The return

261 16 4
                                    

"Congrats Sir.." David still couldn't believe that he's already a father. Kinailangan pa siyang ilang beses tapikin ng Ama before he could realize it. Finally, dumating na ang pinakahihintay niya. Ang manganak si Julie so he can finally move to the Philippines para makasama si Jade.

"Dad.. are we going to fly back in the Philippines right away? Namimiss ko na si Jade." Paglalahad nito sa Ama.

"No. Hindi pa natin pwede i-byahe ang anak mo. Masyado pa siyang maliit. Maybe after 3 or 6 months."

"I can't wait any longer that. If you want, mauuna na 'ko. Tapos sumunod na lang kayo."

"We can't do that. Ang alam ni Jade kami ang nag-aalaga sa'yo. Kung mauuna ka, ano na lang iisipin niya? do you really want her to know what you've done?" Nanahimik si David. "David.. Jade is an important person in our lives. She's a good catch. She's successful, intelligent, can do anything for our family. She even take control of our company and she's doing great. Better than you." Medyo nasaktan ang pride ni David sa narinig pero alam niyang totoo 'yun. Noon pa man si Jade na ang gumawa ng way para lumago ang business nila David. Siya ang dahilan kung bakit nadagdagan ang investors nila even if she wasn't knowledgeable enough about sa investment. Pero dahil maalam siya sa trading industry, natuto siya sa business. "Hindi ka aalis. You will stay here with us, do you understand?" Tumango lang si David. "Good. Now, go back to your son. Aalagaan mo si Julie whether you like it or not."

Halos maubusan ng hininga si Fred sa panenermon. Ayaw niya rin naman sana itong gawin but he has a pride. Importante sa kanya ang pangalan ng pamilya niya at ayaw niyang masira 'yon dahil lang sa anak niya. May reputasyon siyang dapat ingatan and he won't let anybody ruin that.

Balik sa Pilipinas, Jade had been busy with all the office works. Peak na kasi ng mga products na binebenta at ini export nila kung kaya't kaliwa't kanan ang dapat niyang pirmahan at i-review. Nagsisimula na siyang ma stress dahil hindi siya masyadong nakakatulog lately sa dami ng ginagawa niya.

May isang beses pa nga na nakalimutan niyang may date pala sila ni Althea. Mabuti na laman at understanding ang dalaga kaya pinalampas niya muna 'yon.

It was lunch time when Althea decided to visit Jade sa office niya. She knew everyone wasn't there dahil nagkakainan sila so she used this time para masolo si Jade. When she opened the door, Jade barely noticed her, nakatutok kasi ito sa mga papers na pipirmahan niya.

An idea gets into Althea's mind. She sneakily walked her way behind Jade and kisses her on the nape. It startled Jade and she becane cautious.

"Althea?" She said in a complaining tone. "Nasa office tayo ano ka ba?" Sa sobrang pagkabigla napatayo ito mula sa kinauupuan niya.

"'Wag kang mag-alala wala namang papasok dito. Nasa canteen sila lahat, kumakain na. Sandali nga.. magrelax ka kaya." Nagulat man sa inasal ni Jade ay patuloy si Althea sa paglalambing dito. Hinawakan niya si Jade sa balikat at marahang minassage 'yon. Alam niyang hindi basta basta makakatanggi si Jade sa ginagawa niya dahil dito siya pinakamagaling. Pinaupo niya ito muli sa upuan at saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe. "Relax. Alam kong stress out ka kaya pwede ba time out ka muna diyan? kain tayo." Althea says while slowly moving her lips into Jade's left ear. Marahan niyang hinalik halikan 'yon and slowly bumibigay si Jade.

"Althea.."

"Ssshhh.." Dito sinipsip ni Althea ang earlobe ni Jade habang ang mga kamay ay naglalakbay sa dibdib ng dalaga. Isang mahinang ungol ang pinakawalan ni Jade pero nahinto silang dalawa when someone knocks on the door. Mabilis na kumalas si Althea kay Jade.

"Sino 'yan?" Jade said in difficulty.

"Ay Ma'am sorry po. May.. delivery lang po kasi para sa inyo. Sa'n ko po pwedeng ilagay?" Habang nagsasalita 'yung utility staff, tumayo na si Jade but seeing her getting up slowly. Althea volunteers para kunin 'yon.

Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon