Jade and Althea started walking outside papunta sa apartment kung saan nagre rent si Althea. Jade had been carrying her backpack, at dahil hindi sanay na magbuhat, medyo nangangawit na yung braso niya. Suddenly she stops from walking making Althea pauses from making a step. Nakita niya sa isang mirror wall mula sa isang saradong establishment ang reflection nila ni Jade, she saw her gasping lightly. Pinagmasdan niya muna ito sandali at saka nagsindi ng sigarilyo. Dumukot siya ng lighter sa kanang pocket ng itim na leather jacket na suot. She rolled her eyes then approached the beautiful lady. Dahil wala siyang ibang dala bukod sa cellphone at wallet niya, mabilis niyang binuhat yung backpack ni Jade. The latter was kinda surprised, pero agad na naglakad muli si Althea, not wanting to hear anything that Jade will say. Sumunod si Jade at humabol since mabilis maglakad si Althea.
"Amm thank you ah." Mahinang sabi ni Jade while they were still walking. Huminto sila sa harap ng pedestrian lane facing across the street. Tahimik pa rin si Althea at tila walang balak magsalita. Nagpalit na ang ilaw sa may stoplight, turn na ng mga tao para tumawid. Agad naglakad si Althea pero nanatili si Jade sa pwesto niya. Althea pauses again and looks at Jade.
"Ano na naman 'to?" Mahinang bulong ni Althea na may pagkairita. Sisigawan niya sana si Jade when she notices something. Nanginginig ito at parang natatakot. Nakaramdam ng pag-aalala si Althea at mabilis binalikan ang dalagang kasama. "Jade? Jade.." She called her twice dahil hindi siya tinitignan nito sa unang pagtawag niya rito. "Anong problema?"
"I can't go." Althea frowned but later realizes Jade's fear.
"Nasa kabilang street yung apartment building. Kailangan nating tumawid, halika na." Althea tried to convince her but it wasn't enough. Nakaisip siya ng paraan. "Akin na yung kamay mo. Hindi ko 'to bibitawan hangga't hindi tayo nakakarating sa kabila, naiintindihan mo?" Hearing this, Jade calmed down lightly. She tilted her head up to look at Althea, nakangiti ito ng kaunti. Jade couldn't help but blink her eyes, para kasi siyang nakakita ng anghel sa mga oras na 'yon.
"S-sige." Hinawakan ni Althea ang kaliwang kamay niya, their fingers intertwined at sa pagyayakapan ng mga daliri nila, nakaramdam sila pareho ng pagdaloy ng kuryente sa buong katawan nila. Althea notices it but chose to ignore it since kailangan niyang hawakan ang kamay ni Jade hanggang makatawid sila sa kabila.
Nakatawid na sila sa kabila pero hindi binitawan ni Althea ang kamay ng dalaga. Nagtaka si Jade pero hindi niya nagawang alisin din ang kamay niya sa pagkakahawak ni Althea.
"Dito na 'yon." Althea announced, at dito lang sila naglayo ng kamay. Binuksan na ni Althea ang pintuan pero pagkawahak niya sa doorknob ay siyang bukas nito. Naroon pala yung matandang guard. "Manong Fred, akala ko wala kayo."
"Nagtimpla lang ako ng kape." Nakangiting pagbati ng guard na may dalang isang cup of coffee. Hihigop na sana ito ng biglang mapalingon kay Jade. "Aba, sino itong magandang dilag na kasama mo? Ngayon ko lang ata siya nakita. Gelpren mo, Althea?" Althea chuckles and quickly dismiss the topic.
"Wala ho akong girlfriend." She said sabay tapik sa kabilang braso nito na walang hawak na kape. "Andiyan ho ba si Ate Cynthia?" Pumasok na sila sa loob and Jade couldn't help but look at Althea. Napansin ito ni Manong Fred kaya tinignan niya ito sinimulang magtanong,
"Naroon si Cynthia sa office, puntahan mo na lang do'n." Sabi nito kay Althea at saka lumingon kay Jade. "Hija, anong pangalan mo?" Hindi ito pinansin ni Althea dahil alam niyang friendly talaga sa Manong Fred. Tumuloy ito sa office pagkatapos mailapag yung backpack ni Jade sa isang upuan.
"Amm.. Jade po." Magalang na sagot ni Jade.
"Umupo ka muna diyan, magre rent ka ba? o.. kasama mo si Althea sa isang kwarto?" Jade blushes and looks at Manong Fred. Napangiti ng nakakaloko ang security guard. "Okay lang 'yan. Mabuti na rin at napirme si Althea sa isang babae. Matagal ko nang sinasabihan yan na magseryoso na, tumatanda na siya. 'Wag niyo kong gayahin, tumandang binata." Manong Fred chuckled sarcastically bago humigop ng kape.
BINABASA MO ANG
Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)
RomanceA soon-to-be-wife offered by a friend to go to a bachelorette party. Little did Jade knows that they invited a female stripper instead of a male. The said event will change her entire life as she met the female stripper again where she began fantasi...