Chapter 31

3.3K 86 2
                                    

Three days later magaling na si Gerard at naka labas na rin sya ng ospital. I heard na napa galitan sya ni Principal Geo. Sa three days na yun nung gabi na isinugod namin sya sa ospital, yun lang ang araw na naka dalaw ako. Ako ang nagbantay sa kanya noon kasama sila Ivan, Hans , Jethro at Kyle.

Paglabas nya ng ospital agad ko syang pinuntahan sa bahay nilang lima. Buti na lang at Friday na. Sabi kasi ni Kyle sa akin ako lang daw ang palaging hinahanap ni Gerard. Hindi ako maka dalaw kasi ang dami kong ginagawa hindi pati ako payagan ni Mommy dahil natakot sya sa nangyari sa amin.

Pagkatapos ng klase agad akong dumiretso sa bahay nilang lima at doon ko nakita ang Gerard na naka upo sa kama, naka sandal sa headboard at naka kumot ang kalahati ng katawan habang may benda sa kaliwang kamay. Hawak nya ang cellphone nya, nag vibrate ang cellphone ko, sya pala ang tumatawag.

"Hi kamusta ka na." bati ko sa kanya.

"Medyo okay na. Pero mas okay na ngayon, nakita na kita eh." ngumiti ako sa kilig kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa kama at niyakap sya.

"I'm so sorry babylove. Kasalanan ko e." nag start na naman akong umiyak.

"Tahan na iyaking babylove." ipinatong nya ang kamay nya sa likuran ko.

"Sorry talaga." humagulhol na ako ng iyak.

"I'll do anything for you." sabi nya. Nag bend sya ng kaunti at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.

"Babawi ako promise."

"Talaga?"

"Oo."

"Sya kiss mo nga ako!" pabiro nyang sabi.

"Aba! Ay napaka loko mo talaga kahit kailan." hinampas ko ang braso nya.

"Aay ko naman! Aray ang sakit." hawak hawak nya yung hinampas ko.

"Hala sorry." hinawakan ko yung braso nya.

"Aray!" halos mamilipit sya sa sakit.

"Sorry."

"Nandyan yung gamot sa taas ng headboard." sabi nya. Umangat ako at hinanap sa taas ng headboard.

"Wala naman eh." sabi ko at tumingin sa kanya. Saktong pag tingin ko sa kanya ay ninakawan nya ako ng halik sa labi.

"Bastos!" pinalo ko ulit sya sa braso.

"Nagiging habbit mo ng mamalo ha." sabi nya.

"E ikaw kasi eh." sabi ko naman.

Nag stay ako kila Gerard. Pinagluto ko sya ng soup. Pagkatapos ay sinubuan ko sya dahil hindi pa raw magaling ang mga kamay nya at nangingiti ngiti naman. If I know, magalina na kamay nya nag iinarte lang para magpa subo. Well, sabi ko nga sa kanya babawi ako.

"May kasalanan ka pa sa akin." sabi nya.

"Ha? Ano nanaman?"

"Sabi mo may gagawin ka tapos yun pala makikipag kita ka dun sa Eris na yun."

"Sorry na kasi. Okay I admit it I'mwrong about it. Akala ko kasi mabait tinulungan kasi nya ako nun sa mga dala ko."

"Agad ng mabait? Hmmm, buti na lang mas gwapo ako dun."

"Hala wag ng mag selos oh, grabe toh, napaka seloso naman ng boyfriend ko."

Ang corney ko pero nakaka kilig. E yun naman gusto nyang mapakinggan eh. Tumingin sa akin si Gerard at ngumiti.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.

"Hindi wala."

"E bakit gannyan ka maka ngiti?" tanong ko.

The Five Bad Boys and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon