"Mukha namang wrong send lang 'to. Hindi ka na ulit kinontak e." Sally said giving Jade's phone back to it's owner. Nasa bar sila ni Batchi dahil nag-aya itong si Sally na mag chill muna sila. Dahil sa naiwang trabaho ng mga magulang ni David and David himself. Sobrang busy na ni Jade at bihira na makausap ni Sally.
"Oh pulutan niyo, libre ko na 'yan." Batchi said as she takes a sit beside Sally. Naglapag ito ng sizzling sisig sa lamesa nila, at crispy pork liempo.
"Thanks Batchi, tamang-tama gutom pa ko." Jade said sarcastically then looks at Sally. "Ito kasing jowa mo, hindi muna ako pinakain bago kami pumunta dito."
"Gano'n ba? if you want may rice do'n sa kitchen.." Jade chuckles.
"Sira! okay na 'ko dito." Sagot naman ni Jade habang tinitikman 'yung sisig.
"Nga pala Jade, nakahanap na ba kayo ng female driver?" Batchi asked making Jade looks at her.
"Wala pa nga e. Baka may kakilala ka? kailangan kasi talaga namin ng driver dahil 'yung ibang branches nagkakaproblema sa mga gamit. Hindi naman pwedeng mag-utos lang ako ng kung sino dahil hindi ako basta-basta makakapaglabas ng pera." Jade explained.
"Hmm.. actually, may kilala ako. One of my friends knows how to drive. I just don't know if she's still available." Batchi recalls one of her friends na kailangan ng trabaho. By the mention of friends, automatic na napalingon si Jade sa pwesto kung nasa'n ang bartender ni Batchi. She tried to hide her dissapointment upon missing someone na madalas niyang nakikitang nakapwesto ro'n. Ni wala man lang silang maayos na pag-uusap bago maghiwalay ng landas. "Jade.." Batchi called her as she was spacing out.
"H-huh?"
"Sabi ko, I'll just contact you if available pa siya."
"Ahh.. yeah, sure. Thanks." Sally knew something was up with her bestfriend pero sa tuwing tinatanong niya naman ito, iisa lang palagi ang sagot niya.
"Bes.. we're here to relax. Be stress-free, okay? inom lang ng inom, at 'wag mo muna masyadong isipin ang work." She said trying to cheer her up. Pilit na ngiti ang isinukli ni Jade but is already enough para mapanatag ang loob ni Sally.
Few moments later, Batchi receives a call. She excused herself para sagutin ang tawag, hindi naman nakatakas sa pandinig ni Jade ang binanggit ni Batchi as she answers the call. Hindi 'yon pangalan kundi isang endearment. Isang pamilyar na salita.
"Uy, tsong ano na? Akala ko ba pupunta ka?"
"Na traffic lang tsong. Bakit mo ba kasi ako pinapapunta diyan, anong meron?" Lumabas si Batchi ng bar para mas marinig ang kausap sa kabilang linya.
"Siyempre, chix. Ano ka ba? para namang may bago.." tatawa-tawa si Batchi,
"Hindi ako interesado."
"Sus.. alak, maraming alak. Okay na ba?" Batchi knew that Althea isn't ready to face Jade. Pero ayaw niyang pabayaan na lang na malugmok ang kaibigan niya sa kalungkutan. Kakamatay lang ng tatay nito at tila ba nawalan ng sindi ang apoy sa loob niya ng malamang hindi pala interesado si Jade sa kanya. Alam naman ni Batchi kung anong nangyari, walang hindi kinekwento si Althea sa kanya. "Saka.. may io-offer sana ako sa'yong trabaho. Para umalis ka na do'n sa spa parlor. Ang baba ng kinikita mo do'n e."
"Job offer? anong klase ba 'yan, ayoko nang magsayaw sa bachelorette party ah. May trauma ako diyan." Muling tumawa si Batchi sa narinig.
"Sira.. hindi ko na uulitin 'yon. Madali lang 'to, marunong ka pa naman mag drive 'di ba?" It's like an evil plan for Batchi pero posible ring i-turn down ni Althea ang job offer niya once malaman niya kung sa'n siya magtatrabaho.
BINABASA MO ANG
Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)
Roman d'amourA soon-to-be-wife offered by a friend to go to a bachelorette party. Little did Jade knows that they invited a female stripper instead of a male. The said event will change her entire life as she met the female stripper again where she began fantasi...