R18+ Read at your own risk.
Nueves' POV
"Sa isang room nalang kaming tatlo nila Thea." Wika ni Carol. We're talking about the rooms that we'll stay for three weeks.
"Hm, how 'bout you, guys? Gusto n'yo ba ng tig-iisang room?" Baling sa'min ni Mica.
"Ayokong mag-isa sa room. Share nalang kami ni Nueves!" Wika ni Niks saka tumabi sa'kin at yumakap sa braso ko.
"That's fine with me." Nakangiting sagot ko naman. Kahit sino namang katabi ko ay ayos lang. Hindi naman ako nahihirapang matulog 'pag ganon.
"Ako nalang magsosolo ng room." Sang-ayon din ni Saji. At first akala ko talaga ay magjowa 'tong si Saji at Niks but they always say na platonic lang daw sila.
Bumaling sa'kin si Mica. Her cold stares are sending shivers to me. "You sure you're okay to share room with Niks?" She asked in a monotone.
"Okay lang kay Nueves 'yan, ganyan lang si Niks pero hindi naman 'yan nangangagat." Pang-aasar ni Carol kay Niks kaya nag-ambahan naman ang dalawang magkaibigan.
"No, I don't really mind." Ngiti ko kay Mica. Siya nga may ibang katabi mamaya so why would I care kung sinong tatabi sa'kin? God knows what are they gonna do later.
"Okay, then. Hatid ko na kayo sa rooms n'yo. Magpahinga muna kayo, bukas tayo papasyal sa bukid." Wika ni Mica. Tumulong ito sa pagbubuhat ng mga maleta namin. Umakyat kami sa second floor kung saan ang mga rooms.
"Napagod na baby ko." Rinig kong wika ni Sky habang karga-karga si Thea na tulog na.
"Kamukhang-kamukha mo, Sky." Wika ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Thea. "Pero mas mukhang dugyutin ka lang nung bata." Dugtong ko pa.
"Hanggang ngayon naman dugyutin si Sky." Natatawang wika ni Carol habang hila-hila ang maleta n'ya.
"E kung dugyutin ako bakit moshinumbshbmompp-" hindi na maintindihan ang huling sinabi ni Sky dahil agad tinakpan ni Carol ang bibig nito.
"HAHAHAHAHAHAHAHA wews!" Niks exclaimed while laughing. I think I know what Sky is supposed to say kaya natawa nalang din ako. No judgement to Carol.
Nang makaakyat kami sa second floor ay tinungo na namin ang kanya-kanyang kwarto. As expected, the room is huge with a bed that's good for two people.
Inilapag ko ang maleta sa gilid and also my backpack. I sat on the bed. Maya-maya ay pumasok na rin si Niks bitbit ang mga gamit n'yang itinabi n'ya rin sa gilid.
"Ayos ka lang, Nueves? Ang tahimik mo ah." Puna nito habang tinitingnan ang paligid ng kwarto. May isang cabinet din sa gilid na walang laman. May bedside table rin na may lampshade.
"Yup, I'm just tired." Pagsisinungaling ko. I'm not really tired pero parang wala lang ako sa mood ngayon.
"If you won't mind, can I ask you a question?" Tanong niya saka naupo sa kama, medyo malayo sa'kin.
"Sige lang," sagot ko naman. Kinakabahan naman ako sa mga itatanong ni Niks. But I promised Mica na hindi ko ipagsasabi yung set-up namin. She have my word.
"Is there something going on between you and Mica?" Seryosong tanong nito. I'm not used to Niks being this serious.
"Nope, nothing. We're just friends, I swear." I answered in my most convincing way. Sana maniwala siya.
"Totoo? As in asin?" Pangungulit pa nito.
"As in asin." Nakangiting sagot ko naman. She just nod her head and seems convinced. Mabuti naman. "Bakit mo pala natanong?" I asked. Baka kasi nahahalata na kami.
BINABASA MO ANG
𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]
RomanceMizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but she'll soon realize that she's falling for that girl. Nueves Cervantes - A young girl with dreams. He...