Papunta muli si Cindy para dalhan ng lunch si Althea. Two consecutive days niya na kasi itong hindi nabibisita simula nung mag decide siya na sa Manila na mag duty. It's been two months already at kada araw na lumulipas mayroon siyang napapansin sa dating kasintahan.
Obviously, Cindy is still into her. Hindi niya alam kung paano pero bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkamiss kay Althea. Bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang sa naudlot nilang relasyon. Paniwala niya rin naman na siya mismo ang may kasalanan. Mas nangingibabaw kasi sa kanya ang career na nag-aabang. She became busy sa school and until sa pag take niya ng bar exam nawalan siya ng oras para kay Althea.
After their break up, nawalan siya ng balita kay Althea. Until one day nabalitaan niya 'yung tungkol sa tatay nito and she voluteered na mag-alaga. Ever since that day, napag-alaman niya na nakamove on na si Althea at masaya siya sa narating ni Cindy. Ipinagpapasalamat ito ng dalaga dahil sa tinagal-tagal ng panahon, nanatili silang magkaibigan.
Dahil na rin sa madalas na pagkikita, unti-unting naramdaman ni Cindy ang pagbabalik ng nararamdaman para kay Althea. Alam niya ang trabaho ni Althea at ang naging relasyon nito kay Wila. Ginusto niyang pigilan si Althea sa pakikipagrelasyon kay Wila pero naisip niyang wala siyang karapatan para pigilan ito sa kung anong gusto niyang gawin kaya nagfocus na lang siya sa pag-aalaga kay Mang Alex.
"Cindy?" Pagdating niya sa entrance ng building, habang nagtatanong sa security guard. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita siya ni Sheryll. "Uy.. para kay Althea ba 'yan?" Agad rin nitong nakita ang tote bag na bitbit ni Cindy at dahil na rin sa hugis ng nasa loob nito na bumakat sa tela ng bag. Sigurado si Sheryll na pagkain ang laman no'n.
"Amm.. oo. Nandiyan ba siya?"
"Sayang hindi kayo nag-abot. Kakaalis lang niya, may delivery pa ata." Cindy frowned.
"Na naman? napapadalas ata 'yung pagdedeliver niya tuwing lunch time."
"Marami kasing deliveries talaga ngayon. Nagkakaubusan ng supplies sa mall e. Mabuti pa, ako na mag-aabot niyan. Baka kasi mamaya pa 'yun dumating." May pagdududa man iniabot na lang ni Cindy ang dalang pagkain kay Sheryll.
"Ang bango. Adobo 'to?"
"Oo.. dapat baboy 'yan since ayun 'yung gusto ni Althea. Kaya lang wala akong nabili."
"Sus, kahit ano pa 'to magugustuhan no'n. Ang takaw kaya ni Althea." Napangiti si Cindy sa sinabi ni Sheryll. "Nung nakaraan nga na nagdala ka ng ulam? kinain niya 'yon tapos inubos niya pa 'yung niluto ni Madam Jade." Ngunit agad nawala ng marinig ang pamilyar na pangalan.
"Pinagluluto siya ni Jade?" She asked curiously.
"Hmm.. oo pero marami siyang dinadala kaya pati 'yung ibang empleyado nakakakain." Simula no'n hindi na nawala ang pagdududa kay Cindy. "Sige Cindy, mauna na 'ko ha. Ilagay ko lang 'to sa pantry." Tumango lang si Cindy at saka lumakad na.
Alam niyang hindi siya dapat nag-iisip ng kung ano pero may mali siyang nararamdaman.
"Hindi.. hindi 'to selos lang." She whispered to herself before heading off to work.
Tapos na ang lunch break ng makabalik si Althea sa office. Pagkababa niya ng van ay siya namang pagdating ni Jade. At sa pagbaba nito ng kotse, nagkatinginan at nagpalitan ng makahulugang tingin sa isa't-isa. Naunang umakyat si Althea sa office at agad tumungo sa pantry para kumuha ng malamig na tubig. Halatang uhaw at may kaunting pawis pa sa batok ang dalaga na akala mo'y tinakbo ang daan pabalik sa pinagtatrabahuang establishment.
Napansin niya ang tote bag sa gilid ngunit hindi na ito inintindi pa. Habang paalis ng pantry saka niya nakasalubong si Sheryll.
"Althea.. nakita ko ba 'yung dala ni Cindy na pagkain? 'yung nasa tote bag."
BINABASA MO ANG
Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)
RomantizmA soon-to-be-wife offered by a friend to go to a bachelorette party. Little did Jade knows that they invited a female stripper instead of a male. The said event will change her entire life as she met the female stripper again where she began fantasi...