.

"Nasa bahay, naka kulong lang sa kwarto niya. Nagpapaka-busy sa college admissions." sagot ko.

Tumango si Gerard at tumingala para siguro ay pigilan ang mga luha niya. Halatang wala pang maayos na tulog at kain si Gerard. Si Ate Gaile minsan nag-tetext sa amin na pilitin daw naming kumain sa school dahil hindi kumakain ng breakfast at dinner si Gerard sa kanila. Pinipilit namin pero pulos lite foods lang ang kinakain niya. Noong isang linggo pa ata nalapatan ng kanin ang tiyan nito.

"Pizza tayo?" aya ko kay Gerard.

Sumama naman siya sa akin pero hindi siya kumakain. Nagkwento lang ako tungkol sa games namin at kung anu-ano tungkol sa basketball pero patango-tango lang siya at isang tanong, isang sagot lang.

"Brod, hindi ka okay." bigla kong sabi sa kaniya. Huminga siya ng malalim at umayos ng upo saka humithit ng yosi.

"Ayaw magpa-opera ni Lolo."

"Ha? Bakit? E kung hindi niya gagawin yun mamamatay siya." komento ko.

"He wants me to marry Cassandra. Pumayag muna daw ako at ora mismo ay magpapa-opera siya."

"Ano ang sabi mo?" tanong ko.

"Wala pa. Nag de-desisyon pa ako. Brod, ayokong mawala si Aria. Alam ko may pag-asa pa eh." desperadong sabi ni Gerard.

"Iniisip mo nanaman si Aria?" tanong ko at tumango lang sya. "Sa tingin ko ay mas mabuti kung pumayag ka na. Kung nandito si Aria papayag din siya. Nagawa nga niyang magparaya eh. Hindi niya hahayaan na mawala sa'yo ang mahal mo sa buhay. Ganon ka yata talaga niya kamahal."

Humithit lang ng yosi si Gerard at uminom ng iced tea. Matapos ang buong kwentuhan namin ay dumiretso ako ng uwi sa bahay.

Pag dating agad akong dumiretso sa taas, sa kwarto niya. Kumatok ako at agad naman niyang binuksan ang pinto.

"Pizza?" alok ko sa kaniya.

Binuksan niya ng malaki ang pinto ng kwarto niya at pumasok ako sa loob. Medyo nilaksan niya ang aircon at ipinatong ko ang pizza sa side table. Puro notebook, xerox copy at aklat ang nasa kama niya. May hawak pa nga siyang magic pencil nang buksan niya ang pinto kanina.

"Hey, hundi ba ang sabi ko do not stress yourself." sabi ko sa kaniya at hinawi ang buhok niya sa mukha.

"I'm not stressing myself. I'm studying." nag-ngitian lang kami saka kumuha ng tig-isang slice ng pizza Great Mahattan.

"How was you review? Baka naman mag-top ka niyan sa entrance exams ha." biro ko sa kaniya.

"Better. Para naman makakuha ako ng magagandang scholarships. Naaawa na kasi ako kay Mommy na sinosolo niya ang pagpapa-aral sa akin." kwento niya.

The Five Bad Boys and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon