Kasama ko ngayon si Hans sa ibaba habang nag-aabang sa laban ni Gerard. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong nag eexist, na may society itong mayayaman at makapangyarihan para paglaruan lang ang buhay ng mga tao na kapos-palad.
I remembered when we went to the correctional with my Mom and her officemates for their Christmas outreach. Maraming preso ang naandoon at naka-kwentuhan ko ang iba. May mga pamilya sila at kaya sila napilitan na mag-benta ng droga, mangidnap, sumabak sa human trafficking at magnakaw ay dahil may pamilya sila na nais buhayin. People would tell them na sana nag-hanap na lang sila ng desente na trabaho, pero kung titingnan wala silang opportunities and kung meron man is very minimal. Hindi nila ginusto na gumawa ng krimen. That is why I believe na hindi pa rin sila dapat ginaganito. Their lives are not theirs to play. Hindi ito laro, totoong buhay ito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" pinipilit kong pakinggan ng maayos ang boses ni Hans dahil sobrang ingay ng paligid.
"I just saw Gerard..." hindi pa ako tapos mag-salita ay tinakpan na ni Hans ang bibig ko. Naka-yuko siya at pantay na ang ulo namin. Naka-titig siya sa akin. Lalo akong kinabahan.
Nabali lang ang tingin niya sa akin nang mag-simula nang mag-salita ang announcer. May pinapa-ikot na itim na bag na maliit at doon nag-lalagay ng pera ang mga tao. Any amount, depende sa bet nila. Ang isa ang naka-lagay ay gagamba at sa isa naman ay alakdan na nakatatak sa labas ng bag na silk. Nag-lagay ng pera si Hans sa may gagamba na tatak, iyon siguro ang kay Gerard.
"Kanino napupunta ang pera na iyan?" tanong ko.
"Hindi pa ba sinabi sa'yo nung lalaki na 'yun?" tanong niya at umiling ako. "50% ng lahat ng pera ay mapupunta sa mananalo at ang 50% ay paghahati-hatian ng mga nanalo na tumaya."
It's all about money. It is always about money.
"Bakit ba ninyo ginagawa ito?"
"What?" tanong ni Hans sa akin na parang naiirita.
Sasagot pa sana ako pero nag-simula na pala ang 'game'. Their so called game. Ang game nilang mga mayayaman at makapangyarihan. Bakit ba walang magawa ang mga politiko at pulis dito? Right, they are just one of these people. Natural, Aria. Ha! Batang bata ko pa iniisip ko na kaagad itong problema ng bansa. Proproblemahin ko muna kung paano ako makaka-uwi at paano ako mag-eexplain kay Mommy.
"Hmmm, Hans?" mahina kong sabi. Mukhang disguise sila dito ni Gerard e.
"Yow, start na?" nagulat ako sa biglang umakbay sa kaniya. Dalawang lalaki.
"Oh, ano'ng ginagawa dito ni Santiago?" tanong ni Kyle kay Hans. Tumuon si Hans kay Kyle at may ibinulong sa dalawa.
"Ahh, kaya pala. Stalker ka ba namin?" tanong ni Kyle kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Excuse me?" mataray kong sabi. May sasabihin pa sana ako kaso pinigilan ako ni Jethro.
"Excuse me." sabi ni Jethro na sumingit sa gitna ko at ni Hans. "I"m Jethro by the way." bulong niya sa akin at saka ngumiti habang hawak ang kamay ko na tila nakikipag-shake hands sa akin. "Alam mo bang ikaw lang ang nakagawa nun sa kaniya?" sabi ni Jethro.
"Bakit ba parang lahat ng tao takot na takot sa kaniya?" tanong ko.
Parang napapa-awkward smile sila Kyle at Jethro, si Hans naman ay seryoso pa rin ang hitsura. Ngumuso si Jethro sa may gitna ng arena kung nasaan ang ring. Doon ko napansin ang kalakasan ni Gerard. Literal na malakas siya. Kayang-kaya niyang i-wrestling ang lalaking kalaban niya na mukhang mga nasa 6"2 ang height sa sobrang tangkad at laki. Sobrang muscle-an at nakaka-takot tabihan dahil baka kapag pinukpok niya ako ay babaon na ako sa lupa. Ganon ang itsura ng kalaban ni Gerard. Samantalang itong isa naman na ito ay mukhang totoy na totoy sa ring pero mapapansin na may pasa na siya sa katawan. Muli akong tumingin kay Hans at napansin ang pasa niya sa pisngi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla kong hinaplos ang pasa niya kaya agad niyang nahawakan ang kamay ko. Sobrang sakit ng pag-pisil niya at mukhang galit na galit siya sa akin.
"S-sorry." sabi ko sa kaniya at nakaramdam kaagad ako ng takot sa mga tingin niya.
Agad akong nakipag-siksikan sa mga tao na naandoon at nag-pumilit na lumabas mula sa dagat ng mga tao.
"Okay ka lang ba?" hindi ko alam na sinundan pala ako ni Jethro pag dating ko sa may likuran kung saan may lalaking mukhang bouncer ulit.
"I'm okay." sagot ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Tara na. Ihahatid na kita. Pag pasensyahan mo na 'yun. Ganun lang talaga 'yun." sabi ni Jethro sa akin at inakbayan ako.
Naalala ko ang sinabi ni Colleen na mabilis ito sa mga babae kaya medyo umagwat ako sa kaniya. Nang maka-labas kami ng arena ay para akong naka-hinga ng maluwag. Malamig na ulit ang sariwang hangin at tahimik na tahimik ang gabi. Ibang daan na ito. Para lang kaming lumabas sa pader. Tiningnan ko ang nilabasan namin, hindi mahahalata na may pinto doon dahil kakulay ito ng bricks. Money can really do crazy things. Akalain ko bang sa gitna ng siyudad ay merong ganitong kalaking arena na kung titingnan ay abandonado pero iyon pala ay punong-puno ng sikreto.
"Aria." sabi ni Jethro sa akin at agad naman akong napa-tingin sa kaniya.
"Pwede bang secret lang natin ito?" sabi ni Jethro.
"Hmmm, okay." pag-sang ayon ko.
May mapapala ba ako kung may pagsasabihan ako nang tungkol dito? Hindi ba parang ilalagay ko lang ang sarili ko sa gulo? No one would believe me and if someone does, magmumukha kaming baliw sa mga pinagsasasabi namin. Sabi nga nila, we need an invitation to be part of the society. Status sa buhay ang invitation na iyon. Either we are the super rich and powerful people or just a plain person who did crimes to survive.
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and I
Teen FictionFORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major Revision Start: September 19, 2019 Major Revision Finished: April 11, 2021 Book cover by COVERS BY AINA ✿ ★ NOTE ★ My stories contain GRAMM...