Nakita ko si Gerard kasama ang Phantom Five pagpasok ko sa school. Medyo malayo ako sa kanila dahil nga nag-umpukan ang mga estudyante sa pag-tingin sa kanila. Hindi pa ba sila na-iimmune sa mga ito? Nakapamulsa ako sa coat uniform ko nang mapansin kong humahawi ang daan habang nag-lalakad sila. Parang dagat iyong mga tao at sila iyong baston ni Moses nang hawiin ni Moses ang dagat.
"Hoy, girl, buti nakita ka namin." sabi ni George na nasa tabi ko na.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Wala lang, worried kami sa'yo baka kasi kung ano'ng gawin nila Gerard eh." sabi ni Curt.
Bigla kong naalala ang mga nasaksihan ko kagabi, parang bigla ulit akong nakaramdam ng takot. Tumingin ako sa kanila at tila binabalot ako ng kilabot.
"Aria, are you okay?" tanong ni George.
"Oo naman." sagot ko at ngumiti sa kanila.
Muli akong tumingin sa kanila. Teka, ito bang payat na ito si Ivan na tinutukoy ni Colleen sa akin kahapon? Matangkad siya, payat, maputi, halatang anak mayaman. Mukhang antukin ang mata at matangos ang ilong. Mukha siyang totoy. Hindi ko napansin na naka-titig na pala ako sa kaniya. Napa-kurap na lang ako nang tumingin siya sa akin na agad ko namang iniwas ang tingin sa kaniya. Kung magkakaibigan sila, bakit mukhang hindi nila palaging kasama itong si Ivan? Sa canteen kahapon sila lang, kagabi sila lang ding apat.
Nagsipasukan na kami sa aming mga classroom dahil nag-bell na rin. Heto ako katabi si Gerard, wala kaming ibuan at pansinan. Wala naman kasing dahilan para magpansinan kami pero napansin ko ang pasa niya sa may right jaw. Dahil ba ito kagabi?
"Did your Mom told you it's rude to stare?" tanong niya sa akin habang nagdi-discuss si Ms. Javier.
"I'm not starring." mataray kong sagot.
"Then what? Bakit ka naka-tingin sa akin? Ganyan ba talaga kayong mga babae? Gwapong gwapo kayo sa akin at tititigan ako tapos kapag nahuli ko magagalit."
"Bullshit ka!"
Napatigil ang buong klase dahil sa hindi ko sinasadyang pagsasabi ng B-word at malakas ang pagkaka-sabi ko. Nilapitan kaming dalawa ni Ms. Javier at galit na pinapunta sa Principal's office. Shit! Second day of school na-Principal's office ako. This is not a good sign. Kailangan kong lumayo sa lalaking ito dahil mapapahamak ako kapag hindi ko siya iniwasan. Sobrang daldal kasi, masyado pang assuming.
Naka-simangot akong sumunod sa kaniya papunta sa Principal's Office. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Kinakabahan na ako dahil first time itong mangyari sa akin. Never pa akong napa-trouble ng ganito sa tanang buhay ko. Pahamak talaga ang lalaki na ito.
"Yes, come in." sabi ng Principal na nasa kabilang pinto.
Nginitian kami ng assistant niya at sumenyas na pumasok na kami sa loob. Malinis, mabango at malaki ang opisina ng Principal. Mukhang bata pa siya. Mga nasa mid-20s. Ang galing naman niya, naging principal kaagad siya. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko, pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko.
Kaagad umupo si Gerard sa isang upuan sa harap ng table ni Mr. Principal at itinaas ang paa. Ang bastos talaga, walang modo pati ba naman sa harap ni Principal de Guzman... wait. Tama ba ang basa ko sa name stone niyang naka-ukit? Geoffrey de Guzman? Wait!
"What is it again, bro?" tanong ni Principal de Guzman.
"Nothing." sagot niya. "Ito kasi ang daldal. Napaka-ingay. Akala mo naka-lunok ng microphone." sagot niya.
Tumingin sa akin si Principal, naku lagot! Ano na mangyayari ngayon sa akin, magkapatid na ito? Huhuhu! Lord, help!!!
"You are?" malambing na tanong niya sa akin.
"Aria po. Aria Santiago." sagot ko.
"Miss Santiago, pasensya ka na sa kapatid ko ha. Ganyan talaga ang ugali niyan." sabi ni Principal de Guzman sa akin.
"Okay po, Principal." awkward kong sagot.
"Please, call me Sir Geo. I go by that name." sabi niya.
"Okay, Sir." sagot ko at ngumiti siya sa akin. "Now, what happened?" tanong ni Sir.
"She's staring at me and she shouted bullshit." sabi ni Gerard na matalas din ang tingin sa akin.
"Is that true, Ms. Santiago?" tanong ni Sir Geo.
"Yes, Sir." nahihiya akong sagot.
"Ano bang nangyari? Bakit mo sinabihan ng ganun si Gerard?" para na akong maiiyak sa nangyayari ngayon.
"Kasi po, Sir, si Gerard po, ang yabang-yabang po. Gwapong gwapo raw po ako sa kaniya ay hindi naman po."
"Hindi raw. Eh bakit ka naka-titig sa akin?" malakas na sabi ni Gerard. Ano ba kasing pinaglalaban neto?
Parehas lang kaming hindi umimik dahil din inawat kami ni Sir Geo dahil parehas na kaming napapa-angat sa upuan at nagkaka-lapit.
"Okay. Chill. Kalma, guys. Okay? There must be a reason for it. Pero parehas kayong may mali. Okay?" sabi ni Sir Geo.
Tumango ako, si Gerard naman naka-ismid lang. Umalis na siya ng office ng walang imik. Naiwan ako run, tumingin ako kay Sir na naka-ngiti.
"Sir, sorry po talaga. Alam ko naman pong bad yun e. Pero si Gerard po kasi."
"It's okay. I understand. Sige na, bumalik ka na sa classroom."
"Hindi po ninyo ako bibigyan ng sanction?" tanong ko.
"Gusto mo ba?" umiling ako at ngumiti siya.
Bumalik ako sa loob ng classroom. Nag-didiscuss pa rin si Ms. Javier. Hindi niya ako pinansin. Wala sa classroom si Gerard. Pagka-upo ko sa upuan ko naka-tingin lahat ng kaklase namin including Colleen and the four boys ng Phantom Five. Napa-iwas na lang ako ng tingin sa kanila.
Dumating ang recess at ayaw ko naman na mag-recess sa canteen dahil paniguradong kumakalat na sa buong school ang nangyari. Nakakahiya rin naman kila George at Curt, baka nasa canteen na sila. Kaya mas minabuti kong maging mapag-isa muna. Nag-punta ako sa sky way kung tawagin. Garden siya pero sa taas ng school. Daan din iyon papunta sa Elementary department. Para siyang terrace na pahaba na punong puno ng tanim ang unahan ng flowering plants. Umupo ako sa bench at dinama ang kapayapaan. Hindi sa kalayuan ay nakakapakinig ako ng tunog ng violin. Kung hindi ako nagkakamali, Ave Maria iyon. Nacu-curious ako dahil sa sobrang tahimik, iyon lang ang mapapakinggan. Sumabay pa sa ihip ng hangin na presko at sariwang-sariwa.
Sinundan ko ang tunog. Sa may rooftop mapapakinggan ang tunog na iyon. Umakyat ako ng limang baitang. Marahan akong pumasok sa loob ng rooftop at nakita doon ang isang lalaki na naka-uniporme ng eskwelahan. Nagva-violin siya at mahahalata na damang dama niya ang pagtugtog. Tumigil siya sa pagtugtog nang matapos ang kanta.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Ako ba ang tinatanong niya? Tumingin pa ako sa paligid kasi baka may ibang tao siyang kasama pero dalawa lang kami na naandoon. Kinaka-usap niya ako? Tumingin siya sa akin at inulit ang tanong niya.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Ah, hmmm..." wala akong maisagot. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na nagagalingan ako sa kaniya at na-engganyo ako sa pagtugtog niya?
"Alam mo bang nakaka-istorbo ka?" sabi niya sa akin at agad na nag-lakad papunta sa akin.
Napa-pikit ako dahil akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero nilampasan lang niya ako. Sobrang bango niya, amoy baby na manly. Ha? Ano raw ang sinabi ko? Oo, ganon ang amoy niya. Napaka-warm, welcoming. Parang ang sarap niyang yakapin. Dirediretso siya pababa ng hindi ako nililingon at kinaka-usap. Sabagay, kung ikokompara siya sa apat niyang kasamahan, siya na ang pinaka-mabait sa kanila. Nakaka-curious tuloy siya. Naiintriga ako sa kaniya bakit ganun?
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and I
Novela JuvenilFORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major Revision Start: September 19, 2019 Major Revision Finished: April 11, 2021 Book cover by COVERS BY AINA ✿ ★ NOTE ★ My stories contain GRAMM...